Wednesday, March 18, 2009

march 18 2009 abante tonite

Gov’t facility ginawang hotel ng presidentiable
(Rey Marfil)

Kung gaano ka-despera­dong tumakbo sa 2010 national election, ganito rin ka-dupang sa paggamit ng mga government facilities ang isang nagkukunwa­ring presidentiable, patunay ang pagsasamantala at pang-aabuso sa resources ng gobyerno.

Sa report na nakalap ng TONITE Spy, mula sa kaliit-liitang bahagi ng govern­ment offices hanggang pinakamalaking pasi­lidad ng opisinang nasa pangangasiwa ng nagkukunwaring presidentiable, ito’y ginagamit ng kumag para itulak ang presidential ambitions.

Ang pinakamatinding revelation sa lahat, ginawang hotel ng nagkukunyaring presidentiable ang isa sa malaking go­vernment facilities sa kanyang distrito, animo’y pag-aari ang lugar ga­yong buwis ng taong bayan at constituents ang nagbabayad nito.

Kung maluwag sa paggastos ang ilang presidentiable sa maagang pag-iikot at pangangampanya, ipinasa ng nagkukunya­ring presidentiable ang lahat ng gastusin sa gobyerno, as in na-convert bilang sariling hotel ang pasilidad.

Simula nang ambis­yunin ang pagtakbong Pre­sidente, kung sinu-sinong Pontio Pilato, katulad ng mga political organizer, grupo ng mga public school teachers ang pinaluluwas ng Maynila ng nagkukunyaring presidentiable mula sa malala­yong probinsya.

Sa halip i-check in sa mga hotel sa Metro Manila ang mga bisita, nagtitipid ang nagkukunwaring presi­dentiable at ipinakargo sa gobyerno ang lahat ng gastusin ng mga bisita o iniimbitahang political organizer at grupo ng public school teachers.

Halos punuan kada ling­go ang government facilities na nasa control ng nagkukunyaring presidential, pinakamahina ang 150 hanggang 200 katao na naka-check in kung saan libre ang pagkain at iba pang services, hindi pa kabilang ang ‘pabaon’ at pamasahe sa eroplano na ibinibigay ng kumag na kinukuha sa pondo ng gobyerno.

Sa kuwenta ng mga nag­lipanang kurimaw sa Pasig River, humigit-kumulang P500 libo kada linggo ang nakalistang ginagastos ng nagkukunwaring presidentiable kung saan kinakargo ng government facilities, as in nauuwi sa charge to experience ang pagliliwaliw ng mga bi­sita nito.

Clue: Walang tatalo sa fighting spirit ng nagkukunwaring presidentiable at sobrang bilib sa sarili. Ito’y isinusuka ng mahihirap. Abangan ang susunod na kabanata. (www.mgakurimaw.blogspot.com)

No comments: