Wednesday, March 4, 2009

march4 2009 abante tonite

City mayor, bantay-sarado ng ‘bulldog’ sa opisina
Rey M. Marfil

Kundi magbabago ng diskarte ang tanggapan ng isang City Mayor sa National Capital Region (NCR), ito’y posibleng sa kangkungan pulutin sa 2010 national election, kasunod ang pagkakadiskubreng nag-aalaga ng babaeng bulldog sa office nito.
Bagama’t hindi literal na aso ang babaeng bulldog sa opisina ni City Mayor, nadiskubre ng TONITE Spy ang dumaraming reklamo ng mga constituents laban sa kinikilalang ama ng lungsod dahil saksakan ng tapang at walang konsiderasyon ang nagsisilbing sekretarya ng kumag, as in sobrang taray.
Taliwas sa panahon ng kampanya kung saan walang pakialam si City Mayor kahit gusgusing constituents ang nakakasalamuha sa kanto at direktang nakakalapit upang kamayan at mayakap ang kumag, ngayo’y umarkila ng dalawang sekretaryang bulldog para salain ang mga kakausapin nito, pinakamabangis ang isang tsinitang staff.
Nagiging routine kada araw sa opisina ni City Mayor ang pag-astang Hitler ng tsinitang sekretarya, as in walang sinumang Pontio Pilato o katropa ni Barabas ang nakakapasok sa kuwarto hangga’t walang appointment paper at hindi binibigyan ng ‘green light’ o pases.
Kung anong bait ni City Mayor sa mga botante, ito’y kabaliktaran sa inarkilang tsinitang sekretarya kung kaya’t hindi maiwasang pagdudahang merong bendisyon o go-signal sa alkalde ang pag-aktong strainer nang tinaguriang ‘bulldog’ sa opisina nito.
Ang masakit sa panig ni City Mayor, maraming kababayan o constituent ang naba-bad trip sa kanyang istilo at nawawalan ng pagtitiwala at suporta lalo pa’t nagbabalak tumakbong congressman dahil nagpapadikta sa tsinitang sekretarya, maging kamag-anakan ng kumag, ito’y nagsimulang mairita sa babaeng bulldog sa kanyang opisina dahil tinatabla.
Clue: Hindi matatawaran ang tapang ni City Ma­yor, patunay ang paninindigan kahit pini-pressure ng Malacañang at panghihinayangan ng mga ‘badinger-Z’ ang pagiging ‘Papa ng Bayan’ kung patuloy nakabantay ang sekretaryang bulldog sa opisina. Ito’y merong letrang “Y” sa apelyido, as in Yamang-Dagat ang produkto ng siyudad habang meron letrang “B” ang tsinitang sekretarya, as in Bulldog. (www.mgakurimaw.blogspot.com)

No comments: