Monday, November 30, 2009

november 30 2009 abante tonite

Magdyowang solon nag-inarte sa presscon
(Rey Marfil)

Bagama’t nalipasan ng panahon, gusto pang makipagsabayan ng magdyowang solon sa “Kimerald phenomenon” ng love team nina Kim Chiu at Gerald Anderson, maging pagbabalik-tambalan nina Kristine Hermosa at Jericho Rosales sa telebisyon.

Nasaksihan ng TONITE Spy kung paano umastang tinedyer ang magdyowang solon at nakakasukang isiping nalipasan ng panahon subalit nagpi-feeling avid fans ng pelikulang High School Musical at New Moon na sequel ng Twilight movie.

Ang rason, nagdadrama ang magdyowang mambabatas sa harap ng media kapag nakailaw ang camera, katulad ang pag-inarteng walang namagitan sa kanilang dalawa, as in nagdededmahan, animo’y hindi nagkatikiman.

Sa isang political event na ipinatawag ng matandang mambabatas, naganap ang pagdadrama at pag-iinarte ng karelasyong solon sa harap ng media, patunay ang pagkukunyaring dinededma ang kelot at iniiwasang makatabi ng upuan ito.

Maliban sa pag-iwas makatabi ng upuan ang matandang mambabatas, dedmatic din ang bebot nang tawagin ang kanyang pangalan para isagawa ang makasaysayang pagtaas sa kanyang kamay, animo’y walang pinagsamahan ang dalawa.

Hindi naman kinagat ng media ang dedmahan ng magdyowang solon dahil pagkatapos iwasang makatabi ng upuan at mahawakan ang kanyang kamay, kusang-loob, as in boluntaryong lumapit ang bebot sa kelot upang makipag­kwentuhan.

Pagkatapos ng event, muling naispatan ang magdyowang solon na nag-uusap sa isang tabi kung kaya’t lalo pang nabuo sa isipan ng mga kurimaw ang senaryong iniiwasan lamang maintriga lalo pa’t legal na nagsasama ng kanyang pamilya ang kelot.

Clue: Napakahusay maglaro sa pulitika ng matandang solon kaya’t isa sa rason kung bakit pinatulan ng lady solon, patunay ang magagarang insentibo at benepisyong nakukuha ng bebot sa tuwing magdedesisyon sa buhay. Kung senador o kongresista ang magdyowa, ito’y parehong meron letrang “R” sa pangalan at apelyido, as in Raket ang maging political butterfly at political prostitute. (mgakurimaw.blogspot.com


http://www.abante-tonite.com/issue/nov3009/hulaan_blues.htm

Saturday, November 28, 2009

november 28 2009 abante tonite

Mga reporter, inaalila ng lady solon!
(Rey Marfil)

(mgakurimaw.blogspot.com)


Sa halip mabawasan ang masamang impresyon ng media sa isang ambisyosang lady solon, lalo pang tumingkad ang pagka-bad trip dahil alipin at bayaran ang turing ng mambabatas sa mga mamamahayag.

Paulit-ulit naisusulat ang kakaibang karakter ng ambisyosang lady solon subalit hindi pa rin ito nagbabago ng diskarte at mas lalo pang lumalala ang masamang pag-uugali ngayong naghahangad ng mas mataas na posisyon sa gobyerno.

Nasaksihan ng TONITE Spy kung gaano ka-bad trip ang mga mediamen matapos ituring na alipin ng ambisyosang lady solon, animo’y bayaran at utusan na pwedeng pagmumurahin, batuhin ng kinumos na dyaryo at tagabitbit ng pasador sa loob ng comfort room kapag hindi nasunod ang request, katulad ng nakaugaliang gawin kapag nagagalit.

Bagama’t meron lehitimong media relation officer (MRO) o tauhang nagsisilbing ‘road manager’ sa loob at labas ng opisina nito, walang ‘kapinu-pino’ kung magsalita ang ambisyosang lady solon dahil dinidiktahan ang mga reporter kung anong dapat gawin.

Ang nakakasuka sa lahat, harapan pang inuutusan ng ambisyosang lady solon ang mga mediamen kung anong istorya ang dapat isulat tungkol sa press conference kung saan daig pa ang isang deskman o news editor kung alilain ang mga reporter.

Hindi lang iyan, pinakikialaman din ng ambisyosang lady solon ang pag-anggulo ng balita. Ang pinakamalupit sa lahat, tumatawag sa management o big boss ng mga media organization ang ambisyosang lady solon kapag hindi nagustuhan ang balita at kung anu-anong kasinungalingan ang isinusumbong.

Clue: Saksakan ng plastic ang ambisyosang lady solon at saksakan din ng balimbing, patunay ang pag-iwan sa mga kaibigan, kapalit ang multi-milyon pisong pondo. Kung kongresista o senadora, ito’y meron letrang “A” sa kabuuan ng pangalan at apelyido, as in Ang hilig sa matandang karelasyon.

http://www.abante-tonite.com/issue/nov2809/hulaan.htm


Friday, November 27, 2009

november 27 2009 abante

Lady solon, nang-away ng lady reporter at TV station boss

Sa halip tanggapin ng maluwag sa kalooban ang naging ‘kabayaran’ sa ginawang pagtataksil sa mga kaibigan at pagsamba sa kapangyarihan ng pera, nagawa pang mang-away ng reporter ang primadonang lady solon.


Walang maisip na salita si Mang Teban kung paano ilalarawan ang masamang pag-uugali ng lady solon matapos magtaray at aya win ang pamunuan ng isang higanteng television network.


Ang rason, hindi nagustuhan ng lady solon ang kabuuan ng news report tungkol sa ipinatawag nitong press conference kaya inutusan ang kanyang media handler na komprontahin ang lady TV reporter.


Ang nakakasuka sa lahat, hindi ang lady TV reporter ang tinawagan ng media handler ng primadonang lady solon kundi ang mister ng una at pina rerendahan ang kanyang misis subalit sinopla ito.


Dahil hindi naka-porma sa mister ng lady TV reporter ang media handler, mismong primadonang lady solon ang tumawag sa management, as in pamunuan ng giant TV network, partikular sa news department upang ireklamo ito.


Kung anu-anong pagsusumbong ang ginawa ng lady solon sa news department ng giant TV network at gusto pang ipakastigo ang lady TV reporter su balit ‘tinabla’ ng management dahil puro kasinu ngalingan ang pinagsasabi nito.


Pintahan n’yo na: Madaling makilala ang lady TV reporter dahil palaging headline ang story kapag pulitika ang topic. mula sa ABS-CBN habang mataas na posisyon naman ang ambisyon ng lady solon.

Thursday, November 26, 2009

november 26 2009 abante tonite

Ang pagdapo ni Atienza
Rey Marfil


Ang maong ay kumukupas pero si Mr. Instant Ayos, as in DENR Sec Joselito ‘Lito’ Atienza Jr., aba’y walang kakupas-kupas. Mantakin n’yo, pagkatapos abandonahin si ex-President Joseph ‘Erap’ Estrada sa loob ng a nim (6) na taon, simula 2004, ngayo’y umaastang ‘napaka-loyal’ sa ama ni Senate pro-tempore Jose ‘Jinggoy’ Estrada Jr. Ang ‘mala-Avelino Razon’ na kadahilanan ni Atienza -- ito’y nag-aambisyong makabalik ng Manila City Hall dahil nalalapit ang ‘June 30 eviction day’ ng kanyang amo.

Kung magpapatuloy nga naman ang alliance ni Atienza sa misis ni Jose Pidal, siguradong mati-take 2, as in ‘madidisgrasya’ ang kandidatura ngayong 2010 lalo pa’t napakabaho ng image ng administrasyon, pinaka-latest ang negative 51% trust ra ting ni Mrs. Gloria Macapagal-Arroyo.

Balikan ang kaganapan noong 2001, sa panahong last-termer bilang vice mayor, hindi ba’t kinasangkapan ni Atienza ang katapatan kay Erapsky kaya’t nasungkit ang Manila City Hall habang si Mayor Alfredo Lim, pinagbayaran ang pakiki­pagsabwatan sa ci vil socie ty noong Edsa Dos.

Makalipas ang tatlong taon, nagbago ang lahat -- pinagsisihan ni Lim ang pagsama sa anti-Erap at nagbalik-loob kay Erapsky, habang si Atienza ‘nagpakalubog’ sa First Family. Ang resulta: naisingit si Lim sa tiket ni Da King at nanalong senador noong 2004 habang nanatiling alkalde si Atienza.

Noong 2007 elections, pinutol ni Lim ang natitirang tatlong (3) taon sa Upper House at nakabalik ng Maynila. Ang masakit, balitang nagkatampuhan sa basura sina Erapsky at Lim kaya’t napilitang mag-Liberal, as in sumama kina Noynoy Aquino at Mar Roxas -- ito ang sinamantala ni Atienza!
***
Napag-usapan si Atienza, ito’y walang pinag-iba sa bulaklaking damit na kumupas at pilit pinatitingkad ng kanyang misis ang kulay, sa pamamagitan ng bagong sabong panlaba. Ang problema, kahit ‘fabric with conditioner’ ang bareta, hindi matanggal ang iniwang mantsa, aba’y napakalaking insulto sa mga botante ang pinaggagawa sa Maynila, animo’y paru-parong nag palipat-lipat at ngayo’y nagbabalik sa orihinal na bakuran dahil nagsimulang umusbong ang mga bagong bulaklak. Take note: balik sa dating ‘script’ si Atienza at ‘battle cry’ sa lahat ng mga dinadaluhang gatherings sa Maynila ang pagiging tapat kay Estrada.

Hindi nagsisinungaling ang ebidensya at kahit may konting katotohanan ang pagiging tapat kay Erapsky, ito’y panandalian lamang dahil pagkatapos ideklara ng Korte Suprema ang legalidad sa presidency ni Mrs. Arroyo, hindi ba’t ginawang depensa ni Atienza ang litanyang “Everyone must follow the rule of law.”

Ang kapalit, ginawang campaign manager ni Mrs. Arroyo sa Metro Manila noong 2004 elections at itinalagang DENR Secretary noong 2007 dahil sa pagkapaso ng termino, patunay ang pagiging ‘Defense Minister’ tuwing masasangkot sa eskandalo ang First Couple.
Kahit saang coffee shops, usap-usapan ang pagbabalik-loob kay Erapsky at subukan n’yong i-review ang kaganapan noong October 21 rally sa Moriones, Tondo, hindi ba’t puro bataan o konsehal ni Lolo Lito ang nagkalat sa proclamation rally?

Mabuti na lang, gabi ang declaration ni Erapsky, kung nagkataong pasikat ang araw, dumagsa ang mga paru-paro sa rally site dahil namulaklak ang pagmumukha ni Atienza kahit absent sa event. Ang ikinasusuka ng mga kurimaw, hindi magawang mag-resign sa DENR, kahit malinaw ang pagtawid sa kampo ni Erapsky, maliban kung nakasanayan ang magbalimbing kaya’t wa epek?

Pagkatandaan ni Mr. Instant Ayos, as in ‘kinamayan lang inayos na’ -- mismong si Kuya Kim ang nagsabing ‘Sa bawat pagsubok ng panahon, laging tatandaan: Ang buhay ay weder-weder lang’. ‘Ika nga ni Yoyoy, bakit hindi itanim ni Lolo Lito sa isipan na posibleng ‘wala nang weder’ sa mga Atienza sa Maynila!


Wednesday, November 25, 2009

november 25 2009 abante tonite

‘Napiping lady solon’, nagkaboses sa mikropono
(Rey Marfil)

(mgakurimaw.blogspot.com)

Kung anong arte magpainterbyu, nabago ang desisyon ng isang primadonang miyembro ng Kongreso matapos makakita ng microphone, animo’y lumiwanag ang buhay dahil makakakuha ng libreng media mileage o promos­yon sa kandidatura nito.

Nasaksihan ng TONITE Spy kung paano gumawa ng panibagong eksena at ‘mag-inarte’ ang primadonang lady solon sa harap ng mga mediamen patunay ang pagpapahabol sa mga reporters.

Ang ikina-bad trip ng mga kurimaw, mismong staff ng primadonang lady solon ang humirit ng ambush interview, sa pamamagitan ng media relation officer (MRO), alinsunod sa ‘special request’ ng kanyang amo, as in personal na pinuntahan ang tambayan ng mga mamamahayag para ibalitang magpapainterbyu ang kumag.

Dahil walang ginagawa ang mga media, pinagbigyan ang request ng MRO at ipinarating sa lady solon ang hangaring ma-ambush interview ng mga ito.

Mabilis nagtungo sa opisina ng primadonang lady solon ang mga reporter sa pag-aakalang mabilisan lamang ang ambush interview subalit nag-inarte ang kumag, gamit ang depensang hindi mapapaunlakan ang request dahil walang boses.

Ang nakakatawang eksena sa lahat, naabutan ng mga reporter na palabas sa comfort room (CR) ang primadonang lady solon at kaagad nag-demonstrate na napipi dahil namamalat ang kanyang boses kaya’t hindi mapapaunlakan ang interview ng mga ito.

Dahil likas sa mga repor­ter ang makulit, mabilis ding sinalpakan ng microphone at inilawan ng mga cameramen ang primadonang lady solon pagkalabas ng kubeta at ikinagulat ng lahat ang napakalakas na boses nito.

Kabaligtaran sa alegasyong napipi dahil sa nawalan ng boses, kung anu-anong kuwento ang ginawa ng primadonang lady solon at winakwak ang mga kalaban sa pulitika kung saan halos tumagal ng isang oras ang pagdadaldal sa harap ng mga reporter.

Clue: Saksakan ng plastic ang primadonang lady solon at meron letrang “A” sa kabuuan ng pangalan at apelyido, as in Ang hilig sa matandang karelasyon.

http://www.abante-tonite.com/issue/nov2509/hulaan_blues.htm

Tuesday, November 24, 2009

november 24 2009 abante tonite

Nagbalik si ‘Commissioner Rolex’
Rey Marfil

Hindi ang magpinsang Noynoy Aquino at Gibo Teo doro ang malaking tinik sa lalamunan ni Manny Villar ngayong 2010 elections dahil usap-usapan sa coffee shops ang deklarasyon ni Jun Ebdane sa harap ng mga mistah sa Philippine Military Academy (PMA) -- ito’y tatakbo, hindi para manalo kundi tiyaking matatalo si Villar.

Kung anong daan ang naglalaro sa utak ni Ebdane, kalokohan kundi alam nina Lolo Ed, as in Execu tive Sec. Eduardo Ermita at politi cal adviser Gabby Claudio? Bilang ex-DPWH Secretary, maraming dokumentong hawak si Mang Jun tungkol sa mga pag-aaring lupain ni Villar at posibleng hindi naisumiteng lahat sa Committee of the Whole, malay n’yo meron pang mas mala ki keysa C-5 road project?

Take note: isang engineer si Mang Jun at posibleng na-compute ang lahat ng lupaing napasakamay ni Manny. Kung meron pasasabu ging ‘bomba’ si Mang Jun laban kay Manny, abangan sa takdang panahon, ‘ika nga ni Big Brother!

Hindi lang iyan, pu tok din sa umpukan ng media ang senaryong palihim na ‘nakapusta’ sina Lolo Ed at Claudio kay Villar -- ito ang rason kung bakit tumakbo si Mang Jun, maliban kung hinihingan ng multi-mil yong campaign fund para kay Gibo at mas piniling gastusin ang pondo sa pagtakbo keysa magbigay ito?

Lingid sa kaalaman ng publiko, magkatunggali ang grupo nina Mang Jun at Lolo Ed sa Palasyo. Sa hina ng presi dential bid ni Gibo, magha hanap ng alternatibong kandidato ang misis ni Jose Pidal dahil mareresbakan kapag naupo si Noynoy. Kundi nagkakamali ang mga kurimaw, ilang bataan ni First Gentleman Mike Arroyo ang tumutulong kay Villar. Kaya’t huwag ipagtaka kung si Manny Pacquiao ang pambato sa Sarangani ng Nacionalista, ito’y bahagi ng secret alliance!

***
Sadyang ‘libangan’ ng isang alipores ni Mrs. Arroyo ang bumili ng expensive watch, aba’y pagkatapos mamakyaw ng Rolex at Hublot noong Nobyembre 8 (Linggo) sa isang jewelry shop, kasama ang dalawang ka patid, nagbalik si ‘Commissioner Rolex’, halos isang linggo lamang ang pagitan, ito’y muling namakyaw ng relos.

Take note: iisa ang diskarte ng opisyal -- ito’y naka-short pants at T-shirt lamang para magmukhang simple at hindi mayabang kapag nakasalubong ng mga kaibigan o kakilala. Ang hindi alam ng publiko, milyones kung magwaldas ng pera ang kumag. Kung nasa kabukiran si ‘Commissioner’, ito’y ‘manununo’ dahil napakahilig magturo, animo’y bumibili lamang ng mani kapag nagturo ng relo!

Ang pinaka-latest discovery ng Spy, bumalik sa jewelry shop si ‘Commissioner’ ng nakaraang Nobyembre 18. Ibig sabihin, maliban sa biniling Rolex at Hublot noong Nobyembre 8, meron pang ibang relong inorder ang kumag.

Nakaraang linggo, dumating ang tatlong piraso ng Patek Philippe at hindi biro ang presyo -- ito’y hindi bababa sa tig-P2 milyon ang bawat isa. Kaya’t tumatagin ting na P6 milyon ang computation ng mga kurimaw kung tatlong relos ang pinick-up ni ‘Commissioner’ sa jewelry shop. At dahil ‘nasunog’ ang unang pagpunta sa jewelry shop, nagpa-gabi ang opisyal para hindi mapansin ng mga kakilala.

Nawindang ang mga staff ng jewelry shop dahil bihirang makabenta ng isang Patek Philippe sa isang araw dahil sa sobrang mahal pero kung magturo si ‘Commissioner’, animo’y namamalengke lang at bumibili ng hiladong isda!

Ang isa pang ikinadismaya ng mga kurimaw, nagawa pang ikampanya ni ‘Commissioner’ si Gibo Teodoro nang unang pumunta (November 8) sa jewelry shop, aba’y sinong kamote ang boboto kay Gibo kung kurakot na katulad ni Commissio ner ang mauupo?

Ang initial report, tatakbo pang gobernador sa isang lalawigan si ‘Commissioner’ at hindi rin nakakapagtaka kung ‘nagpupuno ng garapon’ dahil nalalapit ang ‘June 30 eviction day’ ni Mrs. Arroyo, aba’y siguradong ‘gutom’ kapag natalo ang manok ng Palasyo.

Anyway, hindi nakaka gulat ang pamamak yaw ng relo ni ‘Commissioner’ dahil mismong kalsada papunta sa pag-aaring sabu ngan, ito’y ipinasemento ng kumag, gamit ang government funds. (mgakurimaw.blogspot.com)


http://www.abante-tonite.com/issue/nov2409/opinions_spy.htm

Monday, November 23, 2009

november 23 2009 abante tonite

Gabinete, nag-gatecrash sa party
(Rey Marfil)

Sa kagustuhang magmukhang bida at super close sa isang tinitinga lang personalidad sa larangan ng sports, isang alipores ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo ang nang-agaw eksena sa malaking pagtitipong inihanda ng isang television network.


Ang nakakatawang nasaksihan ng TONITE Spy, hindi imbitado sa pagtitipon ang alipores ni Mrs. Arroyo sa katauhan ni Secretary kaya’t maraming napasuntok sa pader dahil sa matin ding pagkainis dito.

Kung nagka taong nasa ibaba ng ring, kamuntikang na-knockout (KO) nang walang kalaban-laban si Secretary, as in kamuntikang kuyugin ng mga miron dahil umastang close sa tinitingalang personalidad.

Sa original list, tangin g dalawang malaking pa ngalan sa pulitika ang inim bitahan ng isang TV network at sports organizer, sa katauhan ng isang presidentiable at isa sa pinakamataas na lider ng bansa.

Nang mabalitaan ni Secretary ang imbitas yon sa dalawang pulitiko, ito’y nakapag-isip ng bagong gimik, walang iba kundi ang ‘magpa-invite me’ kung kaya’t nag-gatecrash ang opisyal sa inisponsorang dinner ng television network.

Maging organizer at pamunuan ng TV network, nagulat sa pagsulpot ni Secretary sa inihandang dinner bilang pagpupugay sa tinitingalang sportsman dahil walang invitation sa office ng gabinete.

Kahit maraming naali badbaran sa pagmumukha ni Secretary, sa pangu nguna ng audience at lehitimong imbitado sa dinner, ito’y walang magawa kundi pagtiyagaan ang opisyal na makasama sa ka nilang lamesa, as in hindi maitaboy dahil malakas sa MalacaƱang ito.

Isa pang nakakata wang eksena, dinaig pa ni Secretary ang mga personalidad na imbitado sa dinner party dahil panay ang ikot ng opisyal sa bawat lamesa para maki pagtsikahan o makipag tsismisan sa iba pang bisita, animo’y host ng party, patunay ang pagpapa-center of attraction ng kumag.

Nang matapos ang dinner party, halos laylay ang tenga ng mga nakatabi sa lamesa ni Secretary dahil natulig sa sali-saliwang letrang “E at I”, at letrang “O at U” kapag nag-i-Ingles ang opisyal.

Clue: Nangyari ang paggi-gatecrash ni Secretary sa isang kilalang hotel sa Maynila, at isa sa dalawang pulitikong naimbitahan, ito’y nasasangkot sa eskandalo, habang si Secretary, kasing-brand ng ‘chocnut’ ang apelyido kapag imported ang topic. (mgakurimaw.blogspot.com)

http://www.abante-tonite.com/issue/nov2309/hulaan_blues.htm


Saturday, November 21, 2009

november 21 2009 abante tonite

Pulitiko, nagmeryenda ng sermon sa ama
(Rey Marfil)

(mgakurimaw.blogspot.com)

Hindi lamang sabunang walang ban lawan ang natikman ng isang batang pulitiko sa kanyang ama kundi nagmeryenda ito ng mga masasakit na pananalita dahil sa kabulastugang pinaggagawa.

Sa report na nakalap ng TONITE Spy, umaatikabong masasamang kataga ang natikman ng batang pulitiko matapos ‘magmagaling’ sa isang isyu at hindi kinonsulta ang ama sa naging desisyon nito.

Nagsarili ang batang pulitiko, as in mag-isang dumiskarte at hindi ipinagpaalam ang ginawang aksyon o desisyon sa isang malaking eskandalo kaya’t sukdulan ang pagka-bad trip ng ama sa pagmamagaling ng anak.

Sa tuwing magdedesisyon ang batang pulitiko, ito’y ikinukonsulta sa kanyang ama subalit naiba ang sitwasyon dahil inilihim ang naging aksyon at nagmarunong sa isyu matapos maambunan ng premyo, kapalit ang pagsuporta.

Mas lalo pang nanggalaiti sa galit ang ama ng batang pulitiko matapos magsumbong ang isang katropa sa partido, patunay ang ginawang pagtawag sa kanilang ‘big boss’ upang ireklamo ang sablay na diskarte at pagmamarunong ng anak nito.

Kahit hindi naka-loud speaker ang cellular phone ng batang pulitiko, halos dumadagundong sa kanyang kuwarto ang pagmumura ng ama kung saan halos ilang minutong nakatulala ito.

Ang labis na ikinagalit ng ama, lumutang ang pagtanggap ng multi-milyon pisong premyo ng kanyang anak lalo pa’t pinag-uusapan sa buong sulok ng Kongreso, maging sa iba’t ibang coffee shops at media forum.

Clue: Hindi kuwestyon ang kasipagan sa trabaho ng batang pulitiko subalit maraming naitalang sablay sa Kongreso, patunay ang pag-astang siga sa tuwing magpapatawag ng imbestigasyon dahil idinadaan sa pananakot. Kung senador o kongresista, ito’y ‘bumata’ sa bagong porma at kasing-tunog ng isang tusong hayop sa kagubatan.


http://www.abante-tonite.com/issue/nov2109/hulaan_blues.htm

Friday, November 20, 2009

november 20 2009 abante

Lady solon, napaiyak sa hiya

Dahil sa kahihiyang ibi nigay sa mga kasamahan at kaibigan sa Kongreso, napaiyak ang isang ambisyosang lady solon nang harapang magpaalam at ipagbigay-alam ang ginawa nitong kabulastugan.


Sa halip kaawaan ni Mang Teban ang lady solon, napabigkas ito ng ‘yuck’ dahil mu ling nagpaka-plastic sa harap ng mga kaibigan at sinabayan ng drama ang pamamaalam.


Napaka-hardliner ng lady solon at paulit-ulit pang sini-sermunan ang mga kaibigan na huwag ‘magpapabili’ sa kahit sinong nag-aalok ng ma laking halaga, kalakip ang pananakot na hindi kakausapin habang buhay ang sinumang susuway sa kanilang mga pangako.


Taliwas sa inaasahan ng mga kaibigan, mismong ambisyosong lady solon ang bumali sa sinumpaang pangako at kinain ang lahat ng mga binitawang salita kaya wala itong mukhang maiharap at idinaan sa pag-iyak ang pamamaalam.


Ang nakakasuka sa lahat, meron pang ganang makiusap ng babaeng solon sa mga kaibigan na huwag babanatan at panatilihin ang magandang samahan na nabuo sa panahong iisa ang kanilang ipinaglalaban o magkakampi ang mga ito.


Pintahan n’yo na: Walang tatalo sa lady solon kung pagiging plastic ang pag-uusapan. Kung senador o congresswoman, ito’y meron letrang “A” sa kabuuan ng pangalan at apelyido.

Thursday, November 19, 2009

november 19 2009 abante tonite

Ang multo ni Sinta!
Rey Marfil


Hindi nagbago ang headlines, naganap ang nakatakda -- nauwi sa ‘Villar-Legarda’ ang tambalan kaya’t hindi masisi si Jamby Madrigal kung mabahong kataga ang lumabas sa bunganga. Ang malaking pasanin ni Loren Sinta -- ito’y kung paano makakababa nang hindi nababali ang sanga ng punong papaya, aba’y napakatapang ipasibak at pinaimbestigahan si Villar sa C-5 road scandal pero ngayo’y ‘Girl Friday’ ang tingin ni Madrigal.
***
Balikan ang statement ni Sinta noong March 4, 2009 (Miyerkules). Kayo ang humusga kung anong klaseng tao at pulitiko ang kaibigan ni Edong Angara. Hayaang transcript ang magsalita ngayong mainit sa text brigade ang tig-P10 milyong boto kada senador na nag-absuwelto kay Villar sa C-5 scandal, maging sa alegasyong P1 bilyon ang kapalit sa pag-VP ni Sinta.


Reporter: Kaugnay po ng naging paliwanag at pahayag kahapon ni Sen. Manny Villar na kailangan ang P1 billion para tumakbo sa presidential election?

LOREN: “Nakakalungkot ‘yung nabasa ko sa diyaryo noong Martes (March 3, 2009). Sabi ni Sen. Manny Villar na kung wala ka raw P1 billion, huwag mo ng ituloy ang ba lak mo bilang pangulo.

“Talagang nakalulungkot at nakakatakot ang ganitong pahayag. Ang mensahe po kasi ng sinasabi natin dito ay simple. Ibig ba n’yang sabihin, kung wala kang pera ay huwag ka ng mangarap na makapaglingkod bilang pangulo sa ating bansa? Nakalulungkot pong isipin na paliliitin natin ang usapin ng paglilingkod sa bayan sa isyu ng pera. Pera-pera na lang ba ang eleksyon?

“Talaga bang ang tingin niya (Villar) sa taong bayan ay mukhang pera? Pwera na ba ang pagmamahal sa bayan? Pwera na ba ‘yung uri ng leadership na ibibigay mo? Pwera na ba ‘yung vision para sa kinabukasan ng ating bansa? Basta may pera pwera na ba ang lahat?

“Hindi naman po siguro ganoon dahil ang mahalaga ay compassion, ang mahalaga ay passion to serve, ang maha laga ay may plataporma at vision para sa ating matagal nang naghihirap na mga kababayan.

“Totoo, maraming mga gastusin kung ikaw ay manga ngampanya. Katunayan, dito makikita ang tunay na suporta ng mga taong naniniwala sa vision, sa iyong pangarap at plano sa ating bansa. Sila mismo ang magtitipun-tipon, magkokontribusyon para tumulong sa iyo na maipamahagi ang iyong mensahe sa ating mga botante.

“Sabi rin niya (Sen. Manny Villar), “they say there is one golden rule. He who has the gold rules.” Kung tatagalugin po natin upang mas malinaw, “sabi nila isa lang ang gol den rule o ginintuang batas. Kung sino ang may ginto, s’ya ang mamumuno.”

“Kapag ganito ang sistema wala na tayong pinagkaiba sa isang gang. Kung sino ang may pera, siya ang magdidikta ng lahat. Walang pwedeng kumuwestyon sa kanyang lider dahil lahat ng mga kasapi ng kanyang gang ay hayok sa ipinamamahagi n’ya. Iniiwasan ko pong direktang pumuna sa mga kapwa nating politiko dahil tiyak na babalikan at sasabihing namumilitika lang.

“Pero ito ay hindi ko kayang palagpasin dahil ito ay insulto sa taong bayan na pera lang daw ang katapat ng desisyon ng bawat Filipino ng kanilang karapatang pumili ng kanilang pinuno. Kung makikita natin ang uri ng mga reaksyon ng tao sa kanyang pahayag ay mararamdaman natin ang galit ng taumbayan sa isyung ito.” - Loren Legarda.

Note: Ito’y mababasa sa official website ni Legarda (http://www.lorenlegarda.com.ph/article-1248936897.html). Ika nga ni Gus Abelgas, hindi nagsisinungaling ang ebidensya, Kayo ang magkuwenta! (mgakurimaw.blogspot.com

http://www.abante-tonite.com/issue/nov1909/opinions_spy.htm


Wednesday, November 18, 2009

november 18 2009 abante tonite

Pulitiko, pinahiya sa panunuhol!
(Rey Marfil)

(mgakurimaw.blogspot.com)

Sadyang walang kadala-dala ang isang pulitikong nasasangkot sa malaking eskandalo matapos harapang hiyain ng sariling kasamahan sa pag-alok ng malaking halaga, kapalit ang pag-absuwelto sa sinabitang eskandalo.

Sa impormasyong nakalap ng TONITE Spy, personal na dinalaw ng ambisyosong pulitiko ang kasamahan sa trabaho para hi ngin ang suporta sa pagbasura sa kasong kinasasangkutan nito, animo’y namimili lamang sa Divisoria Mall, katulad ng ‘buy one, take one T-shirt’.

Kasabay ang pagdalaw sa kasamahang opisyal, muling pinatunayan ng ambisyosong pulitiko ang pag-astang banker matapos mag-alok ng multi-milyon pisong halaga, kapalit ang hinihinging pabor.

Ang nakakatawa lamang, hindi sukat akalain ng ambisyosong pulitiko na ‘tatablahin’ ng kasamahang opisyal ang hinihingi niyang pabor kung saan harapang pinahiya sa mga alalay nito, maging sa iba pang nakasaksi sa secret talks.

Namula ang buong mukha ng ambisyosong pulitiko nang harapang marinig sa bibig ng kasamahang opisyal ang pagtabla sa hinihingi niyang pabor, hindi pa kabilang ang mga patutsadang harapin at sagutin ang kinasasangkutang eskandalo kaya’t mabilis nagpaalam ito.

Ang hindi makalimutan ng mga kurimaw na present sa ‘secret talks’, walang iba kundi ang eksenang bagsak ang balikat at lulugu-lugo ang ambisyosong pulitiko habang nag lalakad palabas ng ‘special room’ sa bagong tahanan ng kasamahan sa trabaho.

Sa kabuuan, hindi naman ikinagulat ng kasamahang opisyal ang ginawang aksyon ng ambisyosong pulitiko, partikular ang harapang pagbili sa kanyang suporta para malibre sa eskandalo dahil multi-bilyon ang ginagastos ng kumag para linisin ang pangalan nito.

Clue: Pera-pera ang polisiya ng ambisyosong pulitiko sa lahat ng pagkakataon, kabilang ang pagbili ng mga kaibigan, kasamahan sa trabaho, kakampi sa organisasyon at papuri sa sarili nito. Kung senador o kongresista, ito’y meron letrang “Y” sa kabuuan ng pangalan at apelyido, as in Yumaman sa pangangamkam.

Tuesday, November 17, 2009

november 17 2009 abante tonite

Si ‘Commissioner Rolex’
Rey Marfil

Dalawang araw bago ang ‘pagtiris’ ni Manny Pacquiao kay Miguel Cotto, meron isang masuwerteng nanalo ng P68 milyon sa lotto, katulad din ni Edu Manzano, aba’y kalokohan kung walang ipinangako si Ronnie Puno, kapalit ang pakikipag-tandem kay Gibo Teo­doro. Sa pulitika, ‘give and take’ ang polisiya kaya’t hindi nakakagulat kung bakit pinili ni Edu ang mag-Vice President kahit malaki ang tsansang manalong senador. Hindi pa man nababanggit si Edu, usap-usapan sa coffee shops ang pag-bankroll sa gastusin ng makaka-tandem ni Gibo, kabilang ang P200 milyon. Subukan n’yong itanong kay Senator Bong Revilla Jr., lalo pa’t isa sa pinuntiryang running mate ni Gibo? Ang malaking pasa­nin ni Edu, sadsad ang po­pularidad ni Mrs. Gloria Macapagal-Arroyo at nasampolan noong 2007 elections ang administrasyon, maliban kung hindi naman target ang manalo at gusto lamang mag-ikot sa buong Pilipinas dahil meron bagong game show sa Channel 2 na ipu-promote?
***
Napag-usapan si Senator Bong, matunog si Lani Mercado sa congressional race ng Bacoor. Lingid sa kaalaman ng publiko, nadagdagan ang congressional district ng Cavite province, hinati sa pito ang distrito, ang balwarte nina Cong. Jun Abaya (1st district), Cong. PD Barzaga (2nd district) at Cong. Bo­ying Remulla (3rd district). Isa sa pinakamala­king lalawigan ang Cavite at dala­wang mil­yon ang voting population kaya’t makatwiran lamang magsolo ang Bacoor at Imus. Ibig sabihin, buwan na lang ang bibila­ngin ni ‘Congressman Manny De Castro’ -- ito’y isang ganap ng deputado, aba’y hindi makakabangga si Cong. Boying ngayong eleksyon!
Sa paghihiwalay ng Bacoor, nakakatawang isiping Daddy ni Cong. Jun Abaya ang isa sa gustong makabalik ng Lower House. Kundi nagkakamali ang Spy, si ex-Cong. Plaridel Abaya Sr., ang humarang sa Cityhood ng Bacoor. Take note: hindi lehitimong residente ng Bacoor ang matandang Abaya, as in taga-Kawit ang buong lahi at usap-usapan ang pagbili ng bahay sa Bacoor, dalawang taon ang nakakaraan, bilang preparasyon kapag naging congressional district ito. Kaya’t ma­ging maingat ang mga cons­tituents ni Mayor Strike Revilla -- piliin ang lehiti­mong taga-Bacoor, hindi ang sinumang dayo at ano pang silbi ng pakikipaghiwalay ng Bacoor kung iisa pa rin ang nakaupo.
***
Nakaraang Nobyembre 8, tanghali ng Linggo, isang alipores ni Mrs. Arroyo, sa katauhan ni ‘Commissio­ner N’ ang namakyaw ng relo sa isang jewelry shop sa Glorietta, kasama ang dalawa pang kapatid. Kung makabili ng Rolex watch si ‘Commissioner’, animo’y nasa Divisoria Mall lamang, hindi gumagamit ng credit card para walang paper trail kapag nagkabukingan, as in bungkus-bungkos na salapi ang bitbit. Ayaw ni Iloilo Vice Gov. Rolex Suplico ng ganyan, aba’y inaagaw ang kanyang pangalan ni “Commissioner Rolex”.
Para magmukhang simple, naka-short pants at T-shirt lang si ‘Commissioner ’ pero mamahaling relo at hindi barya ang halaga ng mga pinakyaw. Malinaw ang mata ng Spy, nagkakahalaga ng P800 libo ang Submariner green (Rolex watch) na binili ni Commissioner, plus isa pang Rolex watch at Hublot. Take note: $26 libo (P1.3M) ang pinakamahal na Hublot watch (18k Gold & Diamond Chronograph Watch) sa Amerika, pero kung magturo ang mga kapatid ni ‘Commissioner N’, animo’y pa­ninda sa baratilyo ang mga mamahaling relos sa jewelry shop.
Maliban kay ‘Commissioner N’, isa pang alipores ni Mrs. Arroyo, sa katauhan ni ‘Secretary N’ ang bumili ng mamahaling cellphone (Vertu) sa kaparehong je­welry shop at kamuntikan pang nagpang-abot sina Commissioner at ‘Secretary N’. Kung magkano ang pinakamahal na Vertu unit (Signature Cobra) -- ito’y nagkakahalaga ng $310 libo (P15M), as in ginto at dia­mond ang mga piyesa. Hindi lang iyan, dalawa pang gabinete ni Mrs. Arroyo ang tambay din sa jewelry shop at bumili ng Rolex watch ng nakaraang buwan, isa rito’y naunsyami ang pagtakbong senador at sina­yang ang TV ads, habang ang ikalawang gabinete’y umatras sa laban. (mgakurimaw.blogspot.com)

http://www.abante-tonite.com/issue/nov1709/opinions_spy.htm


november 17 2009 abante tonite

Si ‘Commissioner Rolex’
Rey Marfil

Dalawang araw bago ang ‘pagtiris’ ni Manny Pacquiao kay Miguel Cotto, meron isang masuwerteng nanalo ng P68 milyon sa lotto, katulad din ni Edu Manzano, aba’y kalokohan kung walang ipinangako si Ronnie Puno, kapalit ang pakikipag-tandem kay Gibo Teo­doro. Sa pulitika, ‘give and take’ ang polisiya kaya’t hindi nakakagulat kung bakit pinili ni Edu ang mag-Vice President kahit malaki ang tsansang manalong senador.

Hindi pa man nababanggit si Edu, usap-usapan sa coffee shops ang pag-bankroll sa gastusin ng makaka-tandem ni Gibo, kabilang ang P200 milyon. Subukan n’yong itanong kay Senator Bong Revilla Jr., lalo pa’t isa sa pinuntiryang running mate ni Gibo? Ang malaking pasa­nin ni Edu, sadsad ang po­pularidad ni Mrs. Gloria Macapagal-Arroyo at nasampolan noong 2007 elections ang administrasyon, maliban kung hindi naman target ang manalo at gusto lamang mag-ikot sa buong Pilipinas dahil meron bagong game show sa Channel 2 na ipu-promote?
***
Napag-usapan si Senator Bong, matunog si Lani Mercado sa congressional race ng Bacoor. Lingid sa kaalaman ng publiko, nadagdagan ang congressional district ng Cavite province, hinati sa pito ang distrito, ang balwarte nina Cong. Jun Abaya (1st district), Cong. PD Barzaga (2nd district) at Cong. Bo­ying Remulla (3rd district). Isa sa pinakamala­king lalawigan ang Cavite at dala­wang mil­yon ang voting population kaya’t makatwiran lamang magsolo ang Bacoor at Imus. Ibig sabihin, buwan na lang ang bibila­ngin ni ‘Congressman Manny De Castro’ -- ito’y isang ganap ng deputado, aba’y hindi makakabangga si Cong. Boying ngayong eleksyon!

Sa paghihiwalay ng Bacoor, nakakatawang isiping Daddy ni Cong. Jun Abaya ang isa sa gustong makabalik ng Lower House. Kundi nagkakamali ang Spy, si ex-Cong. Plaridel Abaya Sr., ang humarang sa Cityhood ng Bacoor. Take note: hindi lehitimong residente ng Bacoor ang matandang Abaya, as in taga-Kawit ang buong lahi at usap-usapan ang pagbili ng bahay sa Bacoor, dalawang taon ang nakakaraan, bilang preparasyon kapag naging congressional district ito. Kaya’t ma­ging maingat ang mga cons­tituents ni Mayor Strike Revilla -- piliin ang lehiti­mong taga-Bacoor, hindi ang sinumang dayo at ano pang silbi ng pakikipaghiwalay ng Bacoor kung iisa pa rin ang nakaupo.
***
Nakaraang Nobyembre 8, tanghali ng Linggo, isang alipores ni Mrs. Arroyo, sa katauhan ni ‘Commissio­ner N’ ang namakyaw ng relo sa isang jewelry shop sa Glorietta, kasama ang dalawa pang kapatid. Kung makabili ng Rolex watch si ‘Commissioner’, animo’y nasa Divisoria Mall lamang, hindi gumagamit ng credit card para walang paper trail kapag nagkabukingan, as in bungkus-bungkos na salapi ang bitbit. Ayaw ni Iloilo Vice Gov. Rolex Suplico ng ganyan, aba’y inaagaw ang kanyang pangalan ni “Commissioner Rolex”.

Para magmukhang simple, naka-short pants at T-shirt lang si ‘Commissioner ’ pero mamahaling relo at hindi barya ang halaga ng mga pinakyaw. Malinaw ang mata ng Spy, nagkakahalaga ng P800 libo ang Submariner green (Rolex watch) na binili ni Commissioner, plus isa pang Rolex watch at Hublot. Take note: $26 libo (P1.3M) ang pinakamahal na Hublot watch (18k Gold & Diamond Chronograph Watch) sa Amerika, pero kung magturo ang mga kapatid ni ‘Commissioner N’, animo’y pa­ninda sa baratilyo ang mga mamahaling relos sa jewelry shop.

Maliban kay ‘Commissioner N’, isa pang alipores ni Mrs. Arroyo, sa katauhan ni ‘Secretary N’ ang bumili ng mamahaling cellphone (Vertu) sa kaparehong je­welry shop at kamuntikan pang nagpang-abot sina Commissioner at ‘Secretary N’. Kung magkano ang pinakamahal na Vertu unit (Signature Cobra) -- ito’y nagkakahalaga ng $310 libo (P15M), as in ginto at dia­mond ang mga piyesa. Hindi lang iyan, dalawa pang gabinete ni Mrs. Arroyo ang tambay din sa jewelry shop at bumili ng Rolex watch ng nakaraang buwan, isa rito’y naunsyami ang pagtakbong senador at sina­yang ang TV ads, habang ang ikalawang gabinete’y umatras sa laban. (mgakurimaw.blogspot.com)

http://www.abante-tonite.com/issue/nov1709/opinions_spy.htm


Monday, November 16, 2009

november 16 2009 abante tonite

Pulitiko nakipag-hide and seek sa reporter
(Rey Marfil)

Kung anong adelantada ng mga kapamilya para itulak ang kandidatura ng pulitiko, ito’y kabaliktaran lahat sa pag-uugali ng kanilang ‘manok’ dahil napakatamad at palaging wala sa ‘ayos’ ang mga diskarte nito.

Ang nakakatawang nasaksihan ng TONITE Spy, hindi lamang pikon sa interbyu ang pulitiko bagkus mistulang leading man sa pelikulang ‘Hide and Seek’ kung umasta sa harap ng mga reporter, animo’y nag lalaro ng ‘taguan, pong’ sa gitna ng kalye.

Ito ay makaraang mapikon sa tanong ng isang reporter dahil hindi nagustuhan ang pagbulatlat sa kanyang pagkatao, isa pang reporter ang na-bad trip sa pulitiko matapos itong pagtaguan ng mga impormasyon.

Simpleng kaluwagan lamang sa interbyu ang tanging request ng isang print male reporter, katulad ang pagkakaroon ng magandang access sa bawat galaw ng pulitiko o kaya’y makahingi ng trans cript ng interview kapag nasa out of town ito.

Hindi pa nagsasama ng reporter sa out of town ang pulitiko at tanging mediamen mula sa kakamping himpilan na sadyang ipinagkaloob ng higanteng TV station ang akay-akay nito.

Sa ganitong diskarte ng pulitiko, madalas ‘bulag’ sa impormasyon ang mga reporter na nakabase sa Metro Manila kaya’t humihingi ng kaluwagan sa coverage o magandang access para hindi malusutan ng istorya ang mga ito.

Sa puntong ito, humingi ng access ang print male reporter sa pulitiko suba lit muling lumutang ang pagiging anak-mayaman nito, patunay ang pagpasa ng kanyang responsibilidad sa ibang tao.

Kabaliktaran sa ibang pulitiko na kusang-loob nagbibigay ng access sa media at ibinubuluntaryo ang mga impormasyon, ipinasa ng pulitiko sa kanyang tauhan ang trabaho, maging ang pagdedesisyon sa napakasimpleng isyu.

Ang labis na ikina-bad trip ng reporter ay wala namang maibigay na kasagutan ang inatasang staff dahil wala ring ins truction ang kumag kung anong dapat gawin ng mga tauhan tungkol sa concern ng mga reporter, as in pinagpasa-pasahan lamang ang request nito.

Clue: Wala sa ayos ang political career ng pulitiko at malaking sorpresa ang biglaang pagsikat dahil sa isang malaking political event na nangyari sa bansa. Kung senador o kongresista, ito’y meron letrang ‘S’, as in Singer na nanggantso ng sex partner ang alyas. (mgakurimaw.blogspot.com)


http://www.abante-tonite.com/issue/nov1609/hulaan_blues.htm

Saturday, November 14, 2009

november 14 2009 abante tonite

Senatoriable, namamalimos ng interbyu
(Rey Marfil)

(mgakurimaw.blogspot.com)

Sa hangaring maiangat ang popularidad bilang preparasyon sa pagtakbong senador sa 2010 national elections, nagmistulang ‘timawa’ sa harap ng mga mamamahayag ang isang ambisyosong senatoriable.

Ang rason, namalimos ng interbyu ang ambis yosong senatoriable at gumawa ng eksena para mapansin ng mga repor ters, kalakip ang hangaring makunan ng soundbite at mabigyan ng espasyo sa peryodiko.

Nasaksihan ng TONITE Spy kung paano ‘namalimos’ ng interbyu ang ambisyosong senatoriable, animo’y nagpu-forum shopping, katulad ng mga bayarang testigo na nag-iingay sa iba’t ibang coffee shop at media forum para mapansin ng publiko.

Ang ikinasuka ng mga kurimaw, harapan ang pang-aagaw-eksena ng ambisyosong senatoriable dahil inilalako ang kanyang sarili para mapansin ng mga reporter at naghihintay ng ‘cue’ para mapitikan ng mga photographer, as in drama ang lahat ng ikinikilos nito.

Maging miyembro ng Upper House, hindi nakaligtas sa drama ng ambisyosong senatoriable kung saan nasampolan ang mga senador sa inihandang script ng kumag, katulad ang pamamasyal sa opisina ng mga mambabatas.

Ang nakakatawa lamang, hindi umubra ang drama ng ambisyosong senatoriable sa harap ng ilang senador dahil walang photographer at cameraman ang kumagat sa kanyang script at hindi man lamang ‘napitikan’ ang pinupuntiryang photo opportunity (photo ops).

Hindi rin kinagat ng mga reporter ang pagpapaawa effect ng ambisyosong senatoriable dahil walang pumatol sa istor yang inilalako at hindi rin pinansin ang press confe rence na ninanais nito.

Dahil walang pumansin sa kanyang drama, muling gumawa ng eksena ang ambisyosong senatoriable kung saan tumambay sa pintuan ng Senate Media Center at lahat ng mediamen na pumapasok ay binabati para mainterbyu subalit tablado pa rin ito.

Clue: Nagkukunyaring may delicadeza ang ambisyosong senatoriable gayong pera-pera ang misyon sa gobyerno. Kung negosyante o nakakalbo, ito’y meron letrang “Y” sa kabuuan ng pangalan at apelyido, as in Yumaman ang pamilya sa corruption.


http://www.abante-tonite.com/issue/nov1409/hulaan_blues.htm

Friday, November 13, 2009

2 solon, may bawal na relasyon

Katulad ng kasabihang ‘walang lihim ang hindi nabubunyag’, mas lalo pang nagkamukha ang pagkakaroon ng relasyon ng dalawang miyembro ng Kongreso matapos gamiting depensa sa isinampang reklamo laban dito.


Bagama’t lantad sa media ang pagkakaroon ng relasyon ng dalawang solon, ikinagulat ni Mang Teban na abot sa kaalaman ng ilang ordinaryong sibilyan ang bawal na relasyon.


Sa isang iniimbestiga­hang kaso, lalo pang nabunyag ang relasyon ng dalawa matapos ipangalandakan sa affidavit ng isang complainant ang pagiging lovers ng mga ito, sa katauhan ng isang matandang mambabatas at primadonang lady solon.


Hindi lamang ‘pokpok’ ang katagang ginamit ng isang complainant para ilarawan ang pagkatao ng primadonang lady solon bagkus ‘sex partner’ ang pagkaka-describe sa bawal na relasyon ng dalawa.


Pintahan n’yo na: Saksakan ng plastic ang primadonang lady solon habang senior citizen ang matandang solon. Kung senador o kongresista, kayo na ang puminta.


http://www.abante.com.ph/issue/nov1309/kartada5.htm

Thursday, November 12, 2009

november 12 2009 abante tonite

Ipagpabukas na lang?
Rey Marfil

Ang rekomendasyon ni Dick Gordon, alinsunod sa broadband scandal committee report ng Blue Ribbon committee, paimbestigahan si Mrs. Gloria Macapagal-Arroyo sa Office of the Ombudsman habang pinakasuhan ng katiwalian o graft case sina Atty. Mike Arroyo, ex-Comelec chairman Ben Abalos, mag-amang Jose at Joey de Venecia, DOTC Sec. Larry Mendoza, Depu ty Executive Sec. Manuel Gaite, Asec. Elmer Soneja (DOTC), Asec. Lorenzo Formoso (DOTC), Jun Lozada, SSS president Romulo Neri (ex-NEDA chief) at DENR Sec. Joselito ‘Lito’ Atienza Jr.

Ang tanong lamang ng mga kurimaw: nasaan sina Leo San Miguel, Ruben Reyes at ex-General Quirino dela Torre - ang Fili pino group na nag-lobby sa broadband project, maging ang dumukot kay Brother Jun sa airport?

Kapag sinuri ang committee report na inilabas ni Dick, makatwiran lamang na isama sina Joey at Jun sa kakasuhan. Kung ‘nagkaayusan’ sa Wack-Wack Golf at nakuha ni Joey ang kontrata, ito’y hindi mag-iingay, katulad din ni Jun, hindi ba’t napilitan lamang tumestigo sa Upper House, patunay ang pag-Hong Kong at pagtanggap ng P500 libong baon kay Gaite para ipambili ng winter clothes.

Ibig sabihin, kundi nasukol si Jun, hindi ‘kakanta’ at napakahirap paniwalaang dinukot kung kusang-loob ang pagsama at pag-alis ng Pilipinas. Ang sabit lamang ni Dick, kung hindi pa nangalampag si Joey at hindi pinasyalan ang kanyang opisina nu’ng nakaraang Nobyembre 9, Lunes ng hapon, hindi napag-isipang ilabas ang committee report sa media. Kumpara kay Lozada, ‘di hamak na mas karapat-dapat maging state witness si Joey samantalang puro tago ang drama ni Lozada.

In fairness kay Wow Dick, matapang ang nilalaman ng 10-page NBN-ZTE executive summary. Ang ikina-bad trip lamang ng Senate media noong Martes ng gabi, kung kailan ‘uwian’, saka inilabas ni Dick ang committee report kaya’t mara ming reporter ang nagahol sa oras.

Take note: bago nagpa-presscon, napaka-busy ni Dick sa debate at interpellation, as in matinding daldalan ang sinagupa sa session hall. Kung hindi pa nalalapit ang pag-adjourn ng session, hindi napag-isipan ni Dick na magpa-presscon.

Ang nakakatawa, ‘napagpag’ si Joker Arroyo, ito’y hindi nakaporma sa Media Center kaya’t ipina-embargo ang dissenting o pinion. Ang resulta, umuwing malungkot si Norie Mercado, aba’y hindi naisa lang ang kanyang lolo!

Kung meron dissenting opinion si Joker, tatlong (3) miyembro ng Blue Ribbon committee ang pumalag kung bakit isinama ni Dick sa pinakakasuhan ng graft sina Joey at Jun. Ang statement ni minority leader Nene Pimentel, “Buti naman at inilabas na. Pero sina Joey at Lozada, dapat state witnesses.”

Nag-2nd demotion si Senator Ping Lacson: “As a member of the Blue Ribbon, I am against the inclusion of Jun Lozada and Joey de Venecia among those recommended for filing of graft charges.”

Ganito rin ang hirit ni Sena tor Chiz Escudero: “I don’t think Jun and Joey should be included. They both did a heroic act and we might be discouraging whistleblowers if they are included.”

Sa tatlo, ‘napaka-special’ ng statement ni Senador Benigno Simeon ‘Noynoy’ Aquino III, aba’y mala-Santino ang sagot, as in “babasahin muna ang committee report.” Ang tanong ng mga kurimaw: anong pinagkakaabalahan ni Noynoy bilang miyembro ng Blue Ribbon, maliban kung puro bulakbol at hindi pinag-aaralan ang mga ebidensya at dokumento?

Nakaraang Nobyembre 8, araw ng Linggo, ganito rin ang sagot ni Noynoy sa pagdami ng Class ‘78 o mistah ni Mrs. Arroyo sa mga sensitibong posisyon. Ang text message ni Noynoy, “Pa sensya na, ‘di ko pa nare-research.”

Kung ngayon pa lamang, mahilig ‘ipagpabukas’ ni Noynoy ang mga isyu, anong kapalaran ang naghihintay sa Pilipinas kung mananalong Pangulo, hindi naman puwedeng maghintay ang publiko sa kalalabasan ng research bago bigyan ng solusyon?

Tandaan: delubyo ang problemang kahaharapin ng papalit kay Mrs. Arroyo, ito’y napaka tagal nang problema na hindi kailangan pang i-research at pag-aralan ng sinumang pulitiko! (mgakurimaw.blogspot.com)


http://www.abante-tonite.com/issue/nov1209/opinions_spy.htm

Wednesday, November 11, 2009

november 11 2009 abante tonite

Primadonang pulitiko pinahiya sa foundation day

(Rey Marfil)

Sa sobrang pagiging desperado ng isang primadonang pulitiko na masungkit ang inaambisyong posisyon sa gobyerno, ito’y nasampolan ng mag-amang local officials sa dinaluhang pagtitipon.

Bagama’t nagpigil ang mag-amang local officials, nasaksihan ng TONITE Spy kung paano pinahiya at harapang nilayasan ang primadonang pulitiko sa isang pagtitipon matapos gumawa ng eksena ang huli at mag-inarte sa harap ng mga bisita ito.

Dahil foundation day, maraming pulitiko ang inimbitahan ng mag-amang local officials, kabilang ang mga nagbabalak tumakbo sa 2010 national elections.

Sa naturang pagtitipon, namumukod-tangi ang primadonang pulitiko sa hanay ng mga bisita at guest speaker ang gumawa ng eksena, patunay ang pag-inarte at pag-astang super-sikat sa lalawigan, at kaya nitong impluwensyahan ang mga kausap.

Bago nagsimula ang selebrasyon at palabas sa dinaluhang foundation day, tinabihan ng primadonang pulitiko ang mag-amang local officials na kilalang ‘political kingpin’ sa lalawigan, sabay pagbubuhat ng kanyang credentials.

Ang malupit sa lahat at labis ikinagulat ng mag-amang local officials, ito’y harapang diniktahan ng primadonang pulitiko kung sino ang susuportahan sa 2010 national elections, as in pinagsabihang huwag susuporta ng ibang kandidato, maliban sa sarili nito.

Mas lalo pang nagpanting ang tenga ng mag-amang local officials nang humirit ang primadonang pulitiko ng litanyang hindi dapat binibigyan ng pansin ang ibang kandidato lalo pa’t siya lamang ang itinuturing na ‘reyna’ ng lalawigan.

Sa pagkapikon ng mag-amang local officials dahil harapang dinidiktahan at nagpi-feeling super-close sa mga residente ang kausap, hindi nagdalawang-isip na tumayo ng upuan at nilayasan ang primadonang pulitiko, as in naiwang nakanganga at tulala sa isang tabi ang kumag.

Clue: May letrang “A” ang mag-amang local officials, as in Agaw-eksena tuwing eleksyon dahil sentro ng vote buying at vote padding ang kanilang lalawigan at paboritong ‘pag-aparisyunan’ ni Garci noong 2004 elections, habang saksakan ng plastic ang primadonang pulitiko. Kung presidentiable o vice presidentiable, ito’y meron ding letrang “A” sa pangalan at apelyido, as in Ang hilig sa matandang karelasyon. (mgakurimaw.blogspot.com)

http://www.abante-tonite.com/issue/nov1109/hulaan_blues.htm


Tuesday, November 10, 2009

november 10 2009 abante tonite

Laging may umiiyak!
Rey Marfil

(mgakurimaw.blogspot.com)

Dahil sa nagdaang bagyo, maraming stock ng karne at isda ang nabulok dahil sa kawalan ng kuryente pero kamakailan, isang bagong teknolohiya ang nadiskub re ni Hernie Decena -- ang brine immersion freezing. Ibig sabihin, ang mga isda o karne, ito’y maiimbak hanggang tatlong araw, gamit ang Styrofoam boxes kahit walang yelo.

At kapag naka-freezer o inilagay sa chiller ang produkto matapos ang BIF freezing, ito’y tatagal ng 6-months. Isa pang katangian ng brine immersion freezing -- napapanatili ang kapreskuhan ng isda hanggang tatlong araw.

At kapag pinalambot, ito’y kasing-presko pa rin ng bagong-huling isda kaya’t hindi nagiging bilasa. Hindi lang iyan, inaabot lamang ng tatlo hanggang 30-minuto ang pagpapalamig, kumpara sa tatlo hanggang apat oras sa air blast system.

Aprubado ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) ang agri-freeze solution, alinsunod sa Microbiological Method of Bacteriological Analysis at pasado sa Pharmacology and Toxicology test ng University of the Philippines (UP).

Ang problema, namimiligrong madiskaril ang proyekto ng National Agribusiness Corporation (Nabcor) -- ito’y kinuwestyon ng isang ‘non-bidder’ at sinampahan ng graft case sa Office of the Ombudsman ang lahat ng opisyal, sa pangunguna ni Nabcor President Alan Javellana at da may si Agriculture Sec. Arthur Yap bilang pinuno ng ‘mother agency’.

Ang reklamo ni Allan Ragasa, nagkaroon ng iregularidad sa bidding ng P455.7 milyong post-harvest facility project -- ito’y napasakamay ng Integrated Refrigeration System and Services Incorporated (IRSSI), partikular ang pagbili sa 98-units ng multi-function ice-making machines. Take note: present sa public bidding ang tatlo pang natalong bidder, maliban kung nagpapagamit si Ragasa at ‘sourgraping’ ang Sunvar company?

Ang ipinagtataka lamang ng mga kurimaw sa loob ng Nabcor, bakit ang lakas ng loob ni Ragasa na kuwestyuning nagkaroon ng hokus-pokus sa bidding bilang kinatawan ng Sunvar company -- isa sa natalong bidder gayong hindi nagreklamo ang tatlo pang bidder -- ang Kolonwell, JOAVI at Instrumech Philippines Inc.

Hindi kaya puntirya ni Ragasa na ideklarang ‘invalid’ ang bidding at magkaroon ng ‘re-bidding’ upang matapatan ng Sunvar ang pinakamababang presyong inalok ng IRSSI, maliban kundi sumusunod sa Procurement Law ang Nabcor at nahawa sa mga dumaraming kawatan? Ang nakaka-bad lamang, ano pang silbi ng Procurement Law kung lahat ng natatalo, ito’y sisigaw ng foul at iiyak sa media kapag hindi napaboran sa mga kontrata?

***

Bago ang inaabangang survey result ng Pulse Asia, isang presidential survey ang nag-leak at nakakagulat ang mga numero, aba’y bumaba ang popularity rating ni Noynoy Aquino. Kundi nagkakamali ang Spy, nasa proseso ngayon sa paghimay ang Asian Institute Management (AIM) professors na nag-sponsor ng presidential debate -- ito’y may petsang November 2 hanggang November 8.

Sa initial report, nangunguna pa rin si Noynoy (42%), kasunod si Chiz Escudero (24%), Manny Villar (16%), Erap Estrada (12%), Gibo Teodoro (4%). Sakop ng survey ang National Ca­pital Region (NCR) at Cordillera Autonomous Region (CAR) at ilang bahagi ng Luzon. Hindi pa kumpleto ang Region 3, Region 4, Visayas at Mindanao region.

Ang malinaw lamang, nabawasan ng 10% si Noynoy at napunta kay Chiz. Hindi lang iyan, meron pang ilang lugar na nakapagtala ng 15% pagtaas sa rating si Keso. Sa nagdaang survey, 14% lamang si Chiz, malinaw ang magandang epekto sa pagkalas sa Nationalist People’s Coalition (NPC).

Maging si Villar, natapyasan ng 1% mula 17% at stagnant ang rating ni Erapsky. Never mind si Gibo, ito’y malabong makahabol. Dati-rati’y naglalaro sa 50% hanggang 60% ang popularity rating ni Noynoy sa kabuuan ng nationwide survey ng SWS at Pulse Asia.

Take note: Nasa 51% ang rating ni Noynoy sa NCR pero ngayo’y ‘kinain’ ni Chiz. Dahil sa ‘Pacman-Cotto fight’ ngayong November 15, madi-delay ang paglabas ng Pulse Asia survey na dapat sana’y November 14. Kaya’t abangan sa November 17 ang Pulse Asia survey kung tutugma sa AIM survey.(mgakurimaw.blogspot.com)


http://www.abante-tonite.com/issue/nov1009/opinions_rey.htm