Sa selebrasyon ng 23rd Edsa 1 anniversary, nakakasugat ang text messages na umikot laban kay Leah Navarro ng Black and White Movement, aba’y inakusahang ipokrita, maldita at ingrata dahil sa kantang “Magkaisa”, dahil binaliktad ang history para lamang makapagpa-pogi sa media, in aid for 2010 senatorial election. Ang deklaras-yon ni Ms. Navarro, katulad ng naglabasan sa peryodiko, ito’y nilikha para kay dating Pangulong Ferdinand Marcos kaya’t hindi masisisi kung mag-alburuto sina Ernie dela Pena (co-composer) at Homer Flores (arranger), maliban kung nasa abroad si Ms. Navarro habang nagkakagulo sa Highway 54! Kundi nagkakamali ang Spy, isa si DDB chief Tito Sotto sa original composer ng “Magkaisa” kaya’t kailangan sigurong mag-Ensure ni Ms. Navarro. Paano kung manalong senadora, mas malaking gulo ang lilikhain sa Upper House kapag mahina ang memor-ya. Sa halip matakpan ang butas ng mga batas, hindi kaya lalong magkabutas-butas dahil sa lumalawak ang memory gap? Para sa kaba-tiran ni Ms. Navarro, hango sa pangalan ng lolo ni ex-Press Usec. Ching Suva ang Epifanio delos Santos Avenue (EDSA). Kahit itanong n’yo pa kay Bacoor Mayor Strike Revilla na nagdiwang ng 39th birthday kahapon! *** Isa pang nakakatawa ang selebrasyon ng PMA Alumni Homecoming sa Baguio City noong Pebrero 21. Mantakin n’yo, kontodo-porma ang dalawang presidentiables--sina Loren Legarda (Class 69) at Manuel Roxas II (Class 84), kasama ang PMA Class nag-adopt, iyon pala’y iba ang bida at nasapawan sa palabas. Anyway, isang araw bago ang selebrasyon, nasa Baguio rin ang grupo ni ousted Senate President Manuel Villar Jr., pero kaagad bumalik ng Maynila. Sapantaha ng mga kurimaw, ito’y naubusan ng itik kaya’t bumaba! Mantakin n’yo, ilang oras nagbilad sa araw ang kaibigang matalik ni Edong Angara at boypren ni Korina, pagkatapos si Defense Sec. Gilbert Teodoro ang ipinakilalang gagamit ng No. 1 car plate at ibinidang kapalit ng misis ni Jose Pidal-- ito’y malaking kahihiyan sa media handler ng dalawang presidentiables, maliban kung manhid at nakasanayan nina Willie Fernandez at ex-Press Usec. Bobby Capco ang magkasabit-sabit sa operation? Mabuti na lang, maganda ang labas ng photo ops nina Mr. Palengke at Loren Sinta sa print media at nai-front page ang kanilang pagmumukha sa Sunday issue. Kahit paano’y naibsan ang magkabilang sampal na natikman! *** Kahit kinakapos sa panahon, tuloy ang pagtutulak ng mga kampon ni Mrs. Gloria Arroyo sa Charter change kaya’t lalong lumalakas ang senaryong gagamitin ng MalacaƱang ang impluwensya at pupwersahin ang lahat ng mahistradong itinalaga sa Korte Suprema para paboran ang joint voting at i-etsapuwera ang Upper House via Constituent Assembly (Con-Ass). Sa ngayon, militarisasyon ang nagaganap sa bawat ahensya at departamento, mula sa kaliit-liitang sangay ng gobyerno hanggang pintuan ng presidential residence, nagkalat ang mga retired general na napakinabangan ni Mrs. Arroyo sa dayaan noong 2004, as in lahat nag-Hello Garci kaya’t nabigyan ng puwesto. Kapag nabuo ang listahan ng mga SC justices at nahawakan ni General Delfin Bangit ang AFP leadership, kapalit ni Chief of Staff Ale-xander Yano, mag-isip na ang publiko kung matutuloy ang 2010 election. Take note: si Bangit ang PSG chief noong 2004 polls bago nagsilbing hepe ng ISAFP. Ganyan kalupit ang pagtitiwala ni Mrs. Arroyo kay Bangit kaya’t madaling singilin sa utang na loob! (www.mgakurimaw.blogspot.com) |
No comments:
Post a Comment