Friday, February 27, 2009

feb 27 2009 abante

2 presidentiables, napahiya sa party

Bagama’t nakakuha ng media mileage at nasuklian ang pagpapainit sa araw ng dala­wang presidentiables, mala­king sampal ang natikman ng mga ito sa isang pagtitipon matapos harap-harapang ma­pahiya sa mga miron.


Hindi maiwasang matawa ni Mang Teban sa kahihiyang inabot ng 2 presidentiables matapos dumalo sa isang napa­kalaking pagtitipon sa Northern Luzon para magpabango ng imahe at maagang mangampanya.


Kontodo-porma ang dalawa sa pagtitipon, kasama ang mga alalay at iba pang advanced party, maging ka-tropa sa organisasyong nagbitbit sa naturang event.


Natupad naman ang pangarap ng dalawa na makunan ng litrato dahil maganda ang resulta ng photo ops sa pagtitipon subalit naisahan sa last two seconds at nalusutan ng ikatlong presidentiable.


Sa kasagsagan ng nagbibilad sa araw bilang bahagi ng photo ops, ipinakilala ng host ang guest speaker kung saan inilarawan bilang kapalit ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo.


Dahil dito’y mistulang nabuhusan ng malamig na tubig ang 2 presidentiables.


Pintahan n’yo na: Kapwa senador ang dalawang pre­sidentiables habang pamangkin ng kilalang business tycoon ang ikatlong presidentiable.(www.mgakurimaw.blogspot.com)

2 comments:

Paul Farol said...

Siya si...!

Paul Farol said...

Idol,

Puntahan kita sa Monday, ayusin pa natin itong blag na ito.

Lagyan natin ng mga borloloy (visit counter, feedjit, etcetera) at i-feed natin sa Facebook.