Wednesday, March 11, 2009

march 11 2009 abante tonite

Solon nanghipo ng elevator girl!
(Rey Marfil)

Sadyang walang patawad sa pagiging manyakis ang isang miyembro ng Kongreso, katulad ang nakahiligang pakia­laman at puntiryahin ang mga magagandang staff matapos panggigilan ang isang magandang elevator girl.
Nasaksihan ng TO­NITE Spy kung paano pagtripan ng matandang solon ang isang magandang elevator girl na naka-assign sa express lane, patunay ang ginawang pag­tsansing, as in pasimpleng hinipuan sa loob ng elevator habang paakyat ito.
Kung nagawang ibahay at bigyan ng sari-sari store ng dating senador ang isa sa dating elevator girl sa Upper House, as in iginarahe nang matipuhan ang bebot, idinaan naman sa pahipu-hipo ng matandang solon ang diskarte para matsansingan ang malambot na parte ng katawan ng bagong elevator girl.
Bago hinipuan ng ma­tandang solon ang elevator girl, unang pinagdiskitahan ng mambabatas ang isang tsinitang empleyado ng Kongreso na nakasabay sa elevator kung saan idi­naan sa pagkurot ang pa­nanantsing.
Unang sumakay ng ele­vator mula basement ang tsinitang empleyado ng Kongreso at pagsapit ng 2nd floor, pumasok ang matandang solon, kabuntot ang mga security at iba pang staff.
Nakapuwesto sa tagi­liran ng elevator ang tsini­tang empleyado kaya’t hindi napansin ang pagpasok ng matandang solon at ikinagulat ang pagpisil sa kanyang bilbil kung saan mabilis na binawi ang pagkainis nang makitang mambabatas ang gumawa ng panghihipo.
Ang matinding revelation sa lahat, hindi pa nakuntento sa pagpisil ng bilbil sa tsinitang emple-yado, nabaling sa magandang elevator girl ang atensyon ng matandang solon matapos kurutin sa tagiliran ang bebot.
Bagama’t mala-haplos ang pagkurot ng matandang solon at hindi masakit ang hawak nito, halos ramdam ng mambabatas ang malambot na parte o maselang bahagi ng katawan ng magandang elevator girl, partikular ang ilalim ng dibdib nito.
Hindi naman umangal ang magandang elevator girl, katulad ng tsi-nitang empleyado dahil pakiramdam nito’y simpleng pagbati ang ginawa ng matandang solon at lingid sa kanilang kaa­laman ang pagiging manyakis ng mokong, hindi lamang sa mga staff kundi sa sinumang makursunadahang bebot.
Clue: Sadyang manyakis ang matandang solon at kamuntikang masampolan sa sexual harassment subalit masuwerteng naganap ang kabulastugan sa foreign trip kung kaya’t nanghi­na ang pamilya ng inargab­yadong tauhan nito. (www.mgakurimaw.blogspot.com)

2 comments:

Paul Farol said...

sino yan? Juicy!

mgakurimaw said...

nasa senate lang, 5th floor