Friday, March 20, 2009

march 20 2009 abante

Lady solon, nagpalit ng media handler

Sa dami ng mediamen na nakakaaway, isang mi­yembro ng Upper House ang nagpalit ng media handler upang maibangon ang masamang imahe at mailapit ang sarili sa mga mamamahayag.


Sa halip kaawaan, pinagtatawanan ni Mang Teban sa panibagong diskarte ang matapobreng lady solon dahil mistulang inamin ang naunang kasalanang nagawa sa mga mediamen tulad ng pagturing bilang mga patay gutom.


Dahil tatakbo ngayong 2010 elections at isa sa reelekyunista, walang ibang choice ang solon kundi makipag-ayos sa mga mediamen na nakabanggaan at nakasamaan ng loob.


Pintahan niyo na: Iyakin ang matapobreng lady solon at madalas napapaaway sa session hall dahil matalas ang dila. (www.mgakurimaw.blogspot.com)

No comments: