Kung anong ingay laban sa corruption at kinasangkapan ang pagiging malinis para maipanalo ang kandidatura noong 2007 elections, hindi lamang nilunok, bagkus ay kinain lahat ng isang miyembro ng Kongreso ang mga masasamang salitang binitawan laban sa kasalukuyang administrasyon.
Ang rason, kasing-kulay ng mga inaakusahang tiwali sa gobyerno ang pagkatao ng isang bagitong solon matapos ariin ang mansion sa Baguio, as in malinis ang kalooban subalit maitim din ang budhi, katulad ng mga nakakaaway sa administrasyong Arroyo.
Sa report na nakalap ng TONITE Spy, mistulang pagmamay-ari ngayon ng bagitong solon ang mansion sa Baguio City na nakalaan sa mga miyembro ng Dalawang Kapulungan ng Kongreso dahil walang sinuman sa kasamahang mambabatas ang makasingit o makapag-overtake para magpa-iskedyul ng bakasyon dito.
Sa halip na mga kapamilya, katulad ng asawa, anak o kaya’y iba pang kamag-anakan ng mambabatas ang gumagamit ng mansion sa Baguio, alinsunod sa patakaran ng gobyerno, mistulang bahay-bakasyunan ito ng buong barangay at kapitbahay ng bagitong solon.
Halos linggu-linggo, hindi mabakante ang “Baguio mansion” at pawang kalugar ng bagitong solon ang nagkalat sa lungsod kung saan inaabuso ng kumag ang kapangyarihang ipinagkaloob ng publiko dahil libre ang pagtira ng mga constituents, maging ang paggamit ng mga pasilidad, gamit ang pangalan nito.
Sa unang tingin, mapagkakamalan pang lehitimong pagmamay-ari ng pamilya ng bagitong solon ang mansion sa Baguio dahil linggu-linggong nag-e-excursion ang mga kapitbahay na pinagkakautangan nito ng boto at halos iisang pangalan ang nakalistang naka-reserve o gumagamit sa lugar, alinsunod sa tala ng tumatayong caretaker nito.
Ang labis ikinasusuka ng mga kurimaw, hindi man lamang inisip ng bagitong solon ang napakalaking gastusin ni Juan dela Cruz ngayong nahaharap sa financial crisis ang buong mundo dahil kargo ng gobyerno ang bawat sentimo, katulad ng bayad sa kuryente at iba pang pasilidad sa Baguio mansion.
Dahil miyembro ng Kongreso, awtomatikong binibigyan ng kapangyarihan at karapatan ang bagitong solon na gumamit sa pasilidad ng gobyerno, katulad ang pag-aaring mansion sa Baguio City subalit nakakalungkot isiping inaabuso nito para lamang mapaboran ang political career ng isa sa kapamilya.
Clue: Kung senador o kongresista, abangan sa Miyerkules ang karugtong at kung bakit inaabuso ang mansion sa Baguio. (www.mgakurimaw.blogspot.com)
No comments:
Post a Comment