Kung anong arte magpainterbyu, nabago ang desisyon ng isang primadonang miyembro ng Kongreso matapos makakita ng microphone, animo’y lumiwanag ang buhay dahil makakakuha ng libreng media mileage o promosyon sa kandidatura nito. Nasaksihan ng TONITE Spy kung paano gumawa ng panibagong eksena at ‘mag-inarte’ ang primadonang lady solon sa harap ng mga mediamen patunay ang pagpapahabol sa mga reporters.
Ang ikina-bad trip ng mga kurimaw, mismong staff ng primadonang lady solon ang humirit ng ambush interview, sa pamamagitan ng media relation officer (MRO), alinsunod sa ‘special request’ ng kanyang amo, as in personal na pinuntahan ang tambayan ng mga mamamahayag para ibalitang magpapainterbyu ang kumag.
Dahil walang ginagawa ang mga media, pinagbigyan ang request ng MRO at ipinarating sa lady solon ang hangaring ma-ambush interview ng mga ito.
Mabilis nagtungo sa opisina ng primadonang lady solon ang mga reporter sa pag-aakalang mabilisan lamang ang ambush interview subalit nag-inarte ang kumag, gamit ang depensang hindi mapapaunlakan ang request dahil walang boses.
Ang nakakatawang eksena sa lahat, naabutan ng mga reporter na palabas sa comfort room (CR) ang primadonang lady solon at kaagad nag-demonstrate na napipi dahil namamalat ang kanyang boses kaya’t hindi mapapaunlakan ang interview ng mga ito.
Dahil likas sa mga reporter ang makulit, mabilis ding sinalpakan ng microphone at inilawan ng mga cameramen ang primadonang lady solon pagkalabas ng kubeta at ikinagulat ng lahat ang napakalakas na boses nito.
Kabaligtaran sa alegasyong napipi dahil sa nawalan ng boses, kung anu-anong kuwento ang ginawa ng primadonang lady solon at winakwak ang mga kalaban sa pulitika kung saan halos tumagal ng isang oras ang pagdadaldal sa harap ng mga reporter.
Clue: Saksakan ng plastic ang primadonang lady solon at meron letrang “A” sa kabuuan ng pangalan at apelyido, as in Ang hilig sa matandang karelasyon.
http://www.abante-tonite.com/issue/nov2509/hulaan_blues.htm |
No comments:
Post a Comment