Sa halip ikatuwa ang magandang palayaw o naging ‘binyag’ sa pulitika, sukdulan hanggang Visayas region ang matinding pagkapikon ng isang primadonang lady solon kapag nababanggit ito. Ang rason, nauwi sa katatawanan ang palayaw ng primadonang lady solon kung kaya’t pikon-talo kapag nasusulat ang naging binyag sa pulitika, patunay ang harap-harapang pagrereklamo sa kapwa solon nito. Sa report na nakalap ng TONITE Spy, hindi lamang abot ng Panay province ang pagkapikon ng primadonang lady solon tuwing masusulat ang kanyang palayaw sa dyaryo, hindi dahil nasasagwaan ang mokang, bagkus sa mga katagang idinudugtong dito. Kung susuriin ang palayaw ng primadonang lady solon, ito’y sakto sa kanyang pagkatao at walang dapat ikapikon subalit napapasama kapag nadudugtungan sa dulo, as in nagiging haliparot ang ‘arrive’ ng mambabatas sa kuwento. Hindi naman maiwasang magtaas ng kilay ng mga naglipanang kurimaw sa GSIS compound dahil walang karapatang magalit ang primadong lady solon kung magmukhang haliparot sa kanyang palayaw lalo pa’t nakarelasyon ang kauring mambabatas nito. Isinalin sa folk song ang palayaw ng primadonang lady solon, ito’y madaling matandaan ng grade 1 pupil, as in hindi kailangan pang i-memorize ng mga nasa grade school dahil naituturo sa bahay ito. Ang pagkakasalin sa palayaw ng primadonang lady solon mula sa isang sikat na folk song ang rason kung bakit namayagpag sa pulitika ang mokang, as in naging kasangkapan ang ‘tunog-bakya’ nitong campaign jingle at commercials kaya’t humamig ng malaking boto kada eleksyon. Sa halip ipagpasalamat ang pagsikat ng kanyang palayaw bilang ‘tunog-bakya’ at pang-elementary school ang himig, nagagalit ang primadong lady solon kapag naisusulat sa mga kolum dahil nabibigyan ng malisya ang dulo ng bansag dito. Higit sa lahat, ikinakapikon ng primadonang lady solon ang paglalagay ng ibang kahulugan sa kanyang campaign jingle o political commercials, katulad ang senaryong nabigatan sa kanyang dala, as in kumita ng limpak-limpak tuwing eleksyon kaya’t nabali ang sanga. Clue: Walang tatalo sa primadonang lady solon kung pagiging ‘Tupperware’ ang pag-uusapan, as in nasobrahan sa pagiging polite kaya’t nauwi sa plastic. Ito’y meron letrang ‘A’ sa apelyido, as in Ang hilig sa “20% discount”, as in senior citizen ang paborito. Kung senadora o congresswoman, abangan sa 2010 national elections (www.mgakurimaw.blogspot.com). |
No comments:
Post a Comment