Mas lalo pang lumutang ang kahinaan ng isang ambisyosong presidentiable matapos ‘mangodigo’ sa dinaluhang public forum kaya’t matinding pagkadismaya ang naramdaman ng mga dumalo sa pagtitipon.
Bagama’t hindi uubra sa Mr. Philippines o kaya’y Mr. Pogi Contest, sa malamang una pa ring matatanggal sa hanay ng mga contestant ang ambisyosong presidentiable kung kasali sa ganitong kompetisyon dahil sablay ang mga sagot, as in nagkasabit-sabit sa ‘question and answer portion’ sa harap ng mga hurado.
Nasaksihan ng TONITE Spy ang harapang ‘pa ngongodigo’ sa isang public forum ng ambisyosong presidentiable, animo’y isang linggong nagbulakbol at hindi nag-aral ng homework kaya’t nangamote sa examination na ibinigay ng kanyang titser.
Kahit matagal nang nakaiskedyul ang public forum, hindi naghanda ang ambisyosong presidentiable, sa paniniwalang makukuha sa pagpapa-cute ang mga audience sa naturang event, gamit ang mga kapamilya at kapartido nito.
Taliwas sa inaasahan ng ambisyosong presidentiable, ‘mabibigat’ ang isyung ipinukol ng audience sa public forum at hindi ordinaryong dayalogo ang sinuong taliwas sa ini-expect ng nakakalbong handler nito.
Dahil maraming tanong na kailangang sagutin ang ambisyosong presidentiable patungkol sa mga posibleng kaharapin kapag naupo sa Palasyo, kabilang ang eskandalong kinasangkutan ng kanyang ‘family’, nagkandautal sa forum at walang mahanap na kasagutan ang audience sa kumag.
Sa puntong ito, mala-James Bond ang arrive ng nakakalbong handler ng ambisyosong presidentiable, as in ‘to-the-rescue’ bilang director at scriptwriter, sa pamamagitan ng paglalabas ng kodigo sa tuwing ‘nakaka-kanal’ sa tanong ang kanyang kliyente.
Hindi maiwasang matawa ng mga kurimaw sa mga nasaksihang eksena sa public forum dahil nagkalat ang cue card pagkatapos ng event kung saan nakasulat ang mga ready-made answer ng ambisyosong presidentiable mula sa kamay ng nakakalbong handler.
Clue: Desperado ang nakakalbong handler na makabalik sa poder kahit wala namang binatbat sa government service at kapangalan ang isang LRT station. Ito’y merong letrang “A” sa kabuuan ng pangalan at apelyido, as in Ang konti ng buhok. Kung gabinete o senador ang presidentiable, ito’y ipagtanong sa mga ‘fathers’ at obispo. (mgakurimaw.blogspot.com)
http://www.abante-tonite.com/issue/nov0909/hulaan_blues.htm
No comments:
Post a Comment