Thursday, March 5, 2009

march 5 2009 abante tonite

Sex for sale sa Kremlin?
Rey Marfil


Noong dekada 90’s, puro Pinoy ang nagmamay-ari ng beerhouse sa Quezon City pero ngayong panahon, nagbago ang lahat, aba’y kung hindi dalawang letra ang apelyido ng club owner, ito’y nagtatapos sa letrang ‘ING’, katulad ng pamilya Ting at putok ang grupong “Dragon 8” bilang operator ng isang bagong-bukas na sauna bath na nagsisilbing prostitution den sa Quezon City. Ni sa panaginip, ayokong isiping “Dragon 8” ang pasimuno ng high-class prostitution sa Pilipinas, katulad ng nangyayari sa balwarte ni Mayor Sonny Belmonte.
‘Ika ni Aling Matet, ‘kinain ng buhay’ ang operas­yon ng ‘Classmate’ ng isang sauna bath parlor, walang iba kundi ang Kremlin--ito’y katabing gusali lamang. Ganyan kalupit ang prostitusyon sa Quezon City subalit nakakapagtakang bulag ang mga konsehal at iba pang local officials, sampu ng mga kongresista, maliban kung linggu-linggo ring present sa beerhouses at meron ‘patong’ sa Kremlin o kaya’y sinungaling ang impormante? At kundi nagkakamali si Pareng Bernard Taguinod, sina Bingbong Crisologo at Naneth Daza ang kinatawan sa ‘red light district’. Kahit itanong n’yo pa kay birthday boy Henry Chua!
Sa report ng mga naglipanang kurimaw sa kahabaan ng Quezon Avenue, merong malaking aquarium sa 2nd floor ang Kremlim, iyon nga lang, hindi isda kundi masahistang bebot ang nakakulong. Mantakin n’yo, masahista ang drama subalit guest relation officer (GRO) ang kasuotan. ‘Ika nga ng mga katropa ni Jeff Zaide ng IBC-Channel 13, nang minsang namasyal sa sauna bath, ‘nagmumura’ ang dibdib ng mga bebot, as in laba ang mga masahista at kita ang kuyukot sa sobrang ikli ng palda, malinaw ang katotohanang ‘laman’ ang ibinebenta ng Kremlin, hindi ang massage services na nakapronta.
Kahit sinong kurimaw ang tanungin, isang napakalaking katarantaduhan kung walang taga-City Hall ang parokyano sa ‘sex for sale’ sa Quezon City lalo pa’t 4-month nang namamayagpag ang Kremlin. Take note: City Hall ang nagbibigay ng work at health permit. Sa madaling salita, mas kaila­ngan ang pag-aksyon ng Simbahang Katoliko sa ‘sex for sale’, hindi sa isyu ng Reproductive Health Care!
***
Napag-usapan ang prostitusyon, pinakamatindin­g re­velation sa lahat, habang pataas ang palapag sa Kremlin, pataas din ang pres­yo ng mga masahista, aba’y P2 libo ang entrance sa 3rd floor, mas mataas ng P300 sa P1,700 na sinisingil ng front desk kapag pumasok ng 2nd floor. Kung walang prostitusyon o milagrong nagaganap, bakit ‘ginto’ ang pres­yo gayong P250 hanggang P400 lamang ang talent fee ng mga masahista sa mga lehitimong massage parlor sa loob ng mall. Sa Senate Media Center lang, pwede ang P50 kay Jojo Sison, may car wash services pa!
Mantakin n’yo, entrance pa lang ang pinag-uusapa­n sa P1,700 hanggang P2,000, as in hindi kasama ang baya­d sa ‘sensation’ kaya’t susuka ng P4 libo ang customer kapag humirit ng extra service sa ma­sahistang GRO. Hindi lang iyan, nakapa­ngalan sa mga Russian leader­s ang bawat kuwarto, katulad ni ex-Rus­sian President Gorbache­v. Ang tanong kay Mayo­r Sonny Belmonte: hindi ba’t merong City Ordinance na nagbabawal sa aqua­rium, VIP room at ipinapatupad ang ‘no doorknob policy’ sa Quezon City, bakit nakakalusot ang Kremlin, ma­liban kung sobrang maiplu­wensya sa City Hall ang Dra­gon 8, maging sa pamunuan ng CIDG hanggang NBI kaya’t walang raid?
Kung napapalusutan si Mayor SB, bakit hindi subukang ipatawag sina Chief Supt. Magtanggol Gatdula at Senior Supt. Bobot Laciste, aba’y napaka-imposibleng mabigyan ng ‘green light’ ang mga ‘aquarium’ sa iba’t ibang beerhouse at sauna bath, katulad ng Kremlin, maliban kung meronf buwanang ‘parating’ ang QC police, sampu ng senior officers sa Camp Crame? Siguro naman, ito’y hindi palalampasin ni NCRPO Director Leopoldo Bataoil ang ganitong gawain, maging ni Pareng Brian, as in DILG Asec at spokesman Brian Raymund Yamsuan! (www.mgakurimaw.blogspot.com)

No comments: