Friday, March 6, 2009

march 6 2009 abante

Lady solon nagkalkal ng bra sa harap ng kamera

Sa halip pagpantasyahan ng mga kalalakihang cameramen, katatawanan at panlalait ang inabot ng isang lady solon matapos magkalkal ng bra sa loob ng session hall habang kainitan ang pagpapalitan ng tanong sa pinagdi-debatehang isyu.


Halos maglupasay sa katatawa si Mang Teban, sampu ng miron sa loob ng session hall matapos masaksihan kung paano pagkakalkalin ng lady solon ang kasoutang bra sa harap mismo ng mga cameramen at photographers.


Sa kasagsagan ng diskusyon sa hinihinging P11.3 bilyong supplemental budget ng Commission on Elections (Comelec), pumwesto sa barandilya ng gallery ang mga cameramen at photographer upang maganda ang shot, kaharap ang mga resource person.


Nagkataong designated seat ng lady solon ang pinuwestuhan ng mga photographer at cameramen kaya walang ibang choice kundi ukupahan ang tagiliran ng session hall kung saan kaharap ang mambabatas.


Sa mainitan ng diskusyon, humarap sa hanay ng mga photogpraher at cameraman ang lady solon, sabay ayos ng kanyang bra dahil tabingi ang pagkakapuwesto sa kaliwang dibdib nito.


Hindi pa nakuntento sa pag-ayos ng kanyang bra sa kaliwang dibdib, itinuwid din ang pagkakapuwesto ng strap at nagawang alugin, animo’y meron ipinagmamalaking hinaharap ang mambabatas.


Pintahan n’yo na: Isa sa matapobre ang lady solon kaya kinaiinisan ng media at palaging napapa-trouble sa session hall. Kung senadora o congresswoman, abangan kung maghahagis ng pulseras at kung mag-i-import ng ibang mukha para manalo. (www.mgakurimaw.blogspot.com)

No comments: