Dahil sa nagdaang bagyo, maraming stock ng karne at isda ang nabulok dahil sa kawalan ng kuryente pero kamakailan, isang bagong teknolohiya ang nadiskub re ni Hernie Decena -- ang brine immersion freezing. Ibig sabihin, ang mga isda o karne, ito’y maiimbak hanggang tatlong araw, gamit ang Styrofoam boxes kahit walang yelo.
At kapag naka-freezer o inilagay sa chiller ang produkto matapos ang BIF freezing, ito’y tatagal ng 6-months. Isa pang katangian ng brine immersion freezing -- napapanatili ang kapreskuhan ng isda hanggang tatlong araw.
At kapag pinalambot, ito’y kasing-presko pa rin ng bagong-huling isda kaya’t hindi nagiging bilasa. Hindi lang iyan, inaabot lamang ng tatlo hanggang 30-minuto ang pagpapalamig, kumpara sa tatlo hanggang apat oras sa air blast system.
Aprubado ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) ang agri-freeze solution, alinsunod sa Microbiological Method of Bacteriological Analysis at pasado sa Pharmacology and Toxicology test ng University of the Philippines (UP).
Ang problema, namimiligrong madiskaril ang proyekto ng National Agribusiness Corporation (Nabcor) -- ito’y kinuwestyon ng isang ‘non-bidder’ at sinampahan ng graft case sa Office of the Ombudsman ang lahat ng opisyal, sa pangunguna ni Nabcor President Alan Javellana at da may si Agriculture Sec. Arthur Yap bilang pinuno ng ‘mother agency’.
Ang reklamo ni Allan Ragasa, nagkaroon ng iregularidad sa bidding ng P455.7 milyong post-harvest facility project -- ito’y napasakamay ng Integrated Refrigeration System and Services Incorporated (IRSSI), partikular ang pagbili sa 98-units ng multi-function ice-making machines. Take note: present sa public bidding ang tatlo pang natalong bidder, maliban kung nagpapagamit si Ragasa at ‘sourgraping’ ang Sunvar company?
Ang ipinagtataka lamang ng mga kurimaw sa loob ng Nabcor, bakit ang lakas ng loob ni Ragasa na kuwestyuning nagkaroon ng hokus-pokus sa bidding bilang kinatawan ng Sunvar company -- isa sa natalong bidder gayong hindi nagreklamo ang tatlo pang bidder -- ang Kolonwell, JOAVI at Instrumech Philippines Inc.
Hindi kaya puntirya ni Ragasa na ideklarang ‘invalid’ ang bidding at magkaroon ng ‘re-bidding’ upang matapatan ng Sunvar ang pinakamababang presyong inalok ng IRSSI, maliban kundi sumusunod sa Procurement Law ang Nabcor at nahawa sa mga dumaraming kawatan? Ang nakaka-bad lamang, ano pang silbi ng Procurement Law kung lahat ng natatalo, ito’y sisigaw ng foul at iiyak sa media kapag hindi napaboran sa mga kontrata?
***
Bago ang inaabangang survey result ng Pulse Asia, isang presidential survey ang nag-leak at nakakagulat ang mga numero, aba’y bumaba ang popularity rating ni Noynoy Aquino. Kundi nagkakamali ang Spy, nasa proseso ngayon sa paghimay ang Asian Institute Management (AIM) professors na nag-sponsor ng presidential debate -- ito’y may petsang November 2 hanggang November 8.
Sa initial report, nangunguna pa rin si Noynoy (42%), kasunod si Chiz Escudero (24%), Manny Villar (16%), Erap Estrada (12%), Gibo Teodoro (4%). Sakop ng survey ang National Capital Region (NCR) at Cordillera Autonomous Region (CAR) at ilang bahagi ng Luzon. Hindi pa kumpleto ang Region 3, Region 4, Visayas at Mindanao region.
Ang malinaw lamang, nabawasan ng 10% si Noynoy at napunta kay Chiz. Hindi lang iyan, meron pang ilang lugar na nakapagtala ng 15% pagtaas sa rating si Keso. Sa nagdaang survey, 14% lamang si Chiz, malinaw ang magandang epekto sa pagkalas sa Nationalist People’s Coalition (NPC).
Maging si Villar, natapyasan ng 1% mula 17% at stagnant ang rating ni Erapsky. Never mind si Gibo, ito’y malabong makahabol. Dati-rati’y naglalaro sa 50% hanggang 60% ang popularity rating ni Noynoy sa kabuuan ng nationwide survey ng SWS at Pulse Asia.
Take note: Nasa 51% ang rating ni Noynoy sa NCR pero ngayo’y ‘kinain’ ni Chiz. Dahil sa ‘Pacman-Cotto fight’ ngayong November 15, madi-delay ang paglabas ng Pulse Asia survey na dapat sana’y November 14. Kaya’t abangan sa November 17 ang Pulse Asia survey kung tutugma sa AIM survey.(mgakurimaw.blogspot.com)
http://www.abante-tonite.com/issue/nov1009/opinions_rey.htm
No comments:
Post a Comment