Bagama’t nalipasan ng panahon, gusto pang makipagsabayan ng magdyowang solon sa “Kimerald phenomenon” ng love team nina Kim Chiu at Gerald Anderson, maging pagbabalik-tambalan nina Kristine Hermosa at Jericho Rosales sa telebisyon.
Nasaksihan ng TONITE Spy kung paano umastang tinedyer ang magdyowang solon at nakakasukang isiping nalipasan ng panahon subalit nagpi-feeling avid fans ng pelikulang High School Musical at New Moon na sequel ng Twilight movie.
Ang rason, nagdadrama ang magdyowang mambabatas sa harap ng media kapag nakailaw ang camera, katulad ang pag-inarteng walang namagitan sa kanilang dalawa, as in nagdededmahan, animo’y hindi nagkatikiman.
Sa isang political event na ipinatawag ng matandang mambabatas, naganap ang pagdadrama at pag-iinarte ng karelasyong solon sa harap ng media, patunay ang pagkukunyaring dinededma ang kelot at iniiwasang makatabi ng upuan ito.
Maliban sa pag-iwas makatabi ng upuan ang matandang mambabatas, dedmatic din ang bebot nang tawagin ang kanyang pangalan para isagawa ang makasaysayang pagtaas sa kanyang kamay, animo’y walang pinagsamahan ang dalawa.
Hindi naman kinagat ng media ang dedmahan ng magdyowang solon dahil pagkatapos iwasang makatabi ng upuan at mahawakan ang kanyang kamay, kusang-loob, as in boluntaryong lumapit ang bebot sa kelot upang makipagkwentuhan.
Pagkatapos ng event, muling naispatan ang magdyowang solon na nag-uusap sa isang tabi kung kaya’t lalo pang nabuo sa isipan ng mga kurimaw ang senaryong iniiwasan lamang maintriga lalo pa’t legal na nagsasama ng kanyang pamilya ang kelot.
Clue: Napakahusay maglaro sa pulitika ng matandang solon kaya’t isa sa rason kung bakit pinatulan ng lady solon, patunay ang magagarang insentibo at benepisyong nakukuha ng bebot sa tuwing magdedesisyon sa buhay. Kung senador o kongresista ang magdyowa, ito’y parehong meron letrang “R” sa pangalan at apelyido, as in Raket ang maging political butterfly at political prostitute. (mgakurimaw.blogspot.com
http://www.abante-tonite.com/issue/nov3009/hulaan_blues.htm
No comments:
Post a Comment