Kung merong pinagsisihan ang buong angkan ng isang pulitiko sa Pilipinas, walang iba kundi ang araw ng kapanganakan ng isang miyembro ng Kongreso, partikular ang pagkakaroon ng bloodline dito. Sa report na nakalap ng TONITE Spy, sukdulan hanggang Bicol region ang nararamdamang galit sa matapobreng lady solon ng sariling kamag-anakan at kauring-konyo matapos barahin ang diskarte ng mga ito. Nag-ugat ang galit ng mga kamag-anakan sa matapobreng lady solon matapos makialam ang mambabatas sa isang ‘land dispute’ at harap-harapang hiyain sa publiko ang sariling kadugo na nagtutulak sa interes ng mga maimpluwensyang negosyante. Sa tindi ng galit, nagawa pang magsumbong ng mga kamag-anakan ng matapobreng lady solon sa lahat ng mga katropa ng mambabatas, katulad ang pagpapakalat ng sulat at kung anu-anong pang-iinsulto sa pagkatao nito. Ang matinding revelation sa lahat, sariling ‘tiyahin’ ng matapobreng lady solon ang nagpapakalat ng malisyosong sulat at pag-atake laban sa mambabatas kung saan ipinagtatanggol ang isa sa kapamilya na naunang nakabangga nito. Sa isang forum, pinahiya ng matapobreng lady solon ang isang kapamilyang nagtutulak sa interes ng maimpluwensyang negosyante, patunay ang pagkastigo sa pagiging dupang, gamit ang katagang ‘shame on you’. Hindi nagustuhan ng mga kapamilya ng matapobreng lady solon ang ginawang panghihiya sa sariling kadugo kung kaya’t nauwi sa kampihan ang labanan ng mga magkakamag-anakan, kahalintulad din sa partehan ng lupain gayong iisang compound lamang ang inuuwian. Tanging magandang pabor na nakuha ng matapobreng lady solon, ito’y kakampi ng mga nakakaraming biktima sa pinagtatalunang problema sa lupa kumpara sa mga kamag-anakang nakaaway na mabibilang lamang sa darili. Ang malaking problema lamang ng matapobreng lady solon, walang iba kundi ang mawalan ng campaign fund o donasyon lalo pa’t nangangarap makahirit ng panibagong termino sa 2010 national elections at posibleng tablahin ng mga mayayamang kamag-anakan, maliban kung magbebenta ng lupain ngayong naubos ang ipinamana rito. Clue: Hindi kuwestyon ang tapang ng matapobreng lady solon subalit madalas sablay ang diskarte at hirit sa session hall, maging sa media interview para magpabango ng image kung kaya’t napapahamak ito. Kung senador o kongresista, itanong n’yo kay Lynda Jumilla ng ABS-CBN kung nagkapatawaran na ang mga ito. (www.mgakurimaw.blogspot.com). |
No comments:
Post a Comment