Saturday, March 21, 2009

march 21 2009 abante tonite

4 senador naduwag kay Jalosjos
(Rey Marfil)

Kung anong ingay at bilis sumakay sa mga naglalakihang isyu, naduwag ang apat miyembro ng Upper House sa paglaya ni ex-Zamboanga del Norte Congressman Romeo Jalosjos, kalakip ang pangambang masaktan ang kalooban ng ex-con solon lalo pa’t nakatulong sa kanilang kandidatura ito.

Isang araw bago palayain si Jalosjos, hiningan ng komento ang apat na senador subalit tumangging magbigay ng reaksyon at inaming nakatulong ang ex-convict sa nagdaang eleksyon.

Sa harap ng TONITE Spy, inamin ng unang senador ang malaking naitulong ni Jalosjos sa kanyang kandidatura at kahit naghihimas ng rehas sa New Bilibid Prisons (NBP), nakapagdeliber ng boto sa nagdaang dalawang senatorial election ang ex-con solon.

Kilalang ‘kingpin’ sa Zamboanga si Jalosjos, as in pinanghahawakan ng mga botante ang salita sa kanyang distrito kung kaya’t panalo ang sinumang senador o kandidatong pinangakuan ng suporta kada eleksyon kahit pa nakabilanggo ito.

Katulad sa naunang depensa ng unang senador, naduwag din magbigay ng reaksyon sa paglaya ni Jalosjos ang ikalawang senador.

Maliban sa nakatulong sa senador ang pamilya ni Jalosjos, naka-iskedyul tumulak ng Zamboanga ang mambabatas ngayong linggo kaya’t natatakot itong magbigay ng negatibong komento lalo pa’t posible itong ikasama ng loob ng ex-con solon.

Habang ang ikatlo at ika-apat na senador, nakiusap na huwag nang hingan ng komento sa paglaya ni Jalosjos via off the record at inirason ang pagiging dating magkakasama sa Lower House, kalakip ang depensang karapatan ng ex-congressman na mabigyan ng ikalawang pagkakataon o second chance sa buhay.

Clue: Katropa ni Jalosjos ang ama ng ikalawang senador sa Lower House at nakasama rin ng ex-con solon ang huling tatlong senador. Merong initial na J, M, R at N ang apat na senador. (www.mgakurimaw.blogspot.com)

No comments: