Kahit nagtapos lamang sa isang ‘mababang paaralan’, maintindihan kung bakit mas maagang nabuhay ang ‘Dacer-Corbito double murder case’ kaysa pag-aparisyon ni Kristo ngayong Semana Santa, isang malaking tinik sa lalamunan ng misis ni Jose Pidal si opposition senator Panfilo ‘Ping’ Lacson sa 2010 election at kapag naupo sa MalacaƱang, hindi lang ‘paglulubid ng buhangin’ ang gagawin ni Atty. Jess Santos upang idepensa sa korte ang kanyang amo, eh baka pati lahar sa Pampanga at mabahong hangin sa Ilog Pasig, ito’y kausapin ng makatang abogado sa dami ng eskandalong sinabitan ng mag-asawang Arroyo.
Kung may pinakamasaya ngayong panahon, hindi lamang ang mag-amang Jose Pidal at Lion King kundi si ousted Senate President Manny Villar Jr., aba’y nawawala sa eksena ang ‘double insertion’. At bago nga naman mai-publish sa peryodiko ang panuntunan o rules ng ethics committee sa gagawing imbestigasyon, marami pang magsusulputang pag-atake kay Lacson.
Ang malaking problema ni Villar, hindi lang double insertion ang hot issue kundi ‘conflict of interest’ at konektado sa presidential ambitions ito. Kahit nakuha sa sipag at tiyaga ang lahat ng ari-ariang naipundar, katulad ng kanyang pre-campaign ads, mahirap ipaliwanag sa botante kung bakit mga pag-aaring subdibisyon ang dinaanan ng mga kalsada, katulad ng nangyari sa C-5.
Hindi natin babanggitin ang pangalan, isa sa kalaban ni Lacson sa 2010 election ang kumpirmadong ‘gumagalaw’ para palakihin sa media ang Mancao story, gamit ang isang ‘bossing’ ng radio station. Kundi nagkakamali ang Spy, mismong presidentiable ang nagpasok kay ‘bossing’ sa radio station at may buwanang payola sa kanyang office ito, maging ang iba pang kaalyadong anchor. Hindi lang iyan, sumawsaw rin ang presidentiable sa “Mancao negotiation”. Ibig sabihin, hindi lamang MalacaƱang ang kalaban ni Lacson ngayong panahon, aba’y nagsasama-sama ang mga nasagasaan sa anti-corruption drive at tinamaan ng expose sa Upper House.
***
Napag-usapan ang 2010, ipinagtataka ng mga kurimaw kung bakit kailangan pang wasakin si Lacson at buhayin ang Dacer-Corbito case kung sa tingin ni Mrs. Arroyo, ito’y mahina sa survey. Kung hindi banta si Lacson sa administration candidate, katulad ng gustong palabasin ng Pulse Asia at Social Weather Station (SWS), bakit pagkaka-interesan ang senador, maliban kung iba ang nakalista sa inisponsorang internal survey kaya’t mapa-praning sina ex-General Reynaldo Berroya. DOJ Sec. Raul Gonzalez at ISAFP chief Romeo Prestoza, sampu ng PMA Class ‘78 na kinabibilangan ni Mrs. Arroyo? Balikan ang laman ng mga peryodiko, simula 2001 hanggang 2003 bago tumakbo si Lacson noong 2004 national election, hindi ba’t replay ang Dacer-Corbito ngayong taon (2009) dahil nalalapit ang 2010?
Kung No. 7 si Lacson, katulad sa huling Pulse Asia survey, bakit gumastos ng milyones ang gobyerno at tumayong ‘producer’ sa ‘Mancao teleserye’. Isipin n’yo, ilang prepaid card o load ang binili ni Prestoza noong Setyembre 2007 para kumbinsihin si Colonel Cesar Mancao, aba’y ginto ang US call. Take note: 20 minutes binuladas ni Prestoza si Mancao sa cellular phone, hindi pa kasama ang reinstatement sa PNP.
At malaking katarantaduhan kung walang perang inalok lalo pa’t hindi naman kaagad makakapagtrabaho pag-uwi ng Pilipinas dahil nakakulong ito? Hindi lang iyan, ilang NBI agents ang ipinadala ni Gonzalez para kausapin at sunduin sina Mancao at ex-Colonel Glenn Dumlao, alangang libre ang biyahe at pagtira sa hotel ng mga ito?
Alam ng lahat, matindi ang takot ni Mrs. Arroyo kapag naupo si Lacson sa palasyo subalit mahirap paniwalaang mahina sa survey ang senador dahil ginagastusan ng milyones para madurog ang pagkatao at bakit sa ibang presidentiable ‘deadmatic’ ang First Family? Isang reliable source ang nagkumpirmang meron internal survey ang palasyo at nasa top 3 si Lacson, kasama sina Erap (No. 1) Noli (No. 2), Villar (No. 4), Loren (No. 5), Chiz (No. 6), at Mar (No. 7).
Maging sa internal survey ng isang napakalaking religious group, nangunguna si Erap, kasunod sina Noli (No. 2), Ping (No. 3), Villar (No. 4), Loren (No. 5), Chiz (No. 6) at Mar (No. 7). Pansinin ang Dacer-Corbito case, hindi ba’t sina Lacson at Estrada ang puntirya ng grupo ni Gonzalez. Kapag nawasak sina Lacson at Estrada, sinong makikinabang, hindi ba’t ka-tropa at ka-done deal sa 2010? (www.mgakurimaw.blogspot.com)
No comments:
Post a Comment