Tuesday, March 31, 2009

march 31 2009 abante tonite

Shop at your own risk sa Trinoma?
Rey Marfil


Sa hangaring magpasik­lab sa “Earth Hour” ng Trinoma Mall, sa pamamagitan ng pagpatay sa mga ilaw sa loob ng isang oras, isang binatilyo at anak ng ating kasamahan sa industriya ang naaksidente. Nagtamo ng sugat sa kamay si Charles Kevin Jimenez, 15-years old at isang high school student matapos mahulog sa fountain (ground floor) ng Trinoma Mall dahil sa sobrang dilim.

Ang rason, walang harang na ipinalagay ang management sa security personnel at marami pang mall goers ang kamuntikang nahulog sa kagustuhang sumakay ng Ayala Land sa environmental campaign. Mantakin n’yo, nabasa ang buong katawan ni Kevin at nagtamo ng sugat sa kamay, pati 5310 cellular phone, ito’y nababad sa tubig. Kahit sinong lumagay sa mag-asawang Fidel at Shella Jimenez, siguradong mumurahin hanggang panaginip ang Ayala Land!

Pinakamasakit sa lahat, hindi kaagad inasikaso si Ke­vin ng mga security personnel gayong nagdurugo ang sugat sa kamay. Hindi lang iyan, tanging band-aid at betadine ang inalok ng management at gusto pang pauwiin ang bata, gamit ang rasong ordinaryong aksidente lamang ang nangyari kay Kevin.Kahit saang anggulo suriin, malinaw ang katotohanang negligence ng Trinoma ang nangyari kay Kevin dahil pinatay ang ilaw nang hindi man lamang nag­lagay ng harang sa fountain.

Kahit “good mor­ning towel”, hindi man lamang inalok si Kevin ng mga tauhan ng Trinoma gayong nangi­nginig sa pagkabasa ang bata. Nangyari ang aksidente, ganap na alas-8:30 ng gabi at ala-1:00 ng madaling-araw nakauwi dahil napilitan lamang ipa-check up ang biktima sa ospital kundi pa nagpumilit ang kasama nito, as in limang oras nakababad sa basang damit. Mabuti lang, hindi lumaki ang balls ni Kevin!

Kung Spy ang tatanungin, dapat sibakin ng Ayala Land ang security head ng Trinoma, maging branch manager dahil walang concern sa mga tao gayong multi-milyong piso kada araw ang nakukuha sa bulsa ng mga costumer. At pagkatapos ng aksidente, wala pang balak ang management ng Trinoma na palitan ang nasi­rang gamit ni Kevin, as in gustong gawing ‘charge to experience’ ang pagkahulog ng 5310 unit cellphone, maging ang mini-iPod ng estudyante. Kung nagkataon, kasing-height ni Dagul si Kevin, sa malamang ito’y nalunod sa fountain, mabuti lang 5’9” ang taas at varsity player!
***
Napag-usapan ang kapa­ba­­yaan ng Trinoma, bakit hindi higpitan ni Quezon City Ma­yor Sonny Belmonte ang bawat establishment. Ni sa panaginip, ayokong isi­ping ‘accident prone mall’ ang mga pag-aaaring department store ng Ayala Land, aba’y nagi­ging kakambal ang aksidente. Hindi ba’t sumabog ang Glorietta-2 Mall sa kapabayaan ng management? Su­werte ni Kevin, sugat lamang ang inabot, subalit balikan ang pagsabog ng Glorietta-2 dahil sa naipong dumi ng tao, hindi ba’t nakakapanlumo ang mga eksena sa Makati, ilang taon ang nakakaraan?

Nga­yong nasasangkot sa ganitong kaso ang Trinoma, bakit hindi maglagay ang Quezon City government ng mala­king karatulang ‘Warning: Accident Prone Mall’ sa labas ng Trinoma, at least mabibigyan ng abiso ang mga mall goers at alam kung anong mangyayari kapag pumasok sa loob!

Maliban sa pagsabog ng Glorietta-2, hindi ba’t isang lalaki ang nahulog at namatay sa 4th floor ng Trinoma noong May 2008 -- ito’y naging laman ng peryodiko at wala ng balita kung binayaran ang pamilya nito? Pagsapit ng Abril 2008, dalawa namang trabahador ng Trinoma ang nahulog sa 2nd floor habang inaayos ang parking area.

Kundi nagkakamali ang Spy, isa ang namatay at kritikal ang kondisyon ng kasama, ewan lang kung nakaligtas lalo pa’t walang balitang lumabas. Kung simpleng warning devices, hindi kayang ipagawa ng Ayala Land, hindi naka­kagulat ang pagkamatay ng maraming mall goers sa Glorietta-2 lalo pa’t nakatago sa basement ang pinagsama-samang dumi ng tao kaya’t nauwi sa bomba ang methane gas.

Ibig sabihin, hindi rin nakapagtataka kung maraming aksidente ang naitatala sa Trinoma, aba’y iisa ang may-ari at nagpapatakbo ng kumpanya. Kaya’t payo ng mga kurimaw sa mahilig gumala, mas makakabuting iwasan ang Trinoma at pagtiyagaan ang katabing department store, kung hindi, aba’y ‘shop at your own risk’ sa Trinoma Mall! (www.mgakurimaw.blogspot.com)

Monday, March 30, 2009

march 30 2009 abante tonite

Solon nagpaka-tuta para kay misis­
(Rey Marfil)

Ang pagiging ‘dagain’ ng dibdib ang malaking rason kung bakit inaabuso ng isang bagitong miyembro ng Kongreso ang kapangyarihan at makinarya ng gobyerno, kasunod ang pagkakadiskubreng isang ‘heavyweight’ sa 2010 national elections ang makakabangga ng misis nito.

Sa report na nakalap ng TONITE Spy, mas lalo pang pinagtibay ng bagitong solon ang pagsipsip sa isang mayamang pulitiko kahit nagmumukhang katawa-tawa sa mata ng publiko para lamang maipanalo ang kanyang esposa sa 2010 elections, gamit ang makinarya ng huli.

Bagama’t magkapareho lamang ng trabaho, as in magka-level ng katungkulan sa gobyerno, nagsisilbing ‘spokesman’ at ka-double ng mayamang pulitiko ang bagitong solon dahil walang ibang matatakbuhan sa 2010 elections ang pamilya nito.

Napakaraming salapi ng mayamang pulitiko kung kaya’t halos himurin ng bagitong solon ang tumbong ng kasamahang mambabatas basta’t masiguro lamang na mabibigyan ng malaking pondo ang kanyang esposa lalo pa’t multi-bilyon ang naisubi at nanakaw ni Go­vernment official na maaa­ring gamitin sa 2010.

Dahil ‘all-out war’ ang Arroyo administration sa kabilang bakod, para kay Government official, nagla­lakihan ang mga ‘daga’ sa dibdib ng bagitong solon at halos umakyat ang dalawang balls sa kanyang lalamunan tuwing nababanggit ang mala-super power resources o makinarya ng makakalaban ng kanyang misis.

Katulad ng madalas usap-usapan sa kanto, inaasahang mauuwi sa ‘pera-pera’ ang labanan sa mayoralty race lalo pa’t sandamukal ang naipon at nakulimbat ni Government official kung kaya’t lahat ng paraan upang mapabango ang imahe ng kanyang misis, ito’y ginagawa ng bagitong solon kahit naaabuso ang government resources.

Clue: Iisa ang hugis at kulay nina Government official, mayamang pulitiko, at bagitong solon dahil parehong balimbin­g at hun­yango. Mabuti pa nga ang alagang si Moymoy, ito’y naturuan ni Voltaire Sa­galongos na mag-lay down kahit matagal nawalay sa amo kumpara sa bagitong solon na kinagat sa leeg ang lahat ng taong nagpa­kain at nagbigay ng masisilungan sa panahong bina­bagyo. Kung sino ang solon, ipagtanong kina Aling Matet at Lotlot. (www.mgakurimaw.blogspot.com)

Saturday, March 28, 2009

march 28 2009 abante tonite

Misis ng solon, nagpapaka- martir sa pulitika!
(Rey Marfil)

Taliwas sa ipinapakitang pagiging ‘sweet’ sa publiko kapag nainterbyu, sukdulan hanggang Pampanga ang pagka-bad trip ng mga kamag-anakan at kapamilya ng kanyang misis sa kunyong miyembro ng Kongreso, maging sa sari­ling kadugo ng mga ito.

Ang rason, hindi magawang layasan ng kanyang misis ang kunyong solon at nagbubulag-bulagan ang kanilang kapamilya sa harap-harapang panloloko at pangga­gamit ng kumag sa pulitika dito.

Sa report na nakalap ng TONITE Spy, matagal nang gumigewang ang ‘marriage life’ ng mag-asawa at paulit-ulit iniiya­kan ng kanyang misis ang mga problemang inaakyat sa kanilang bahay ng kun­yong solon, patunay ang makailang-beses na pagla­layas.

Ang matinding revela­tion sa lahat, pikit-mata ang misis ng kunyong solon sa lantarang panggagamit ng kanyang mister sa pulitika, pinakahuli ang pag-aambisyong umakyat sa mas mataas na posisyon ng kumag at pilit pang pina­palabas na maayos ang kanilang pagsasama para hindi masira ang imahe nito.

Kung susuriin ang mga deklarasyon ng kanyang misis sa nagdaang ilang buwan, malaki ang problema ng mag-asawa at hiwalay ng tulugan subalit ngayong nagbabalak sa mas mataas na posisyon ang kunyong solon, muling nagpapaka-plastik ang bebot, alang-alang sa kanilang mga anak lalo pa’t ‘prestige’ ang posisyong tatakbuhan ng kumag.

Kung makailang-beses naglayas at iniyakan ng kanyang misis ang mga kabulastugan ng kunyong solon, ganito rin kadami ang bantang makikipaghiwalay ang bebot subalit patuloy itong nagpapaka-martir.

Isa sa nakikitang rason kung bakit nagpapaka-martir ang misis ng kunyong solon, walang iba kundi ang pangambang ‘ma-take two’ sa pagkakamaling nagawa matapos pakasalan ang mambabatas at mala-Gary Valenciano sa kantang ‘Di na Natuto’.

Kahit sumisikip ang dibdib sa sama ng loob, pilit pinagtatakpan ng misis ng kunyong solon ang magulong marriage life kaya’t pilit nilulunok ang mga kabulastugan ng kanyang mister, kabilang ang pagkaka-asembol sa ibang bebot.

Clue: Kinasangkapan ng kunyong solon ang pag-aasawa para makapasok sa pulitika at saksakan ng kunat, katulad ng singaw na kornik. Ito’y meron letrang “S” sa pangalan. Kung senador o kongresista, ipagtanong sa mga nagtitinda ng binatog sa kalsada. (www.mgakurimaw.blogspot.com)

Friday, March 27, 2009

march 27 2009 abante

Presidentiable nagka- ‘black-eye’ sa out of town

Sa halip makakuha ng ‘pogi points,’ matinding kahihiyan ang inabot ng isang presidentiable matapos kuyugin at durugin ang kanyang pagkatao ng mga residente sa isang lalawigang dinalaw nito.


Bagama’t matinding kahihiyan at sangkaterbang ‘black-eye’ sa kandidatura ang inabot, hindi ito kinaawaan ni Mang Teban dahil sariling kapalpakan ang rason kung bakit napahiya at bugbog-sarado sa mga residente.


Halos hindi makabangon sa kahihiyang inabot ang presidentiable kapag pinagbatayan ang naglalakihang headline at editorial sa local newspaper, as in durog na durog at bugbog-sarado ang nabanggit at hindi umubra ang salaping pinakawalan para maharang ang mga batikos na natikman.


Nagtungo sa probinsiya ang presidentiable para makapagpa-pogi bilang preparasyon sa 2010 presidential election. Ngunit kahit isang puntos, walang nakuha ang presidentiable sa pagbisita sa lalawigan dahil banner sa lahat ng local newspaper o community paper kinabukasan ang ginawang kapalpakan.


Pintahan n’yo na: Pinapatulan ng presidentiable ang lahat ng survey at nagbabayad para mailagay ang pangalan sa winning circle.(www.mgakurimaw.blogspot.com)

Thursday, March 26, 2009

march 26 2009 abante tonite

Ang ‘pamana’ ni Lolo Manny!
Rey Marfil


Sadyang ‘napaka-busilak’ ng kalooban ni Securities and Exchange Commission (SEC) Commissioner Manuel Gaite, aba’y kung anong galante kay Senate witness Rodolfo ‘Jun’ Lozada Jr., at nagawang ‘pabaunan’ ng P500 libo para merong ipambili ng winter clothes dahil ginigi­naw habang nagtatago sa Hong Kong, kasagsagan ng broadband scandal, ganito rin ‘ka-dakila’ ang iniwang legal opinion bilang Deputy Executive Secretary. Ang resulta: nagkagulo ngayon sa National Printing Office (NPO) dahil ipinagba­wal ang contract bidding sa lahat ng security printers.

Kapag pinag-aralan ang ‘pamana’ ng galanteng si Lolo Manny, mauuwi sa ‘free for all fight’ ang corruption sa pagpapaimprenta ng mga security printers, aba’y ipapaubaya sa lahat ng local government units (LGUs). Hindi lang iyan, magiging inutil ang bagong NPO director sa lahat ng kontrata kaya’t malaking sampal kay ex-PNP comptroller Servando Hizon ang ‘legal opinion’ ng galanteng si Lolo Manny dahil tinanggalan ng kapangyarihan, as in ‘no touch’ sa mga printing contracts. Take note: karamihan sa iniimprenta ng NPO, ito’y accountable forms o security features kaya dapat lamang magkaroon ng ‘monitoring control’ para hindi magkaroon ng overprinting.

Sa madaling salita, lalo pang binuksan ng galanteng si Lolo Manny ang corruption sa NPO dahil hahayaan na lamang ang lahat ng mga local government units (LGUs) at iba pang ahensya ng pamahalaan sa pakikipag-usap sa sinumang security printers na nais nilang magpaimprenta ng kanilang mga dokumento.

Ibig sabihin, mawawala ang check and balance kapag meron direktang ugnayan ang LGUs at private printers. Kapag nagkaroon ng overprin-ting, mas lalong pinatindi ang corruption. Tandaan, bagsak ang imahe ng NPO kaya’t malaking hamon kay ex-Gen. Hizon ang corruption dito.
***
Napag-usapan ang Office of the Executive Secretary, ni sa panaginip ayaw isipin ng mga kurimaw sa presidential garden ang senaryong ipinuwesto ni Ta-ermits, as in Executive Secretary Eduardo Ermita si Hizon para gawing ‘Christmas tree’, as in dekorasyon dahil wala naman pa lang gagawin ang ex-PNP comptroller at manonood lamang habang pinagpapartehan ng mga gahamang private printers at local government units ang multi-bilyon pisong NPO printing contracts. Talagang nangangamoy-dayaan sa 2010 election!

Kundi nagkakamali ang Spy, walang konsultasyong ginawa sa hanay ng NPO officials ang galanteng si Lolo Manny, maging sa ilan pang stakeholders, as in bulag sa legal opinion na inilabas bago nagpalipat sa SEC. Kapag nagkabisa ang pamana ng galanteng si Lolo Manny, walang ibang makikinabang kundi ang mga security printers na ipina-blacklist. Kaya’t bumabalik sa alaala ng mga kurimaw sa NPO headquarters ang pagka-ban ng ilang printing firm.

Ngayong lumikha ng gulo ang legal opinion ng galanteng si Lolo Manny, ni sa panaginip ayokong isiping ‘sour grapping’ ang ilang printing firm kaya’t lahat ng paraan ay ginagawa para madiskaril ang gumagandang sistema sa NPO. Kung mga kurimaw ang adviser ni Hizon, irerekomenda ang habambuhay na pagpa-blacklist sa mga gahamang printing companies.

Mantakin n’yo, matapos pakinabangan ang NPO sa mahabang panahon, katulad sa pagkuha ng multi-milyon kontrata sa pag-iimprenta ng mga security forms, ito pa ang pinagdududahang nagpapakalat ng balitang ‘walang K’ ang NPO sa printing contracts. Anyway, hindi pa huli ang lahat. Legal opinion pa lang iyan kaya’t masusubukan kung hanggang saan ipaglalaban ni Hizon ang karapatan at tungkulin ng NPO! (www.mgakurimaw.blogspot.com)

Wednesday, March 25, 2009

march 25 2009 abante tonite

Baguio mansion, sinalaula ng misis ng solon (Last Part)
(RM)

Kung anong motibo sa pagkaka-convert ng Baguio mansion bilang ‘bahay-bakasyunan’ ng mga kapitbahay ng isang bagitong solon, walang iba kundi ang masidhing pagnanasang maiupong alkalde ang misis nito.

Sa report na nakalap ng TONITE Spy, animo’y asong nauulol ang bagitong solon dahil ‘tulo-laway’ sa kapangyarihang naipagkait sa kanilang pamilya sa mahabang panahon, partikular ang pagiging alkalde ng isang lungsod sa National Capital Region (NCR).

Tinangkang sungkitin ng isang namayapang kapamilya ang puwesto sa City Hall subalit hindi lamang basag na balut at namamahong penoy ang kinain nang makabangga ang isang political kingpin ng lungsod.

Dahil walang mapag­lagyan sa lungsod, nag-iba ng pinuntiryang puwesto ang namayapang kapamil­ya ng bagitong solon at masuwerteng nanalo subalit nag-iwan ng masamang legacy dahil nasangkot sa matinding eskandalo ito.

Ngayong unti-unting nakakalimutan ng mga constituents ang kinasangkutang eskandalo ng namayapang kapamilya ng bagitong senador, ipinupronta ng kumag ang kanyang esposa bilang mayoralty candidate ngayong 2010 national election.

Bagama’t walang masama sa pagtakbong alkalde ng kanyang esposa, isang simbulo ng political dynasty ang pamilya ng bagitong solon at pinakamasakit ang pang-aabuso sa resources ng gobyerno, katulad ang paggamit sa Baguio mansion para mapabango ang imahe ng misis nito.

Linggu-linggong nagbibitbit ng constituents sa Baguio City ang bagitong solon, kabilang ang iba’t ibang grupo ng mga political leaders at supporters bilang preparasyon sa pagtakbong alkalde ng kanyang misis.

Ang masakit sa lahat, sa pangunguna ng posibleng makaharap ng kanyang misis sa mayoralty race, mistulang binibili ng bagitong solon ang mga guro na magsisilbing bantay sa bilangan dahil binibigyan ng accommodation sa Baguio mansion at kargo ng kumag ang mga gastos nito.

Sa mga tinaguriang ‘row four’ o malapit sa basurahan, maituturing na napakalinis, napakagalante, napakabait at madaling lapitan ng bagitong solon dahil libreng pinapabiyahe at pinagbabakasyon sa Baguio mansion gayong pinapadama lamang bilang preparasyon sa 2010 election, kalakip ang hangaring mapaboran ang kandidatura ng misis nito.

Clue: Napakahunya­ngo sa pulitika ng bagitong solon at numero unong traidor sa hanay ng mga traidor, katulad ng ginawang pagsagpang sa leeg ng mga kaibigang nakatulong sa kandidatura nito. Kung senador, ito’y ipagtanong kina Aling Matet at Lotlot. (www.mgakurimaw.blogspot.com).

Tuesday, March 24, 2009

march 24 2009 abante tonite

Iyan ba ang mahina sa survey?
Rey Marfil


Kahit nagtapos lamang sa isang ‘mababang paaralan’, maintindihan kung bakit mas maagang nabuhay ang ‘Dacer-Corbito double murder case’ kaysa pag-aparisyon ni Kristo ngayong Semana Santa, isang malaking tinik sa lalamunan ng misis ni Jose Pidal si opposition senator Panfilo ‘Ping’ Lacson sa 2010 election at kapag naupo sa Malacañang, hindi lang ‘paglulubid ng buhangin’ ang gagawin ni Atty. Jess Santos upang idepensa sa korte ang kanyang amo, eh baka pati lahar sa Pampanga at mabahong hangin sa Ilog Pasig, ito’y kausapin ng makatang abogado sa dami ng eskandalong sinabitan ng mag-asawang Arroyo.

Kung may pinakamasaya ngayong panahon, hindi lamang ang mag-amang Jose Pidal at Lion King kundi si ousted Se­nate President Manny Villar Jr., aba’y nawawala sa eksena ang ‘double insertion’. At bago nga naman mai-publish sa peryodiko ang panuntunan o rules ng ethics committee sa gagawing imbestigasyon, marami pang magsusulputang pag-atake kay Lacson.

Ang malaking problema ni Villar, hindi lang double insertion ang hot issue kundi ‘conflict of interest’ at konektado sa presidential ambitions ito. Kahit nakuha sa sipag at tiyaga ang lahat ng ari-ariang naipundar, katulad ng kanyang pre-campaign ads, mahirap ipaliwanag sa botante kung bakit mga pag-aaring subdibisyon ang dinaanan ng mga kalsada, katulad ng nangyari sa C-5.

Hindi natin babanggitin ang pangalan, isa sa kalaban ni Lacson sa 2010 election ang kumpirmadong ‘gumagalaw’ para palakihin sa media ang Mancao story, gamit ang isang ‘bossing’ ng radio station. Kundi nagkakamali ang Spy, mismong presidentiable ang nagpasok kay ‘bossing’ sa radio station at may buwanang payola sa kanyang office ito, maging ang iba pang kaalyadong anchor. Hindi lang iyan, sumawsaw rin ang presidentiable sa “Mancao negotiation”. Ibig sabihin, hindi lamang Malacañang ang kalaban ni Lacson ngayong panahon, aba’y nagsasama-sama ang mga nasagasaan sa anti-corruption drive at tinamaan ng expose sa Upper House.
***
Napag-usapan ang 2010, ipinagtataka ng mga kurimaw kung bakit kailangan pang wasakin si Lacson at buhayin ang Dacer-Corbito case kung sa tingin ni Mrs. Arroyo, ito’y mahina sa survey. Kung hindi banta si Lacson sa administration candidate, katulad ng gustong palabasin ng Pulse Asia at Social Weather Station (SWS), bakit pagkaka-interesan ang senador, maliban kung iba ang nakalista sa inisponsorang internal survey kaya’t mapa-praning sina ex-General Reynaldo Berroya. DOJ Sec. Raul Gonzalez at ISAFP chief Romeo Prestoza, sampu ng PMA Class ‘78 na kinabibilangan ni Mrs. Arroyo? Balikan ang laman ng mga peryodiko, simula 2001 hanggang 2003 bago tumakbo si Lacson noong 2004 national election, hindi ba’t replay ang Dacer-Corbito nga­yong taon (2009) dahil nalalapit ang 2010?

Kung No. 7 si Lacson, katulad sa huling Pulse Asia survey, bakit gumastos ng milyones ang gobyerno at tumayong ‘producer’ sa ‘Mancao teleserye’. Isipin n’yo, ilang prepaid card o load ang binili ni Prestoza noong Setyembre 2007 para kumbinsihin si Colonel Cesar Mancao, aba’y ginto ang US call. Take note: 20 minutes binuladas ni Prestoza si Mancao sa cellular phone, hindi pa kasama ang reinstatement sa PNP.

At malaking katarantaduhan kung walang perang ina­lok lalo pa’t hindi naman kaagad makakapagtrabaho pag-uwi ng Pilipinas dahil nakakulong ito? Hindi lang iyan, ilang NBI agents ang ipinadala ni Gonzalez para kausapin at sunduin sina Mancao at ex-Colonel Glenn Dumlao, alangang lib­re ang biyahe at pagtira sa hotel ng mga ito?

Alam ng lahat, matindi ang takot ni Mrs. Arroyo kapag naupo si Lacson sa palasyo subalit mahirap paniwalaang mahina sa survey ang senador dahil ginagastusan ng milyones para madurog ang pagkatao at bakit sa ibang presidentiable ‘deadmatic’ ang First Family? Isang reliable source ang nagkumpirmang meron internal survey ang palasyo at nasa top 3 si Lacson, kasama sina Erap (No. 1) Noli (No. 2), Villar (No. 4), Loren (No. 5), Chiz (No. 6), at Mar (No. 7).

Maging sa internal survey ng isang napakalaking religious group, nangu­nguna si Erap, kasunod sina Noli (No. 2), Ping (No. 3), Villar (No. 4), Loren (No. 5), Chiz (No. 6) at Mar (No. 7). Pansinin ang Dacer-Corbito case, hindi ba’t sina Lacson at Estrada ang puntirya ng grupo ni Gonzalez. Kapag nawasak sina Lacson at Estrada, sinong makikinabang, hindi ba’t ka-tropa at ka-done deal sa 2010? (www.mgakurimaw.blogspot.com)

Monday, March 23, 2009

march 23 2009 abante tonite

Baguio mansion, ginawang bakasyunan
ng mga kapitbahay ng solon (Part 1)
(Rey Marfil)

Kung anong ingay laban sa corruption at kinasangkapan ang pagiging ma­li­nis para maipanalo ang kandidatura noong 2007 elections, hindi lamang nilunok, bagkus ay kinain lahat ng isang mi­yembro ng Kongreso ang mga masasamang salitang binitawan laban sa kasalukuyang admi­nistrasyon.

Ang rason, kasing-kulay ng mga inaaku­sahang tiwali sa gobyerno ang pagkatao ng isang bagitong solon matapos ariin ang mansion sa Baguio, as in malinis ang kalooban su­balit maitim din ang budhi, katulad ng mga nakakaaway sa administrasyong Arroyo.

Sa report na nakalap ng TONITE Spy, mistulang pagmamay-ari ngayon ng bagitong solon ang mansion sa Baguio City na nakalaan sa mga mi­yembro ng Dalawang Kapulungan ng Kongreso dahil walang sinuman sa kasamahang mambabatas ang maka­singit o makapag-overtake para magpa-iskedyul ng bakasyon dito.

Sa halip na mga kapa­milya, katulad ng asawa, anak o kaya’y iba pang kamag-anakan ng mambabatas ang gumagamit ng mansion sa Baguio, alinsunod sa patakaran ng gobyerno, mistulang bahay-bakasyunan ito ng buong barangay at kapitbahay ng bagitong solon.

Halos linggu-linggo, hindi mabakante ang “Baguio mansion” at pawang kalu­gar ng bagitong solon ang nagkalat sa lungsod kung saan inaabuso ng kumag ang kapangyarihang ipinagkaloob ng publiko dahil libre ang pagtira ng mga constituents, maging ang paggamit ng mga pasilidad, gamit ang pa­ngalan nito.

Sa unang tingin, mapag­kakamalan pang lehitimong pagmamay-ari ng pamilya ng bagitong solon ang mansion sa Baguio dahil linggu-linggong nag-e-excursion ang mga kapitbahay na pinagkakautangan nito ng boto at halos iisang pangalan ang nakalistang naka-reserve o gumagamit sa lugar, alinsunod sa tala ng tumatayong caretaker nito.

Ang labis ikinasusuka ng mga kurimaw, hindi man lamang inisip ng bagitong solon ang napakalaking gastusin ni Juan dela Cruz ngayong nahaharap sa financial crisis ang buong mundo dahil kargo ng gobyerno ang bawat sen­timo, katulad ng bayad sa kuryente at iba pang pasilidad sa Baguio mansion.

Dahil miyembro ng Kongreso, awtomatikong binibigyan ng kapangyari­han at karapatan ang bagitong solon na gumamit sa pasilidad ng gobyerno, katulad ang pag-aaring mansion sa Baguio City subalit nakakalungkot isiping inaabuso nito para lamang mapaboran ang political career ng isa sa kapamilya.

Clue: Kung senador o kongresista, abangan sa Miyerkules ang karugtong at kung bakit inaabuso ang mansion sa Baguio. (www.mgakurimaw.blogspot.com)


Saturday, March 21, 2009

march 21 2009 abante tonite

4 senador naduwag kay Jalosjos
(Rey Marfil)

Kung anong ingay at bilis sumakay sa mga naglalakihang isyu, naduwag ang apat miyembro ng Upper House sa paglaya ni ex-Zamboanga del Norte Congressman Romeo Jalosjos, kalakip ang pangambang masaktan ang kalooban ng ex-con solon lalo pa’t nakatulong sa kanilang kandidatura ito.

Isang araw bago palayain si Jalosjos, hiningan ng komento ang apat na senador subalit tumangging magbigay ng reaksyon at inaming nakatulong ang ex-convict sa nagdaang eleksyon.

Sa harap ng TONITE Spy, inamin ng unang senador ang malaking naitulong ni Jalosjos sa kanyang kandidatura at kahit naghihimas ng rehas sa New Bilibid Prisons (NBP), nakapagdeliber ng boto sa nagdaang dalawang senatorial election ang ex-con solon.

Kilalang ‘kingpin’ sa Zamboanga si Jalosjos, as in pinanghahawakan ng mga botante ang salita sa kanyang distrito kung kaya’t panalo ang sinumang senador o kandidatong pinangakuan ng suporta kada eleksyon kahit pa nakabilanggo ito.

Katulad sa naunang depensa ng unang senador, naduwag din magbigay ng reaksyon sa paglaya ni Jalosjos ang ikalawang senador.

Maliban sa nakatulong sa senador ang pamilya ni Jalosjos, naka-iskedyul tumulak ng Zamboanga ang mambabatas ngayong linggo kaya’t natatakot itong magbigay ng negatibong komento lalo pa’t posible itong ikasama ng loob ng ex-con solon.

Habang ang ikatlo at ika-apat na senador, nakiusap na huwag nang hingan ng komento sa paglaya ni Jalosjos via off the record at inirason ang pagiging dating magkakasama sa Lower House, kalakip ang depensang karapatan ng ex-congressman na mabigyan ng ikalawang pagkakataon o second chance sa buhay.

Clue: Katropa ni Jalosjos ang ama ng ikalawang senador sa Lower House at nakasama rin ng ex-con solon ang huling tatlong senador. Merong initial na J, M, R at N ang apat na senador. (www.mgakurimaw.blogspot.com)

Friday, March 20, 2009

march 20 2009 abante

Lady solon, nagpalit ng media handler

Sa dami ng mediamen na nakakaaway, isang mi­yembro ng Upper House ang nagpalit ng media handler upang maibangon ang masamang imahe at mailapit ang sarili sa mga mamamahayag.


Sa halip kaawaan, pinagtatawanan ni Mang Teban sa panibagong diskarte ang matapobreng lady solon dahil mistulang inamin ang naunang kasalanang nagawa sa mga mediamen tulad ng pagturing bilang mga patay gutom.


Dahil tatakbo ngayong 2010 elections at isa sa reelekyunista, walang ibang choice ang solon kundi makipag-ayos sa mga mediamen na nakabanggaan at nakasamaan ng loob.


Pintahan niyo na: Iyakin ang matapobreng lady solon at madalas napapaaway sa session hall dahil matalas ang dila. (www.mgakurimaw.blogspot.com)

Thursday, March 19, 2009

march 19 2009 abante tonite


Ang forecast!
Rey Marfil


Bagama’t pinaikli ng Comelec ang deadline sa filing of candidacy ngayong Nobyembre 30, marami pang senaryo kung sino ang magkaka-tandem bago magsimula ang kampanya sa Enero 2010. ‘Ika nga ng namayapang si Francis M, ‘ang magkaaway, magkakabati’ kaya’t expected ang pagsasanib-puwersa ng ilang presidential candidates. At kapag ‘tumining’ ang tubig sa huling linggo ng Disyembre, magkakaalaman kung sino ang lehitimong magkakampi at nakipag-done deal sa kasalukuyang occupant ng presidential residence.

Sa ‘forecast’ ng Spy, hindi lamang “Erap-Loren” ang posibleng magsanib sa 2010, as in ‘Two things’ ang puwedeng gawin ng magka-tropang Manny Villar at Noli De Castro -- ito’y magsasama sa Nacionalista Party (NP), maging sina Ping Lacson at Mar Roxas sa Liberal Party. Ang tanong lamang: sino ang ‘bibigay’ bilang vice president? Tandaan: segurista ang boypren ni Ate Koring kaya’t posibleng mag-reelect at puntiryahin ang Senate Presidency kung bagsak sa presidential survey. Ang puwedeng gawin ni Mr. Palengke, patakbuhin, sinuman sa mag-utol -- sina Senator Noynoy at Kris Aquino bilang vice president, at least nakakumpleto ng ticket ang Liberal Party (LP). Kapag mauwi sa ‘Ping-Kris’ ang LP, siguradong dadagain si Senator Chiz sa bunsong anak ni Tita Cory. Anyway, HOPE ang campaign slogan ni Senator Ping noong 2007, ito’y familiar kay Papa James, kahit itanong n’yo pa sa ex-staff ng Belo Medical Group!

Sa ngayon, suntok sa buwan ang pagtakbo ng kaibigang matalik ni Edong Angara bilang Presidente kaya’t asahang didikit kay Erapsky si Loren Sinta hanggang sa dulo ng walang hanggan lalo pa’t liyamado sa nominasyon ng Nationalist People’s Coalition (NPC) ang inaanak sa kasal -- si Senator Chiz. Kung merong pinaka-masuwerte ngayong 2010 election, walang iba kundi ang mag-ninang dahil parehong winnable sa vice president. Huwag lang lumaki ang ulo ni Chiz, ito’y runaway winner bilang kapalit ni Uncle Noli. Ang problema lamang ni Loren Sinta kapag napiling NPC standard bearer, paano babasagin ang napakalaking adobeng iiwan ng ina ni Lion King lalo pa’t bad trip sa babaeng Presidente ang mga botante.
***
Napag-usapan si Erap, ayokong isiping mautak ang ex-wife ni murder convict Tony Leviste, kapag natuloy ang tambalang ‘Erap-Loren’, ito’y malakas bilang vice president at kahit madiskuwalipika ang ka-partner, posibleng ipalit kay Erapsky, maliban kung humingi ng substitution ang ex-President sa Comelec at papasukin si Jinggoy Estrada sa final campaign trail bilang standard bearer. Ibig sabihin: ‘win-win situation’ ang Estrada family at puwedeng palitan ni Mayor JV sa senatorial race ang kanyang half-brother kahit tumatakbo sa congressional district. Tandaan: Estrada pa rin ang surname!

Kahit sino pang nabinyagang Bentot at Balut sa San Juan ang tanungin ni Mayor JV, nalalaman ang pagtakbong alkalde ng inang si Guia Gomez ngayong 2010. Kapag nagkaroon ng substitution sa Presidente at senatorial slate, puwedeng palitan ng misis ni Jinggoy (Precy) sa pagka-Congressman si Mayor JV, maliban kundi interesado si Dra. Loi makipag-jamming sa mga alaga ni Crocodile Dundee sa House of Representatives? Take note: si Precy ang ‘minamanok’ ng gumaguwapong si Jinggoy bilang alkalde subalit nanaig ang desisyon ng ama at napagkasunduang ipaubaya kay Lola Guia ang mayoralty race. Kapag nangyari ito, aba’y ‘win-win’ pa rin dahil mababawasan ang iringan ng 2 families ni Erapsky!

Kaya’t ang panalangin ng mga kurimaw sa Upper House, sana matulad sa ‘weather forecast’ ng Philippines Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ang presidential scenario ng Spy. Mantakin n’yo, maghapong umulan noong Martes gayong ‘summer heat is back’ ang forecast ng PAGASA? Ang resulta: hindi pawis kundi nabasa ng ulan si PDI reporter Mike Ubac sa parking area habang paakyat ng press working area. Kaya’t hindi maalis ang pagdududang humihirit ng panibagong pondo ang PAGASA at sinasadyang baliktarin ang forecast, maliban kung maling bituin ang napagtanungan sa kalangitan at bolang kristal ni Madam Auring ang hinihimas ni Nathaniel Cruz sa kanyang opisina kaya’t sabit-sabit ang mga hula? Sabagay, kailan ba tumama ang PAGASA! (www.mgakurimaw.blogspot.com)

Wednesday, March 18, 2009

march 18 2009 abante tonite

Gov’t facility ginawang hotel ng presidentiable
(Rey Marfil)

Kung gaano ka-despera­dong tumakbo sa 2010 national election, ganito rin ka-dupang sa paggamit ng mga government facilities ang isang nagkukunwa­ring presidentiable, patunay ang pagsasamantala at pang-aabuso sa resources ng gobyerno.

Sa report na nakalap ng TONITE Spy, mula sa kaliit-liitang bahagi ng govern­ment offices hanggang pinakamalaking pasi­lidad ng opisinang nasa pangangasiwa ng nagkukunwaring presidentiable, ito’y ginagamit ng kumag para itulak ang presidential ambitions.

Ang pinakamatinding revelation sa lahat, ginawang hotel ng nagkukunyaring presidentiable ang isa sa malaking go­vernment facilities sa kanyang distrito, animo’y pag-aari ang lugar ga­yong buwis ng taong bayan at constituents ang nagbabayad nito.

Kung maluwag sa paggastos ang ilang presidentiable sa maagang pag-iikot at pangangampanya, ipinasa ng nagkukunya­ring presidentiable ang lahat ng gastusin sa gobyerno, as in na-convert bilang sariling hotel ang pasilidad.

Simula nang ambis­yunin ang pagtakbong Pre­sidente, kung sinu-sinong Pontio Pilato, katulad ng mga political organizer, grupo ng mga public school teachers ang pinaluluwas ng Maynila ng nagkukunyaring presidentiable mula sa malala­yong probinsya.

Sa halip i-check in sa mga hotel sa Metro Manila ang mga bisita, nagtitipid ang nagkukunwaring presi­dentiable at ipinakargo sa gobyerno ang lahat ng gastusin ng mga bisita o iniimbitahang political organizer at grupo ng public school teachers.

Halos punuan kada ling­go ang government facilities na nasa control ng nagkukunyaring presidential, pinakamahina ang 150 hanggang 200 katao na naka-check in kung saan libre ang pagkain at iba pang services, hindi pa kabilang ang ‘pabaon’ at pamasahe sa eroplano na ibinibigay ng kumag na kinukuha sa pondo ng gobyerno.

Sa kuwenta ng mga nag­lipanang kurimaw sa Pasig River, humigit-kumulang P500 libo kada linggo ang nakalistang ginagastos ng nagkukunwaring presidentiable kung saan kinakargo ng government facilities, as in nauuwi sa charge to experience ang pagliliwaliw ng mga bi­sita nito.

Clue: Walang tatalo sa fighting spirit ng nagkukunwaring presidentiable at sobrang bilib sa sarili. Ito’y isinusuka ng mahihirap. Abangan ang susunod na kabanata. (www.mgakurimaw.blogspot.com)

Tuesday, March 17, 2009

march 17 2009 abante tonite

May sidewalk pa!
Rey Marfil


Nauwi sa away-pamil­ya ang kinukuwestyong konstruksyon ng ‘high-rise building’ sa Quezon City na pinakialaman ni Donya Consuelo, as in Senator Maria Ana Consuelo Madrigal-Valade, alyas Jamby, pinaka-latest ang pamumudmod ng sulat ni Mrs. Consuelo D. Sison sa bawat tanggapan ng senador noong Marso 10. Kundi nagkakamali ang Spy, tiyahin ng misis ni PO1 Eric Valade ang matandang Consuelo at lola ni QC Councilor Bong Suntay na nagkabanggaan sa Quezon City session hall noong Marso 6 ito. Ibig sabihin, iisang compound ang pinagmulan ng angkan subalit ngayo’y nagkakaupakan sa high-rise building kaya’t ang multi-milyong katanungan ng mga kurimaw kay Suntay, anong makukuha para itulak ang proyektong ito?

Maikli ang sulat ng matandang Consuelo subalit lumalatay sa kalamnan ang nilalaman, pinakamasakit ang “P.S.”, animo’y magsasabi ng “I Love You” iyon pala’y lalaitin at isusumpa kung bakit naging ka-dugo ang lady solon, gamit ang katagang “We can choose our friends but not our re­latives,” hindi bale ang litanyang “By the behavior you showed us, we in Quezon City will think twice putting you again in the Se­nate. Maybe you should be a kagawad in your barangay first and learn a few things from them.” ‘Ika nga ng Senate media ‘parang resurrection ng ‘low life issue’. Ang tanong lamang ng mga kurimaw, kaya pa bang sumulat at mag-email ng matandang Consuelo, aba’y 88 ang edad na naka-indicate sa ilalim ng pangalan nito?

***
Hindi dapat pagpapaniwalaan ng publiko ang nilikhang gulo ng Lakas-CMD sa pagkakabura ng pangalan ng ‘bayaning isinusuka ng mga vendor’ bilang pre­sidentiable. Sa madaling sali­ta, ‘dalawang ibon sa isang putok’ ang puntirya ni Migz Zubiri. Maaaring lehitimong burado sa presidential list si MMDA chairman Bayani Fernando subalit kapag kinaawaan ng publiko, posibleng umangat ang popularity rating nito. Pansinin, hindi ba’t walang tigil sa pagpapa-interbyu at ikino-contest ang deklarasyon ni Papah Migz? Ang tanong lamang: meron pa bang itataas si Fernando at sa tingin ng mga kurimaw sa Pasig River, kahit ilan pang eleva­ted shoes mula Marikina ang isuot, hindi magbabago ang rating ni Fernando. Ang kagandahan lang, consistent sa 2% si BF!

Tanging kapuri-puri kay BF, sobrang lakas ng figh-ting spirit at walang pakia-lam sa resulta ng presidential survey. Sabagay, ilang presidentiable na nasa winning circle ang gumagastos ng milyones sa ‘guided questionnaire’. Take note: mismong Pulse Asia at SWS, tumatanggap ng rider question sa sinumang mag-sponsor ng survey kaya’t may katwiran si BF magmarakulyo. At least, nakaganti ang mga nabambong vendor dahil mas masakit sa mga natikmang pasa at bukol ng mga taga-Baclaran at iba pang nagtitinda sa sidewalk ang pagkakabura sa pangalan ni BF bilang presidentiable!

Sa kabilang banda, hindi dapat mawalan ng pag-asa si BF. Malay n’yo, magka-himala at ‘magka-Lakas tama’ ang Executive Committee. Kundi uubrang standard bearer sa 2010 at ‘tinuluyan’ ng Lakas-CMD, bakit hindi subukan ni BF ang tumakbo sa homeowners association o kaya’y Presidente ng isang dance group, aba’y kailangan nating buhayin ang makalumang sayaw ni Bayani Casimiro, katulad ng iniwang legacy ni ‘Francis M’ -- ang pagiging makabayan at nasyonalismo. Kundi pa kuntento si BF, mas makakabuting kausapin si Santino, malay n’yo ‘May bukas pa’. Ang problema lamang ni BF, baka umagahin sa kahihintay at kahit sidewalk, wala ng babalikan pa!
Anyway, wala pang nanalong junior sa kasaysayan ng Pilipinas, as in minalas lahat, katulad nina ex-House Speaker Ramon Mitra Jr. (1992), Jose de Venecia Jr. (1998), at Fernando Poe Jr. (2004). Maging si ex-senator Benigno Aquino Jr., hindi ba’t nadisgrasya kaya’t ipinalit si ex-President Cory Aquino noong 1986? Kung ‘bad omen’ sa presidential race ang pagiging junior, abangan ang pagsasalang nina Vice President Manuel De Castro Jr., at dating Senate President Manuel Villar Jr., sa 2010 election! (www.mgakurimaw.blogspot.com)

Monday, March 16, 2009

march 16 2009 abante tonite

Lady solon, pikon sa sariling palayaw
(Rey Marfil)

Sa halip ikatuwa ang magandang palayaw o naging ‘binyag’ sa pulitika, sukdulan hanggang Visayas region ang matinding pagkapikon ng isang primadonang lady solon kapag nababanggit ito.
Ang rason, nauwi sa katatawanan ang palayaw ng primadonang lady solon kung kaya’t pikon-talo kapag nasusulat ang naging binyag sa pulitika, patunay ang harap-harapang pagrereklamo sa kapwa solon nito.
Sa report na nakalap ng TONITE Spy, hindi lamang abot ng Panay province ang pagkapikon ng primadonang lady solon tuwing masusulat ang kanyang palayaw sa dyaryo, hindi dahil nasasagwaan ang mokang, bagkus sa mga katagang idinudugtong dito.
Kung susuriin ang palayaw ng primadonang lady solon, ito’y sakto sa kanyang pagkatao at walang dapat ikapikon subalit napapasama kapag nadudugtungan sa dulo, as in nagiging haliparot ang ‘arrive’ ng mambabatas sa kuwento.
Hindi naman maiwasang magtaas ng kilay ng mga naglipanang kurimaw sa GSIS compound dahil walang karapatang magalit ang primadong lady solon kung magmukhang haliparot sa kanyang palayaw lalo pa’t nakarelasyon ang kauring mambabatas nito.
Isinalin sa folk song ang palayaw ng primadonang lady solon, ito’y madaling matandaan ng grade 1 pupil, as in hindi kailangan pang i-memorize ng mga nasa grade school dahil naituturo sa bahay ito.
Ang pagkakasalin sa palayaw ng primadonang lady solon mula sa isang sikat na folk song ang rason kung bakit namayagpag sa pulitika ang mokang, as in naging kasangkapan ang ‘tunog-bakya’ nitong campaign jingle at commercials kaya’t humamig ng malaking boto kada eleksyon.
Sa halip ipagpasalamat ang pagsikat ng kanyang palayaw bilang ‘tunog-bakya’ at pang-elementary school ang himig, nagagalit ang primadong lady solon kapag naisusulat sa mga kolum dahil nabibigyan ng malisya ang dulo ng bansag dito.
Higit sa lahat, ikinakapikon ng primadonang lady solon ang paglalagay ng ibang kahulugan sa kanyang campaign jingle o political commercials, katulad ang senaryong nabigatan sa kanyang dala, as in kumita ng limpak-limpak tuwing eleksyon kaya’t nabali ang sanga.
Clue: Walang tatalo sa primadonang lady solon kung pagiging ‘Tupperware’ ang pag-uusapan, as in nasobrahan sa pagiging polite kaya’t nauwi sa plastic. Ito’y meron letrang ‘A’ sa apelyido, as in Ang hilig sa “20% discount”, as in senior citizen ang paborito. Kung senadora o congresswoman, abangan sa 2010 national elections (www.mgakurimaw.blogspot.com).

Saturday, March 14, 2009

march 14 2009 abante tonitte

Lady solon isinumpa ng buong angkan!
(Rey Marfil)

Kung merong pinagsisihan ang buong angkan ng isang pulitiko sa Pilipinas, walang iba kundi ang araw ng kapanganakan ng isang miyembro ng Kongreso, partikular ang pagkakaroon ng bloodline dito.
Sa report na nakalap ng TONITE Spy, sukdulan hanggang Bicol region ang nararamdamang galit sa matapobreng lady solon ng sariling kamag-anakan at kauring-konyo matapos barahin ang diskarte ng mga ito.
Nag-ugat ang galit ng mga kamag-anakan sa matapobreng lady solon matapos makialam ang mambabatas sa isang ‘land dispute’ at harap-harapang hiyain sa publiko ang sari­ling kadugo na nagtutulak sa interes ng mga maimpluwensyang negosyante.
Sa tindi ng galit, nagawa pang magsumbong ng mga kamag-anakan ng matapobreng lady solon sa lahat ng mga katropa ng mambabatas, katulad ang pagpapakalat ng sulat at kung anu-anong pang-iinsulto sa pagkatao nito.
Ang matinding reve­lation sa lahat, sariling ‘tiyahin’ ng matapobreng lady solon ang nagpapakalat ng malisyosong sulat at pag-atake laban sa mambabatas kung saan ipinagtatanggol ang isa sa kapamilya na naunang nakabangga nito.
Sa isang forum, pinahiya ng matapobreng lady solon ang isang kapamil­yang nagtutulak sa interes ng maimpluwensyang negosyante, patunay ang pagkastigo sa pagiging dupang, gamit ang katagang ‘shame on you’.
Hindi nagustuhan ng mga kapamilya ng matapobreng lady solon ang ginawang panghihiya sa sa­riling kadugo kung kaya’t nauwi sa kampihan ang labanan ng mga magkakamag-anakan, kahalintulad din sa partehan ng lupain gayong iisang compound lamang ang inuuwian.
Tanging magandang pabor na nakuha ng matapobreng lady solon, ito’y kakampi ng mga nakakara­ming biktima sa pinagtatalunang problema sa lupa kumpara sa mga kamag-anakang nakaaway na mabibilang lamang sa darili.
Ang malaking problema lamang ng matapobreng lady solon, walang iba kundi ang mawalan ng campaign fund o donasyon lalo pa’t nangangarap makahirit ng panibagong termino sa 2010 national elections at posibleng tablahin ng mga maya­yamang kamag-anakan, maliban kung magbebenta ng lupain ngayong naubos ang ipinamana rito.
Clue: Hindi kuwestyon ang tapang ng matapob­reng lady solon subalit madalas sablay ang diskarte at hirit sa session hall, maging sa media interview para magpabango ng image kung kaya’t napapahamak ito. Kung senador o kongresista, itanong n’yo kay Lynda Jumilla ng ABS-CBN kung nagkapatawaran na ang mga ito. (www.mgakurimaw.blogspot.com).

Friday, March 13, 2009

march 13 2009 abante

Gamit ng senador, inaalikabok sa session hall

Katulad ng matandang sanga, sadyang wala ng pag-asa pang maituwid ang pagiging bulakbol at pagiging ‘iskul-bukol’ ng isang miyembro ng Upper House, patunay ang makapal na alikabok sa ilalim ng kanyang lamesa.


Ang pinakamalupit, napintahan ni Mang Teban sa kagamitan ng maaksyong senador, ang librong nagsisilbing Bibliya ng bawat mi­yembro ng Upper House na namumutiktik sa alikabok.


Mas lalo pang napatunayang hindi nagbubuklat ng notebook ang senador dahil makapal ang ali­kabok ng mga kagamitan sa session hall, animo’y estudyanteng ‘iskul-bukol’ na nakasukbit ang kuwaderno sa likurang bulsa nito.


Ang nakakatawa sa lahat, hindi man lamang nasayaran ng daliri ng nasabing solon ang lib­retang ipinagkaloob, partikular ang Senate rules dahil puwede nang sulatan sa kapal ng alikabok.


Pintahan niyo na: Hindi matatawaran ang kabaitan ng maaksyong senador kaya habulin ng mga tsikas at maraming tsiks ang nalalaglagan ng panloob, patunay ang pagkaka-asembol sa isang modelo.(www.mgakurimaw.blogspot.com)

Thursday, March 12, 2009

march 12 2009 abante tonite

Walang awa na, nagtipid pa!
Rey Marfil


Sa record ng Upper House, as of March 4, 2009, pinakamaraming naisumiteng proposed bill at resolution si Aling Miriam (933). Ang dalawang kulelat -- sina Joker Arroyo (11) at katukayo ni Joselito Cayetano (24). Kaya’t huwag ismolin si Senador Lito Lapid kahit inaalikabok ang Tagalog-version ng Senate rules, aba’y 196 ang naihaing bills at resolution ni Leon Guerrero. Partida pa iyan, ito’y bihirang makita sa session hall subalit 86 ang nakalistang principal sponsor.
Hindi lang iyan, mas masipag mag-file si Senador A­ntonio Trillanes kumpara sa utol at ilang katropa sa mino­rity bloc ng katukayo ni Joselito. Naghihimas pa ng rehas sa PNP Custodial Center si Sonny subalit nakapagtala ng 261 bills. ‘Di hamak kasing-layo ng Camp Crame ang kalama­ngan kumpara sa 87 bills ni Mr. Noted, as in Francis Pangilinan at 114 bills ni Pia Cayetano gayong araw-araw pumapasok. Paano pa kaya kung nakakalaya si Sonny, sigu­radong kakain ng alikabok sa padamihan ng bills. Kaya’t napapanahon ang tele­conferencing upang mapakinabangan ang talent ni Sonny sa lawmaking!
Ni sa panagip, ayokong isiping magaling lamang sa pagdaldal ang katukayo ni Joselito at gumawa ng gimik para kaawaan ng publiko sa pang-aapi ng kanyang Tito Mike kaya’t nanalo noong 2007 mid-term election. ‘Ika nga ni Aling Matet habang namamasyal sa Cartimar at hila-hila ang alagang askal, ‘hindi nagsisinungaling ang ebidensya’. Kahit i-check n’yo pa ang record ng Indexing and Monitoring Section, Legislative Bills and Index Service sa Upper House!
***
Kahit pakyawin ni Celso delos Angeles ang malala­king PR group, hindi mababago ang katotohanang gi­namit sa pansariling interes ang pondo ng Legacy Conso­lidated Group at pinagkakitaan ang pre-need plan­holders, sampu ng bank depositors. Ang lingid sa kaalaman ng publiko, maraming isyung hindi nabuksan sa Legacy probe ng Upper House, katulad ang pagtanggap ng P300 libong allowance ng isang talunang pulitiko noong 2007 elections. Siguro naman sakto ang orasan ni Mr. Palengke para matumbok ang talunang poli­tician, ma­liban kung press release lang ang “Oras Na campaign slogan”, as in dispalinghado ang baterya o kaya’y bu­ma­liko ang long hand kapag pumatak sa pangalan ng talunang opisyal!
Maliban sa talunang pulitikong tumatanggap diumano ng buwanang P300 libong bayad mula Legacy Group, pati pangsustento sa kanyang mistress, as in espot o kabit, ikinarga ng isang incumbent government official sa kumpanya ni Mang Celso. Mantakin n’yo, hindi man lamang kinilabutan o nakonsensiya si incumbent official lalo pa’t dugo’t pawis ang ipinuhunan ng mga mahihirap sa Legacy Group. Isi­pin n’yo, nagpapakasarap si incumbent official subalit buong planholders at bank depositors ang nagpatak-patak sa monthly allowance ng kanyang bebot. At lumalabas pang tinipid ang kanyang mistress gayong multi-milyon ang naisusu­bing komisyon sa mga proyekto ng kumag.
Maliban sa ‘daang libong’ sustento kada buwan mula sa Legacy Group, ipinagpatayo pa ng nightclub ang karelas­yong bebot. Kundi nagkakamali ang Spy, naa­sembolan ni incumbent official ang karelasyong bebot na nagtatamasa sa ‘daang libong’ sustento mula sa Legacy Group at 2 years old ang bata ngayon. Ang naka­kasukang katotohanan, pre-need planholders at bank depositors ng kumpanya ni Mang Celso ang nagpapakain sa ‘espot’ ni incumbent official. Ngayong nalalapit ang Semana Santa, hindi sapat ang pagpa-pako sa krus ni incumbent official kundi gayahin ang ginawa ni Hudas! (www.mgakurimaw.blogspot.com)

Wednesday, March 11, 2009

march 11 2009 abante tonite

Solon nanghipo ng elevator girl!
(Rey Marfil)

Sadyang walang patawad sa pagiging manyakis ang isang miyembro ng Kongreso, katulad ang nakahiligang pakia­laman at puntiryahin ang mga magagandang staff matapos panggigilan ang isang magandang elevator girl.
Nasaksihan ng TO­NITE Spy kung paano pagtripan ng matandang solon ang isang magandang elevator girl na naka-assign sa express lane, patunay ang ginawang pag­tsansing, as in pasimpleng hinipuan sa loob ng elevator habang paakyat ito.
Kung nagawang ibahay at bigyan ng sari-sari store ng dating senador ang isa sa dating elevator girl sa Upper House, as in iginarahe nang matipuhan ang bebot, idinaan naman sa pahipu-hipo ng matandang solon ang diskarte para matsansingan ang malambot na parte ng katawan ng bagong elevator girl.
Bago hinipuan ng ma­tandang solon ang elevator girl, unang pinagdiskitahan ng mambabatas ang isang tsinitang empleyado ng Kongreso na nakasabay sa elevator kung saan idi­naan sa pagkurot ang pa­nanantsing.
Unang sumakay ng ele­vator mula basement ang tsinitang empleyado ng Kongreso at pagsapit ng 2nd floor, pumasok ang matandang solon, kabuntot ang mga security at iba pang staff.
Nakapuwesto sa tagi­liran ng elevator ang tsini­tang empleyado kaya’t hindi napansin ang pagpasok ng matandang solon at ikinagulat ang pagpisil sa kanyang bilbil kung saan mabilis na binawi ang pagkainis nang makitang mambabatas ang gumawa ng panghihipo.
Ang matinding revelation sa lahat, hindi pa nakuntento sa pagpisil ng bilbil sa tsinitang emple-yado, nabaling sa magandang elevator girl ang atensyon ng matandang solon matapos kurutin sa tagiliran ang bebot.
Bagama’t mala-haplos ang pagkurot ng matandang solon at hindi masakit ang hawak nito, halos ramdam ng mambabatas ang malambot na parte o maselang bahagi ng katawan ng magandang elevator girl, partikular ang ilalim ng dibdib nito.
Hindi naman umangal ang magandang elevator girl, katulad ng tsi-nitang empleyado dahil pakiramdam nito’y simpleng pagbati ang ginawa ng matandang solon at lingid sa kanilang kaa­laman ang pagiging manyakis ng mokong, hindi lamang sa mga staff kundi sa sinumang makursunadahang bebot.
Clue: Sadyang manyakis ang matandang solon at kamuntikang masampolan sa sexual harassment subalit masuwerteng naganap ang kabulastugan sa foreign trip kung kaya’t nanghi­na ang pamilya ng inargab­yadong tauhan nito. (www.mgakurimaw.blogspot.com)

Tuesday, March 10, 2009

march 10 2009 abante tonite

Noted, Your Honor!
Rey Marfil


Ayaw maglabas ng committee report sa broadband scandal ng katukayo ni Joselito Cayetano. Ang inirarason, ito’y nasa kamay ng bagong chairman ng Senate blue ribbon gayong kahit isang public hearing walang naipatawag si Dick Gordon. Ang huling kahol ni Alan Peter, sinulatan si Dick upang pabuksan ang imbestigasyon gayong napakaraming oras ang sinayang bilang blue ribbon chairman upang ipatawag ang mister ni Manay Gina De Venecia. At ngayong tatakbo ang stepson ni Manay Gina bilang senador sa 2010, magagamit lamang ang Upper House sa political ambition ni Joey De Venecia kapag kumanta si Manong Joe. Mantakin n’yo, sobrang VIP ng mag-amang De Venecia, simula sa kontrata hanggang magkasabit-sabit sa Wack-Wack at mag-golf sa China!
Kahit si Aling Matet na nagtitinda ng balut at penoy sa Taguig at Pateros, hindi maiwasang magduda sa diskarte ng utol ni Juliana Pilar ‘Pia’ Cayetano, aba’y 12-beses inimbestigahan ang broadband scandal subalit hindi nagawang isalang sa hot seat si Manong Joe. At kahit pambobola lamang ang gagawin sa public hearing, katulad ng nakaugalian sa Kongreso, at least masasabing may ginawang aksyon si Pedro. At ngayong nasibak sa blue ribbon, ang lakas pa ng loob humirit at magtapang-tapangan sa paghingi ng committee report. What kind of Senate is this, Mr. President at your Honor?
Kung kinagat ni Gordon ang huling kahol ni Alan Peter, ito’y mapupuwersang maglabas ng committee report at ligtas sa anumang pananagutan ang dating chairman ng blue ribbon. Ni sa panaginip, ayokong isiping ‘panggugulang’ ang ginagawa ng anak ng namayapang si senador Renato Cayetano na nasangkot sa BW Resources scandal, maliban kung bahag ang buntot o meron pa rin pagmamahal sa kanyang ‘Tito Mike’ kaya’t iniiwasang saktan ang mga dating ‘pinagmamanuhan’ at ka-tropa sa Malacañang? Mantakin n’yo, ipinapasa kay Dick ang responsibilidad sa broadband scandal at kapag hindi nasarapan sa laman, katulad ng fertilizer scam, wawakwakin at kakagatin ang chairman!
***
Napag-usapan ang 2010, kasing-lutong ng kornik ang deklarasyon ni Mr. Noted, as in Francis Prancaceus Pangilinan sa pagtakbong Vice President. Ang huling statement ni Mr. Noted, nalalaman ng kanyang misis o merong clearance kay Megastar Sharon Cuneta ang pagsalang sa vice presidential race. Sabagay, kailan ba nanalo bilang Francis Pangilinan si Mr. Noted? Kung sa pagka-Congressman lang ng Quezon City, ito’y kumain ng alikabok kay Mayor Sonny Belmonte at kulelat sa hanay ng congressional bets. Mabuti lang napangasawa si Ate Shawie at kung hindi, ito’y magtitinda ng binatog sa kalye.
Ang tanong lamang ng mga kurimaw sa Cubao headquarters, ito ba’y humingi ng ‘green light’ o bendisyon sa liderato ng Liberal Party (LP) at kaninong tiket tatakbong Vice President si Mr. Noted ngayong bad trip ang karamihan sa LP members dahil mas matimbang sa mister ni Ate Shawie si Mr. Two Thing, as in ousted Senate President Manuel Villar Jr., gayong ang boypren ni Ate Koring -- si Mr. Palengke, as in Manuel Araneta-Roxas (MAR) ang LP President? Tandaan: mas malakas si Kris Aquino sa Vice President at halos kasing-popular ni Mr. Noted si Noynoy Aquino, paano pa kung pakasalan si Konsehala?
Ayokong sukatin ang kakayahan ni Mr. Noted subalit mismong ka-tropa sa Wednesday Club -- si Mr. Two Things ang nagmayabang sa P1 bilyon campaign fund para tustusan ang pagtakbong Pangulo sa 2010. Kung P3 milyong halaga ng “Hermes bag” ni Ate Shawie, hindi makapagregalo si Mr. Noted, katulad sa kanyang text messages, aba’y saan kukuha ng campaign fund sa 2010, maliban kung maraming naipong komisyon mula sa multi-milyong pork barrel sa loob ng 8-years, simula ng maupo noong 2001? Kung matuloy ang pagtakbo ni Mr. Noted, unang matutuwa ang kampo ng namayapang si Da King dahil balik sa mukha ng mister ni Ate Shawie ang katagang ‘noted’ kapag nagreklamo ng vote padding sa board of canvassers sa Batasan complex!(www.mgakurimaw.blogspot.com)

Monday, March 9, 2009

march 9 2009 abante tonite

Bungangerong solon, natuyuan ng laway!
(Rey Marfil)

Katulad ng kasabihang ‘galit ang magnanakaw sa kapwa magnanakaw’, supalpal at hindi umubra ang diskarte ng isang bungangerong miyembro ng Kongreso matapos makaengkuwentro sa debate ang kauri nito.
Kung anong daldal sa mga media interview at pagiging alaskador sa bawat makakaengkuwentro, natuyuan ng laway ang bungangerong solon matapos mapasabak sa diskusyon sa numero unong daldalerong miyembro ng Kongreso.
Nasaksihan ng TONITE Spy kung paano natiyope ang bungangerong solon taliwas sa nakaugaliang mang-alaska ng ka-debate sa session hall o kaya’y asarin sa pamamagitan ng mga matalinhagang pa­ngungusap sa Bibliya ang katunggaling solon.
Hindi maiwasang matawa ng mga naglipanang kurimaw sa Upper House nang makitang mala-Elasto seal at Marine Epoxy sa pagkabutata ang bungangerong solon sa bawat hirit sa floor, as in hindi nakaporma ang matabil at matalas nitong dila matapos makaengkuwentro sa isang ‘hot issue’ ang kauring solon nito.
Una pang nagmagaling sa floor ang bungangerong solon at ipinangalandakan ang performance sa Upper House subalit tigalgal at nalunok ang sariling laway nang rumesbak ang kau­ring solon matapos ibalik sa kanyang pagmumukha ang pagiging inutil at ipaalala ang mga naitalang kapalpakan nito.
Ang matinding revelation sa lahat, hindi nagawa pang makapagsalita ng bu­ngangerong solon nang harap-harapang singilin sa nagawang kapalpakan, kabilang ang pagiging ‘tamad’ gumawa ng homeworks at paninisi sa ibang tao para lamang bumango ang imahe.
Halos ilang minutong nalektyuran ang bungangerong solon at hindi makahuma ang kumag habang nagho-ho­miliya ang kalabang solon.
Katulad ng nakaugalian kapag napapa-trouble sa tuwing nasusukol ang bunga­ngerong solon, idinaan sa pang-aalaska ang naging kasagutan sa kauring solon, sabay bigkas ng mga pananalita ng Diyos para palabasing banal gayong numero unong matakaw sa pondo ng gobyerno ang pamilya nito.
Clue: Parehong madaldal ang dalawang solon at parehong naintrigang tsikboy, as in pwede sa tsiks at boy. Isa rito’y reeleksyunista sa 2010 habang kamukha ng dating child star ang bunga­ngerong solon. (www.mgakurimaw.blogspot.com)

Saturday, March 7, 2009

march 7 2009 abante tonite

2 senador, nag-contest sa padamihan ng laway!
(Rey Marfil)

Kung ipapalit ang ‘saliva contest’ sa pagkakabura ng basketball game sa gaganaping Southeast Asian Games (SEAG) sa bansang Laos ngayong Dis­yembre, nakakasiguro ng dalawang gintong medalya ang Pilipinas sa katauhan ng dalawang miyembro ng Mataas na Kapulungan ng Kongreso.
Ang rason, halos ‘sure winner’ sa single at mix-doubles category ang Philip­pine team kapag isinabak sa ‘saliva competition’ ang dalawang senador, patunay ang pangmatagalang pagtatagisan ng laway sa session hall, animo’y walang gustong sumuko sa diskusyon.
Nasaksihan ng TONITE Spy kung gaano kalupit magpaulan ng laway ang dalawang senador matapos pagdebatehan ang isang simpleng isyu, animo’y wala nang bukas na naghihintay para ipagpatuloy ang diskusyon sa floor.
Hindi maiwasang mauwi sa biruan, partikular sa hanay ng mga naglipanang kurimaw sa session hall ang senaryong ‘runaway winner’ ang dalawang senador kapag naisama sa Asian games ang patagalang magsalita sa session hall.
Ang nakakatawa sa lahat, sadyang walang kasawa-sawang magsalita ang isa sa ka-debateng senador dahil hindi pa man sumisikat ang araw, ito’y napakaingay sa iba’t ibang radio stations para magpainterbyu at mu­ling umariba ang bunganga, ganap alas-10:00 ng umaga matapos dumalo sa isang iniimbestiga-hang eskandalo.
Bagama’t iba ang nakaupong chairman ng komite, ma-armalite sa pagpapaulan ng laway sa public hearing ang unang senador at iisang boses ang umaali­ngawngaw sa kwarto, simula alas-10:00 ng umaga hanggang pumatak ang orasan, ganap alas-tres ng hapon bilang simula ng sesyon.
Sa puntong ito, nagkaroon ng katapat ang unang daldalerong senador dahil napasabak sa kuwentuhan, ilang minuto makaraan ang opening prayer at roll call sa session hall, nang tumayo sa floor ang isa pang daldalerong solon para bateryahin ito.
Nagsimula ang pagtatagisan ng laway ng dalawang senador ganap alas-3:20 ng hapon subalit inabot ng takip-silim, as in paglubog ng araw, hindi pa rin magkatalo sa daldalan ang mga ito.
Walang talunan sa dalawang senador dahil natapos lamang ang daldalan nang makitang wala nang natitira pang kasamahang mambabatas sa loob ng session hall, as in tanging presiding Senate President at majority leader ang natitirang listener matapos magsi-akyatan sa kanilang kwarto ang mga senador bunga ng nakakaburyong diskusyon ng mga ito.
Clue: Animo’y puwet ng manok ang bunganga ng unang senador at hindi inaatrasan kahit nangagat ang kakahulan sa floor habang saksakan ng tapang ang ikalawang senador subalit yuko sa isang sutsot ng misis nito. Abangan sa Lunes ang iba pang nakaengkuwentro. (www.mgakurimaw.blogspot.com)

Friday, March 6, 2009

march 6 2009 abante

Lady solon nagkalkal ng bra sa harap ng kamera

Sa halip pagpantasyahan ng mga kalalakihang cameramen, katatawanan at panlalait ang inabot ng isang lady solon matapos magkalkal ng bra sa loob ng session hall habang kainitan ang pagpapalitan ng tanong sa pinagdi-debatehang isyu.


Halos maglupasay sa katatawa si Mang Teban, sampu ng miron sa loob ng session hall matapos masaksihan kung paano pagkakalkalin ng lady solon ang kasoutang bra sa harap mismo ng mga cameramen at photographers.


Sa kasagsagan ng diskusyon sa hinihinging P11.3 bilyong supplemental budget ng Commission on Elections (Comelec), pumwesto sa barandilya ng gallery ang mga cameramen at photographer upang maganda ang shot, kaharap ang mga resource person.


Nagkataong designated seat ng lady solon ang pinuwestuhan ng mga photographer at cameramen kaya walang ibang choice kundi ukupahan ang tagiliran ng session hall kung saan kaharap ang mambabatas.


Sa mainitan ng diskusyon, humarap sa hanay ng mga photogpraher at cameraman ang lady solon, sabay ayos ng kanyang bra dahil tabingi ang pagkakapuwesto sa kaliwang dibdib nito.


Hindi pa nakuntento sa pag-ayos ng kanyang bra sa kaliwang dibdib, itinuwid din ang pagkakapuwesto ng strap at nagawang alugin, animo’y meron ipinagmamalaking hinaharap ang mambabatas.


Pintahan n’yo na: Isa sa matapobre ang lady solon kaya kinaiinisan ng media at palaging napapa-trouble sa session hall. Kung senadora o congresswoman, abangan kung maghahagis ng pulseras at kung mag-i-import ng ibang mukha para manalo. (www.mgakurimaw.blogspot.com)

Thursday, March 5, 2009

march 5 2009 abante tonite

Sex for sale sa Kremlin?
Rey Marfil


Noong dekada 90’s, puro Pinoy ang nagmamay-ari ng beerhouse sa Quezon City pero ngayong panahon, nagbago ang lahat, aba’y kung hindi dalawang letra ang apelyido ng club owner, ito’y nagtatapos sa letrang ‘ING’, katulad ng pamilya Ting at putok ang grupong “Dragon 8” bilang operator ng isang bagong-bukas na sauna bath na nagsisilbing prostitution den sa Quezon City. Ni sa panaginip, ayokong isiping “Dragon 8” ang pasimuno ng high-class prostitution sa Pilipinas, katulad ng nangyayari sa balwarte ni Mayor Sonny Belmonte.
‘Ika ni Aling Matet, ‘kinain ng buhay’ ang operas­yon ng ‘Classmate’ ng isang sauna bath parlor, walang iba kundi ang Kremlin--ito’y katabing gusali lamang. Ganyan kalupit ang prostitusyon sa Quezon City subalit nakakapagtakang bulag ang mga konsehal at iba pang local officials, sampu ng mga kongresista, maliban kung linggu-linggo ring present sa beerhouses at meron ‘patong’ sa Kremlin o kaya’y sinungaling ang impormante? At kundi nagkakamali si Pareng Bernard Taguinod, sina Bingbong Crisologo at Naneth Daza ang kinatawan sa ‘red light district’. Kahit itanong n’yo pa kay birthday boy Henry Chua!
Sa report ng mga naglipanang kurimaw sa kahabaan ng Quezon Avenue, merong malaking aquarium sa 2nd floor ang Kremlim, iyon nga lang, hindi isda kundi masahistang bebot ang nakakulong. Mantakin n’yo, masahista ang drama subalit guest relation officer (GRO) ang kasuotan. ‘Ika nga ng mga katropa ni Jeff Zaide ng IBC-Channel 13, nang minsang namasyal sa sauna bath, ‘nagmumura’ ang dibdib ng mga bebot, as in laba ang mga masahista at kita ang kuyukot sa sobrang ikli ng palda, malinaw ang katotohanang ‘laman’ ang ibinebenta ng Kremlin, hindi ang massage services na nakapronta.
Kahit sinong kurimaw ang tanungin, isang napakalaking katarantaduhan kung walang taga-City Hall ang parokyano sa ‘sex for sale’ sa Quezon City lalo pa’t 4-month nang namamayagpag ang Kremlin. Take note: City Hall ang nagbibigay ng work at health permit. Sa madaling salita, mas kaila­ngan ang pag-aksyon ng Simbahang Katoliko sa ‘sex for sale’, hindi sa isyu ng Reproductive Health Care!
***
Napag-usapan ang prostitusyon, pinakamatindin­g re­velation sa lahat, habang pataas ang palapag sa Kremlin, pataas din ang pres­yo ng mga masahista, aba’y P2 libo ang entrance sa 3rd floor, mas mataas ng P300 sa P1,700 na sinisingil ng front desk kapag pumasok ng 2nd floor. Kung walang prostitusyon o milagrong nagaganap, bakit ‘ginto’ ang pres­yo gayong P250 hanggang P400 lamang ang talent fee ng mga masahista sa mga lehitimong massage parlor sa loob ng mall. Sa Senate Media Center lang, pwede ang P50 kay Jojo Sison, may car wash services pa!
Mantakin n’yo, entrance pa lang ang pinag-uusapa­n sa P1,700 hanggang P2,000, as in hindi kasama ang baya­d sa ‘sensation’ kaya’t susuka ng P4 libo ang customer kapag humirit ng extra service sa ma­sahistang GRO. Hindi lang iyan, nakapa­ngalan sa mga Russian leader­s ang bawat kuwarto, katulad ni ex-Rus­sian President Gorbache­v. Ang tanong kay Mayo­r Sonny Belmonte: hindi ba’t merong City Ordinance na nagbabawal sa aqua­rium, VIP room at ipinapatupad ang ‘no doorknob policy’ sa Quezon City, bakit nakakalusot ang Kremlin, ma­liban kung sobrang maiplu­wensya sa City Hall ang Dra­gon 8, maging sa pamunuan ng CIDG hanggang NBI kaya’t walang raid?
Kung napapalusutan si Mayor SB, bakit hindi subukang ipatawag sina Chief Supt. Magtanggol Gatdula at Senior Supt. Bobot Laciste, aba’y napaka-imposibleng mabigyan ng ‘green light’ ang mga ‘aquarium’ sa iba’t ibang beerhouse at sauna bath, katulad ng Kremlin, maliban kung meronf buwanang ‘parating’ ang QC police, sampu ng senior officers sa Camp Crame? Siguro naman, ito’y hindi palalampasin ni NCRPO Director Leopoldo Bataoil ang ganitong gawain, maging ni Pareng Brian, as in DILG Asec at spokesman Brian Raymund Yamsuan! (www.mgakurimaw.blogspot.com)

Wednesday, March 4, 2009

march4 2009 abante tonite

City mayor, bantay-sarado ng ‘bulldog’ sa opisina
Rey M. Marfil

Kundi magbabago ng diskarte ang tanggapan ng isang City Mayor sa National Capital Region (NCR), ito’y posibleng sa kangkungan pulutin sa 2010 national election, kasunod ang pagkakadiskubreng nag-aalaga ng babaeng bulldog sa office nito.
Bagama’t hindi literal na aso ang babaeng bulldog sa opisina ni City Mayor, nadiskubre ng TONITE Spy ang dumaraming reklamo ng mga constituents laban sa kinikilalang ama ng lungsod dahil saksakan ng tapang at walang konsiderasyon ang nagsisilbing sekretarya ng kumag, as in sobrang taray.
Taliwas sa panahon ng kampanya kung saan walang pakialam si City Mayor kahit gusgusing constituents ang nakakasalamuha sa kanto at direktang nakakalapit upang kamayan at mayakap ang kumag, ngayo’y umarkila ng dalawang sekretaryang bulldog para salain ang mga kakausapin nito, pinakamabangis ang isang tsinitang staff.
Nagiging routine kada araw sa opisina ni City Mayor ang pag-astang Hitler ng tsinitang sekretarya, as in walang sinumang Pontio Pilato o katropa ni Barabas ang nakakapasok sa kuwarto hangga’t walang appointment paper at hindi binibigyan ng ‘green light’ o pases.
Kung anong bait ni City Mayor sa mga botante, ito’y kabaliktaran sa inarkilang tsinitang sekretarya kung kaya’t hindi maiwasang pagdudahang merong bendisyon o go-signal sa alkalde ang pag-aktong strainer nang tinaguriang ‘bulldog’ sa opisina nito.
Ang masakit sa panig ni City Mayor, maraming kababayan o constituent ang naba-bad trip sa kanyang istilo at nawawalan ng pagtitiwala at suporta lalo pa’t nagbabalak tumakbong congressman dahil nagpapadikta sa tsinitang sekretarya, maging kamag-anakan ng kumag, ito’y nagsimulang mairita sa babaeng bulldog sa kanyang opisina dahil tinatabla.
Clue: Hindi matatawaran ang tapang ni City Ma­yor, patunay ang paninindigan kahit pini-pressure ng Malacañang at panghihinayangan ng mga ‘badinger-Z’ ang pagiging ‘Papa ng Bayan’ kung patuloy nakabantay ang sekretaryang bulldog sa opisina. Ito’y merong letrang “Y” sa apelyido, as in Yamang-Dagat ang produkto ng siyudad habang meron letrang “B” ang tsinitang sekretarya, as in Bulldog. (www.mgakurimaw.blogspot.com)

Tuesday, March 3, 2009

march 3 2009 abante tonite

Nagkasabit-sabit!
Rey Marfil


Sa selebrasyon ng 23rd Edsa 1 anniversary, nakakasugat ang text messa­ges na umikot laban kay L­eah Navarro ng Black and White Movement, aba’y inakusahang ipokrita, maldita at ingrata dahil sa kantang “Magkaisa”, dahil binaliktad ang history para lamang makapagpa-pogi sa media, in aid for 2010 senatorial election. Ang deklaras-yon ni Ms. Navarro, katulad ng naglabasan sa peryodiko, ito’y nilikha para kay dating Pangulong Ferdinand Marcos kaya’t hindi masisisi kung mag-alburuto sina Ernie dela Pena (co-composer) at Homer Flores (arranger), maliban kung nasa abroad si Ms. Navarro habang nagkakagulo sa Highway 54!
Kundi nagkakamali ang Spy, isa si DDB chief Tito Sotto sa original compo­ser ng “Magkaisa” kaya’t kailangan sigurong mag-Ensure ni Ms. Navarro. Paano kung manalong senadora, mas malaking gulo ang lilikhain sa Upper House kapag mahina ang memor-ya. Sa halip matakpan ang butas ng mga batas, hindi kaya lalong magkabutas-butas dahil sa lumalawak ang memory gap? Para sa kaba-tiran ni Ms. Navarro, hango sa pangalan ng lolo ni ex-Press Usec. Ching Suva ang Epifanio delos Santos Avenue (EDSA). Kahit itanong n’yo pa kay Bacoor Mayor Strike Revilla na nagdiwang ng 39th birthday kahapon!
***
Isa pang nakakatawa ang selebrasyon ng PMA Alumni Homecoming sa Ba­guio City noong Pebrero 21. Mantakin n’yo, kontodo-porma ang dalawang presi­dentiables--sina Loren Legarda (Class 69) at Ma­nuel Roxas II (Class 84), kasama ang PMA Class nag-adopt, iyon pala’y iba ang bida at nasapawan sa palabas. Anyway, isang araw bago ang selebrasyon, nasa Baguio rin ang grupo ni ous­ted Se­nate President Manuel Villar Jr., pero kaagad bumalik ng Maynila. Sapantaha ng mga kurimaw, ito’y naubusan ng itik kaya’t bumaba!
Mantakin n’yo, ilang oras nagbilad sa araw ang kaibigang matalik ni Edong Angara at boypren ni Korina, pagkatapos si Defense Sec. Gilbert Teodoro ang ipi­nakilalang gagamit ng No. 1 car plate at ibinidang kapalit ng misis ni Jose Pidal-- ito’y mala­king kahihiyan sa media handler ng dala­wang presidentiables, maliban kung manhid at nakasana­yan nina Willie Fernandez at ex-Press Usec. Bobby Capco ang magkasabit-sabit sa operation? Mabuti na lang, maganda ang labas ng photo ops nina Mr. Palengke at Loren Sinta sa print media at nai-front page ang kanilang pagmumukha sa Sunday issue. Kahit paano’y naibsan ang magkabilang sampal na natikman!
***
Kahit kinakapos sa panahon, tuloy ang pagtutulak ng mga kampon ni Mrs. Gloria Arroyo sa Charter change kaya’t lalong luma­lakas ang senaryong gagamitin ng Malacañang ang impluwensya at pu­pwersahin ang lahat ng mahistradong itinalaga sa Korte Suprema para paboran ang joint voting at i-etsapuwera ang Upper House via Constituent Assembly (Con-Ass).
Sa ngayon, militarisasyon ang nagaganap sa bawat ahensya at departamento, mula sa kaliit-liitang sangay ng gobyerno hanggang pintuan ng presi­dential residence, nagkalat ang mga retired general na napakinabangan ni Mrs. Arroyo sa dayaan noong 2004, as in lahat nag-Hello Garci kaya’t nabigyan ng puwesto. Kapag nabuo ang lista­han ng mga SC justices at nahawakan ni General Delfin Bangit ang AFP leadership, kapalit ni Chief of Staff Ale-xander Yano, mag-isip na ang publiko kung matutuloy ang 2010 election. Take note: si Bangit ang PSG chief noong 2004 polls bago nagsilbing hepe ng ISAFP. Ganyan kalupit ang pagtitiwala ni Mrs. Arroyo kay Bangit kaya’t madaling singilin sa utang na loob! (www.mgakurimaw.blogspot.com)

Monday, March 2, 2009

feb 28 2009 abante tonite

Ex-Palace official, nakikipag-smack sa lady solon!
(Rey Marfil)

Kapag nagkataon, magiging ‘Kuya’ ni ex-Palace official ang isang miyembro ng Kongreso matapos pagdiskitahan ang karelasyong solon, patunay ang pasikrektong pakikipag-smack sa mga dinadaluhang political gatherings.
Sa report nakalap ng TONITE Spy, matagal nang kinukursunada ni ex-Palace official ang magandang lady solon kahit naunang ‘nalawayan’ ng dating katropa sa organisasyon, as in nakarelasyon ng kauring pulitiko mula sa Kongreso.
Bagama’t hindi pursigidong matikman ang magandang lady solon na nakarelasyon ng dating katropa sa organisasyon, paboritong pagtripan ni ex-Palace official ang bebot kapag kasama sa out of town trip o kaya’y meron dinadaluhang political gathering kung saan parehong bisita ang mga ito.
Dahil wala namang interes si ex-Palace official na isama sa mahabang listahan ng mga babaing nakarelasyon ang magandang lady solon, ito’y pinagdidiskitahan sa mga gatherings, katulad ang pasimpleng pakikipag-smack dito.
Sa mga political gatherings at iba pang pagtitipong dinadaluhan, sinasadya ni ex-Palace official na gawing makatotohanan ang halik sa magandang lady solon, gayong simpleng ‘beso-beso’ lamang ang legal na batian ng mga pulitiko at miyembro ng alta-sociedad.
Taliwas sa nakaugaliang pakikipagbeso-beso, idinikit ni ex-Palace official ang kanyang labi sa magandang lady solon at sinasadyang ilihis ang paghalik sa pisngi kung kaya’t nauuwi sa smack ito, animo’y hinihigop ang bebot sa lakas ng paghalik dito.
Sa halip na pisngi lamang ang puntiryahin sa pakikipagbeso-beso, mala-jueteng money na idina-divert ni ex-Palace official ang paghalik sa magandang lady solon kung saan nadadamay ang tagiliran ng labi ng bebot.
Hindi naman ipinagtaka ng mga kurimaw kung bakit hindi pumapalag ang magandang lady solon kahit naiisahan sa pakikipagbeso-beso ni ex-Palace official dahil malaking kapakinabangan sa hinaharap ang suporta ng kumag at kilala ding pumapatol sa mga ‘senior citizen’ ang bebot, katulad ng nakarelasyong solon at ama ng kanyang mga anak.
Clue: Saksakan ng plastic ang lady solon at numero unong manyakis ang nakarelasyong solon, patunay ang pagiging ‘staff killer’ habang nangangarap makabalik sa poder si ex-Palace official. (www.mgakurimaw.blogspot.com)

march 2 2009 abante tonite

Solon namudmod ng CP; media staff nangomisyon
Rey Marfil

Sa hangaring bumango ang imahe sa media, namudmod ng cellular phone ang isang solon ngayong umaalingasaw ang kanyang imahe at nangangamoy-pusali matapos mabistong balimbingin at double blade ito.
Tanging ikinalungkot ng mga kurimaw, sa pangu­nguna ng TONITE Spy, mas lalong napasama ang mestisuhing solon dahil umaastang makapili ang hindi kagandahang media relation officer (MRO) na inar­kila, patunay ang pangongomisyon sa salaping inila­labas ng kanyang opisina.
Bagama’t matagal nang nagtapos ang selebras­yon ng Pasko at Bagong Taon, namudmod ng cellular phone ang mestisuhing solon sa hanay ng piling mediamen, pinakahuli ang pagsagawa ng special ope­rations ng hindi kagandahang media relation officer su­balit nadiskubreng naibubulsa lamang ito.
Halos hindi makagulapay ang mestisuhing solon sa kamalasang inabot kaya’t nagbabangong-puri ang kanyang opisina, sa pamamagitan ng MRO kung saan halos tumira sa Public Relation and Information Bureau (PRIB) office para mapalapit sa mga mamamahayag.
Sa kabila ng ginagawang pagtambay sa Teodoro Locsin Sr. Room sa 2nd floor ng MRO para makisa­lamuha sa mga miyembro ng media at mailapit ang kanyang amo, mas lalong dumami ang bad trip sa solon dahil sa sablay na diskarte ng tauhan nito.
Ang rason, may pinagmanahan sa mestisuhing solon ang hindi kagandahang media relation officer, katulad ang reklamong ‘makapili’, hindi lamang sa pamimigay ng cellular phone bagkus sa dokumentong kailangan sa office nito na lalo pang nagpatibay sa alegasyong traydor at ‘manggagamit’ ang kanyang amo.
Kahit walang humihingi ng dokumento o interbyu sa mestisuhing solon, mala-linta kung makadikit ang hindi kagandahang MRO sa sinumang reporter na nagmula sa malaking media organization taliwas sa kagaspangan ng pag-uugaling ipinapakita kapag hindi umaabot sa limang libo ang circulation ng isang dyaryo o taga-tabloid ito.
Maliban sa pamumudmod ng cellular phone, halos linggu-linggong nagsasagawa ng special operations ang kampo ng mestisuhing solon, sa pamamagitan ng MRO, kung saan lingid sa kaalaman ng mambabatas ay hindi nakakarating ang salaping pinapakawalan bagkus ay naisusukbit ang sukli nito.
Clue: Saksakan ng traydor ang solon at walang ‘kaibi-kaibigan’ basta’t pera-pera ang usapan at napapaboran ang kanyang pamilya habang ipinagmama­yabang ng MRO ang pagiging ‘ex-talent’ ng giant network kaya’t nakapasok sa opisina ng solon. Kung sino ang solon, abangan ang susunod na kabanata. (www.mgakurimaw.blogspot.com) (Rey Marfil)