Friday, November 27, 2009

november 27 2009 abante

Lady solon, nang-away ng lady reporter at TV station boss

Sa halip tanggapin ng maluwag sa kalooban ang naging ‘kabayaran’ sa ginawang pagtataksil sa mga kaibigan at pagsamba sa kapangyarihan ng pera, nagawa pang mang-away ng reporter ang primadonang lady solon.


Walang maisip na salita si Mang Teban kung paano ilalarawan ang masamang pag-uugali ng lady solon matapos magtaray at aya win ang pamunuan ng isang higanteng television network.


Ang rason, hindi nagustuhan ng lady solon ang kabuuan ng news report tungkol sa ipinatawag nitong press conference kaya inutusan ang kanyang media handler na komprontahin ang lady TV reporter.


Ang nakakasuka sa lahat, hindi ang lady TV reporter ang tinawagan ng media handler ng primadonang lady solon kundi ang mister ng una at pina rerendahan ang kanyang misis subalit sinopla ito.


Dahil hindi naka-porma sa mister ng lady TV reporter ang media handler, mismong primadonang lady solon ang tumawag sa management, as in pamunuan ng giant TV network, partikular sa news department upang ireklamo ito.


Kung anu-anong pagsusumbong ang ginawa ng lady solon sa news department ng giant TV network at gusto pang ipakastigo ang lady TV reporter su balit ‘tinabla’ ng management dahil puro kasinu ngalingan ang pinagsasabi nito.


Pintahan n’yo na: Madaling makilala ang lady TV reporter dahil palaging headline ang story kapag pulitika ang topic. mula sa ABS-CBN habang mataas na posisyon naman ang ambisyon ng lady solon.

No comments: