Sa hangaring bumango ang imahe sa media, namudmod ng cellular phone ang isang solon ngayong umaalingasaw ang kanyang imahe at nangangamoy-pusali matapos mabistong balimbingin at double blade ito. Tanging ikinalungkot ng mga kurimaw, sa pangunguna ng TONITE Spy, mas lalong napasama ang mestisuhing solon dahil umaastang makapili ang hindi kagandahang media relation officer (MRO) na inarkila, patunay ang pangongomisyon sa salaping inilalabas ng kanyang opisina. Bagama’t matagal nang nagtapos ang selebrasyon ng Pasko at Bagong Taon, namudmod ng cellular phone ang mestisuhing solon sa hanay ng piling mediamen, pinakahuli ang pagsagawa ng special operations ng hindi kagandahang media relation officer subalit nadiskubreng naibubulsa lamang ito. Halos hindi makagulapay ang mestisuhing solon sa kamalasang inabot kaya’t nagbabangong-puri ang kanyang opisina, sa pamamagitan ng MRO kung saan halos tumira sa Public Relation and Information Bureau (PRIB) office para mapalapit sa mga mamamahayag. Sa kabila ng ginagawang pagtambay sa Teodoro Locsin Sr. Room sa 2nd floor ng MRO para makisalamuha sa mga miyembro ng media at mailapit ang kanyang amo, mas lalong dumami ang bad trip sa solon dahil sa sablay na diskarte ng tauhan nito. Ang rason, may pinagmanahan sa mestisuhing solon ang hindi kagandahang media relation officer, katulad ang reklamong ‘makapili’, hindi lamang sa pamimigay ng cellular phone bagkus sa dokumentong kailangan sa office nito na lalo pang nagpatibay sa alegasyong traydor at ‘manggagamit’ ang kanyang amo. Kahit walang humihingi ng dokumento o interbyu sa mestisuhing solon, mala-linta kung makadikit ang hindi kagandahang MRO sa sinumang reporter na nagmula sa malaking media organization taliwas sa kagaspangan ng pag-uugaling ipinapakita kapag hindi umaabot sa limang libo ang circulation ng isang dyaryo o taga-tabloid ito. Maliban sa pamumudmod ng cellular phone, halos linggu-linggong nagsasagawa ng special operations ang kampo ng mestisuhing solon, sa pamamagitan ng MRO, kung saan lingid sa kaalaman ng mambabatas ay hindi nakakarating ang salaping pinapakawalan bagkus ay naisusukbit ang sukli nito. Clue: Saksakan ng traydor ang solon at walang ‘kaibi-kaibigan’ basta’t pera-pera ang usapan at napapaboran ang kanyang pamilya habang ipinagmamayabang ng MRO ang pagiging ‘ex-talent’ ng giant network kaya’t nakapasok sa opisina ng solon. Kung sino ang solon, abangan ang susunod na kabanata. (www.mgakurimaw.blogspot.com) (Rey Marfil) |
3 comments:
Juicy!
nike shox for women
nike air max
balenciaga
nike epic react flyknit
yeezy boost 350 v2
balenciaga speed
air max
jordan shoes
michael kors handbags sale
yeezy 500
like it dolabuy hermes continue reading this dolabuy.ru sites replica dolabuy
Post a Comment