Monday, November 16, 2009

november 16 2009 abante tonite

Pulitiko nakipag-hide and seek sa reporter
(Rey Marfil)

Kung anong adelantada ng mga kapamilya para itulak ang kandidatura ng pulitiko, ito’y kabaliktaran lahat sa pag-uugali ng kanilang ‘manok’ dahil napakatamad at palaging wala sa ‘ayos’ ang mga diskarte nito.

Ang nakakatawang nasaksihan ng TONITE Spy, hindi lamang pikon sa interbyu ang pulitiko bagkus mistulang leading man sa pelikulang ‘Hide and Seek’ kung umasta sa harap ng mga reporter, animo’y nag lalaro ng ‘taguan, pong’ sa gitna ng kalye.

Ito ay makaraang mapikon sa tanong ng isang reporter dahil hindi nagustuhan ang pagbulatlat sa kanyang pagkatao, isa pang reporter ang na-bad trip sa pulitiko matapos itong pagtaguan ng mga impormasyon.

Simpleng kaluwagan lamang sa interbyu ang tanging request ng isang print male reporter, katulad ang pagkakaroon ng magandang access sa bawat galaw ng pulitiko o kaya’y makahingi ng trans cript ng interview kapag nasa out of town ito.

Hindi pa nagsasama ng reporter sa out of town ang pulitiko at tanging mediamen mula sa kakamping himpilan na sadyang ipinagkaloob ng higanteng TV station ang akay-akay nito.

Sa ganitong diskarte ng pulitiko, madalas ‘bulag’ sa impormasyon ang mga reporter na nakabase sa Metro Manila kaya’t humihingi ng kaluwagan sa coverage o magandang access para hindi malusutan ng istorya ang mga ito.

Sa puntong ito, humingi ng access ang print male reporter sa pulitiko suba lit muling lumutang ang pagiging anak-mayaman nito, patunay ang pagpasa ng kanyang responsibilidad sa ibang tao.

Kabaliktaran sa ibang pulitiko na kusang-loob nagbibigay ng access sa media at ibinubuluntaryo ang mga impormasyon, ipinasa ng pulitiko sa kanyang tauhan ang trabaho, maging ang pagdedesisyon sa napakasimpleng isyu.

Ang labis na ikina-bad trip ng reporter ay wala namang maibigay na kasagutan ang inatasang staff dahil wala ring ins truction ang kumag kung anong dapat gawin ng mga tauhan tungkol sa concern ng mga reporter, as in pinagpasa-pasahan lamang ang request nito.

Clue: Wala sa ayos ang political career ng pulitiko at malaking sorpresa ang biglaang pagsikat dahil sa isang malaking political event na nangyari sa bansa. Kung senador o kongresista, ito’y meron letrang ‘S’, as in Singer na nanggantso ng sex partner ang alyas. (mgakurimaw.blogspot.com)


http://www.abante-tonite.com/issue/nov1609/hulaan_blues.htm

No comments: