Hindi nakakagulat ang pag-atras ni Jun Ebdane sa presidential race, aba’y mas nakakagulat ang pagtakbo. Pagkatapos gumastos ng milyones sa TV ads, ma ging sa print at radio plug, ito’y maluha-luha pang humarap sa mga supporters, sabay press release na kesyo walang makinarya at makuhang pera.
Sa simula, kasing-labo ng used oil ang tsansang manalong presidente at kahit ilan pang Santino ang arkilahin upang ipagdasal kay Bro ang presidential bid, liku-liko ang daang tatahakin ni Jun Ebdane.
Hindi naman kauri ni Jun Ebdane si Manny Villar na kahit nagkalihis-lihis ang C-5 road pro ject, ito’y siguradong makakatakbo ng mabilis hanggang sa dulo ng presidential race. Ang tanong lamang ng mga kurimaw: makakapag-overtake pa kaya sa layo ng distansya ni Noynoy sa presidential survey?
Kung walang naipong salapi si Manny, isang napaka laking kalokohan kung sasama ang mga senatorial bets. Mantakin n’yo, pati si Loren Sinta, ‘napasagot’ ni Manny bilang running mate gayong halos hindi makain ng aso ang mga pag-atake nang mabisto ang C-5 road scandal.
Take note: si Sinta ang may hawak ng envelope na naglalaman ng labing-tatlong pirma para masibak si Manny bilang Senate President, pero ngayo’y iba ang drama ng best friend ni Edong Angara, aba’y nabali ang sanga at nagpasalo si Sinta sa Nacionalista.
Sa kuwento nina Mar Roxas, Jamby Madrigal at Ping Lacson -- kung sermunan ni Sinta kapag nagmi-meeting tungkol sa inimbestigahang C-5 road scandal, sila’y harapang pinagsasabihang ‘hindi kakausapin habambuhay’ ni Sinta kapag sumama kay Villar. At nangyari nga ang lahat, si Sinta pala ang sasama. Kaya’t hindi masisisi si Madrigal kung ilarawang ‘girl Friday’ ni Villar si Sinta at akusahang political prostitute ang seatmate.
***
Posibleng madiskaril ang post harvest facility pro ject ng National Agribusiness Corp. (NABCOR) -- ang pagbili ng 98 units ng multi-function, ice-making machines (may liquid quick freeze (LQF) capability). Nakaraang linggo, sinampahan ng reklamo sa Ombudsman ang mga agriculture executives, sa pangu nguna ni NABCOR presi dent Allan Javellana ng isang Allan Ragasa -- ito’y nagpaki lalang kinatawan ng Sunvar company dahil iginawad sa Integrated Refrigeration Systems and Services, Inc. (IRSSI) ang P455.7 milyong proyekto. Ang nakakapagtaka, idinawit si DA Secretary Arthur Yap gayong mismong spokesperson ng NABCOR -- si Kathyrin Pioquinto, ang nagsabing hindi opisyal o director sa kanilang ahensya si Yap!
Hindi kaya isang publicity stunt ang isinampang kaso kay Yap dahil mismong kampo ni Ragasa ang nagsabing walang ‘documentary evidence’? Nang tanu ngin sa press conference -- ang tanging tugon ng isa sa mga abogado ni Ragasa, “As secretary, he (Yap) should know everything that happens under him.”
Teka lang, hindi naman Diyos si Yap para malaman ang lahat ng pinaggagawa ng bawat tauhan, maliban kung pla nong wasakin ang IRSSI contract at puwersahing maglabas ng desisyon ang Department of Agriculture sa re-bidding upang mapasakamay ang proyekto ng isa sa non-bidders na nag-back out o kaya’y bahagi ng demolition job ang kasong isinampa dahil tatakbong congressman (Bohol) si Yap?
Ni sa panaginip, ayaw isipin ng mga kurimaw na ‘dummy’ lamang si Ragasa, as in ginagamit ng mga non-bidder upang masira ang kontrata. Take note: mismong si Ragasa ay inamin sa isang TV program ang pag-atras sa bidding kaya’t anong karapatang magpuputak. Hindi lang iyan, lumutang ang pangalan ng Kolonwell bilang promotor sa pag-ii ngay ni Ragasa.
Ang Kolonwell ang itinuturong ‘mastermind’ sa press conference ni Ragasa, ilang oras makaraang makapagsampa ng reklamo sa Ombudsman. Balikan ang background ng Kolonwell, hindi ba’t meron alingasngas na nagkakagulo ang bawat departamentong pinapasukan ng kontrata, mapa-AFP at DepEd, kahit itanong n’yo pa kay Education Sec. Jesli Lapus?
http://www.abante-tonite.com/issue/dec0109/opinions_rey.htm
No comments:
Post a Comment