Monday, March 2, 2009

feb 28 2009 abante tonite

Ex-Palace official, nakikipag-smack sa lady solon!
(Rey Marfil)

Kapag nagkataon, magiging ‘Kuya’ ni ex-Palace official ang isang miyembro ng Kongreso matapos pagdiskitahan ang karelasyong solon, patunay ang pasikrektong pakikipag-smack sa mga dinadaluhang political gatherings.
Sa report nakalap ng TONITE Spy, matagal nang kinukursunada ni ex-Palace official ang magandang lady solon kahit naunang ‘nalawayan’ ng dating katropa sa organisasyon, as in nakarelasyon ng kauring pulitiko mula sa Kongreso.
Bagama’t hindi pursigidong matikman ang magandang lady solon na nakarelasyon ng dating katropa sa organisasyon, paboritong pagtripan ni ex-Palace official ang bebot kapag kasama sa out of town trip o kaya’y meron dinadaluhang political gathering kung saan parehong bisita ang mga ito.
Dahil wala namang interes si ex-Palace official na isama sa mahabang listahan ng mga babaing nakarelasyon ang magandang lady solon, ito’y pinagdidiskitahan sa mga gatherings, katulad ang pasimpleng pakikipag-smack dito.
Sa mga political gatherings at iba pang pagtitipong dinadaluhan, sinasadya ni ex-Palace official na gawing makatotohanan ang halik sa magandang lady solon, gayong simpleng ‘beso-beso’ lamang ang legal na batian ng mga pulitiko at miyembro ng alta-sociedad.
Taliwas sa nakaugaliang pakikipagbeso-beso, idinikit ni ex-Palace official ang kanyang labi sa magandang lady solon at sinasadyang ilihis ang paghalik sa pisngi kung kaya’t nauuwi sa smack ito, animo’y hinihigop ang bebot sa lakas ng paghalik dito.
Sa halip na pisngi lamang ang puntiryahin sa pakikipagbeso-beso, mala-jueteng money na idina-divert ni ex-Palace official ang paghalik sa magandang lady solon kung saan nadadamay ang tagiliran ng labi ng bebot.
Hindi naman ipinagtaka ng mga kurimaw kung bakit hindi pumapalag ang magandang lady solon kahit naiisahan sa pakikipagbeso-beso ni ex-Palace official dahil malaking kapakinabangan sa hinaharap ang suporta ng kumag at kilala ding pumapatol sa mga ‘senior citizen’ ang bebot, katulad ng nakarelasyong solon at ama ng kanyang mga anak.
Clue: Saksakan ng plastic ang lady solon at numero unong manyakis ang nakarelasyong solon, patunay ang pagiging ‘staff killer’ habang nangangarap makabalik sa poder si ex-Palace official. (www.mgakurimaw.blogspot.com)

No comments: