Katulad ng matandang sanga, sadyang wala ng pag-asa pang maituwid ang pagiging bulakbol at pagiging ‘iskul-bukol’ ng isang miyembro ng Upper House, patunay ang makapal na alikabok sa ilalim ng kanyang lamesa. Ang pinakamalupit, napintahan ni Mang Teban sa kagamitan ng maaksyong senador, ang librong nagsisilbing Bibliya ng bawat miyembro ng Upper House na namumutiktik sa alikabok.
Mas lalo pang napatunayang hindi nagbubuklat ng notebook ang senador dahil makapal ang alikabok ng mga kagamitan sa session hall, animo’y estudyanteng ‘iskul-bukol’ na nakasukbit ang kuwaderno sa likurang bulsa nito.
Ang nakakatawa sa lahat, hindi man lamang nasayaran ng daliri ng nasabing solon ang libretang ipinagkaloob, partikular ang Senate rules dahil puwede nang sulatan sa kapal ng alikabok.
Pintahan niyo na: Hindi matatawaran ang kabaitan ng maaksyong senador kaya habulin ng mga tsikas at maraming tsiks ang nalalaglagan ng panloob, patunay ang pagkaka-asembol sa isang modelo.(www.mgakurimaw.blogspot.com)
|
No comments:
Post a Comment