Monday, March 9, 2009

march 9 2009 abante tonite

Bungangerong solon, natuyuan ng laway!
(Rey Marfil)

Katulad ng kasabihang ‘galit ang magnanakaw sa kapwa magnanakaw’, supalpal at hindi umubra ang diskarte ng isang bungangerong miyembro ng Kongreso matapos makaengkuwentro sa debate ang kauri nito.
Kung anong daldal sa mga media interview at pagiging alaskador sa bawat makakaengkuwentro, natuyuan ng laway ang bungangerong solon matapos mapasabak sa diskusyon sa numero unong daldalerong miyembro ng Kongreso.
Nasaksihan ng TONITE Spy kung paano natiyope ang bungangerong solon taliwas sa nakaugaliang mang-alaska ng ka-debate sa session hall o kaya’y asarin sa pamamagitan ng mga matalinhagang pa­ngungusap sa Bibliya ang katunggaling solon.
Hindi maiwasang matawa ng mga naglipanang kurimaw sa Upper House nang makitang mala-Elasto seal at Marine Epoxy sa pagkabutata ang bungangerong solon sa bawat hirit sa floor, as in hindi nakaporma ang matabil at matalas nitong dila matapos makaengkuwentro sa isang ‘hot issue’ ang kauring solon nito.
Una pang nagmagaling sa floor ang bungangerong solon at ipinangalandakan ang performance sa Upper House subalit tigalgal at nalunok ang sariling laway nang rumesbak ang kau­ring solon matapos ibalik sa kanyang pagmumukha ang pagiging inutil at ipaalala ang mga naitalang kapalpakan nito.
Ang matinding revelation sa lahat, hindi nagawa pang makapagsalita ng bu­ngangerong solon nang harap-harapang singilin sa nagawang kapalpakan, kabilang ang pagiging ‘tamad’ gumawa ng homeworks at paninisi sa ibang tao para lamang bumango ang imahe.
Halos ilang minutong nalektyuran ang bungangerong solon at hindi makahuma ang kumag habang nagho-ho­miliya ang kalabang solon.
Katulad ng nakaugalian kapag napapa-trouble sa tuwing nasusukol ang bunga­ngerong solon, idinaan sa pang-aalaska ang naging kasagutan sa kauring solon, sabay bigkas ng mga pananalita ng Diyos para palabasing banal gayong numero unong matakaw sa pondo ng gobyerno ang pamilya nito.
Clue: Parehong madaldal ang dalawang solon at parehong naintrigang tsikboy, as in pwede sa tsiks at boy. Isa rito’y reeleksyunista sa 2010 habang kamukha ng dating child star ang bunga­ngerong solon. (www.mgakurimaw.blogspot.com)

No comments: