Friday, March 27, 2009

march 27 2009 abante

Presidentiable nagka- ‘black-eye’ sa out of town

Sa halip makakuha ng ‘pogi points,’ matinding kahihiyan ang inabot ng isang presidentiable matapos kuyugin at durugin ang kanyang pagkatao ng mga residente sa isang lalawigang dinalaw nito.


Bagama’t matinding kahihiyan at sangkaterbang ‘black-eye’ sa kandidatura ang inabot, hindi ito kinaawaan ni Mang Teban dahil sariling kapalpakan ang rason kung bakit napahiya at bugbog-sarado sa mga residente.


Halos hindi makabangon sa kahihiyang inabot ang presidentiable kapag pinagbatayan ang naglalakihang headline at editorial sa local newspaper, as in durog na durog at bugbog-sarado ang nabanggit at hindi umubra ang salaping pinakawalan para maharang ang mga batikos na natikman.


Nagtungo sa probinsiya ang presidentiable para makapagpa-pogi bilang preparasyon sa 2010 presidential election. Ngunit kahit isang puntos, walang nakuha ang presidentiable sa pagbisita sa lalawigan dahil banner sa lahat ng local newspaper o community paper kinabukasan ang ginawang kapalpakan.


Pintahan n’yo na: Pinapatulan ng presidentiable ang lahat ng survey at nagbabayad para mailagay ang pangalan sa winning circle.(www.mgakurimaw.blogspot.com)

No comments: