Friday, November 20, 2009

november 20 2009 abante

Lady solon, napaiyak sa hiya

Dahil sa kahihiyang ibi nigay sa mga kasamahan at kaibigan sa Kongreso, napaiyak ang isang ambisyosang lady solon nang harapang magpaalam at ipagbigay-alam ang ginawa nitong kabulastugan.


Sa halip kaawaan ni Mang Teban ang lady solon, napabigkas ito ng ‘yuck’ dahil mu ling nagpaka-plastic sa harap ng mga kaibigan at sinabayan ng drama ang pamamaalam.


Napaka-hardliner ng lady solon at paulit-ulit pang sini-sermunan ang mga kaibigan na huwag ‘magpapabili’ sa kahit sinong nag-aalok ng ma laking halaga, kalakip ang pananakot na hindi kakausapin habang buhay ang sinumang susuway sa kanilang mga pangako.


Taliwas sa inaasahan ng mga kaibigan, mismong ambisyosong lady solon ang bumali sa sinumpaang pangako at kinain ang lahat ng mga binitawang salita kaya wala itong mukhang maiharap at idinaan sa pag-iyak ang pamamaalam.


Ang nakakasuka sa lahat, meron pang ganang makiusap ng babaeng solon sa mga kaibigan na huwag babanatan at panatilihin ang magandang samahan na nabuo sa panahong iisa ang kanilang ipinaglalaban o magkakampi ang mga ito.


Pintahan n’yo na: Walang tatalo sa lady solon kung pagiging plastic ang pag-uusapan. Kung senador o congresswoman, ito’y meron letrang “A” sa kabuuan ng pangalan at apelyido.

No comments: