Tuesday, November 24, 2009

november 24 2009 abante tonite

Nagbalik si ‘Commissioner Rolex’
Rey Marfil

Hindi ang magpinsang Noynoy Aquino at Gibo Teo doro ang malaking tinik sa lalamunan ni Manny Villar ngayong 2010 elections dahil usap-usapan sa coffee shops ang deklarasyon ni Jun Ebdane sa harap ng mga mistah sa Philippine Military Academy (PMA) -- ito’y tatakbo, hindi para manalo kundi tiyaking matatalo si Villar.

Kung anong daan ang naglalaro sa utak ni Ebdane, kalokohan kundi alam nina Lolo Ed, as in Execu tive Sec. Eduardo Ermita at politi cal adviser Gabby Claudio? Bilang ex-DPWH Secretary, maraming dokumentong hawak si Mang Jun tungkol sa mga pag-aaring lupain ni Villar at posibleng hindi naisumiteng lahat sa Committee of the Whole, malay n’yo meron pang mas mala ki keysa C-5 road project?

Take note: isang engineer si Mang Jun at posibleng na-compute ang lahat ng lupaing napasakamay ni Manny. Kung meron pasasabu ging ‘bomba’ si Mang Jun laban kay Manny, abangan sa takdang panahon, ‘ika nga ni Big Brother!

Hindi lang iyan, pu tok din sa umpukan ng media ang senaryong palihim na ‘nakapusta’ sina Lolo Ed at Claudio kay Villar -- ito ang rason kung bakit tumakbo si Mang Jun, maliban kung hinihingan ng multi-mil yong campaign fund para kay Gibo at mas piniling gastusin ang pondo sa pagtakbo keysa magbigay ito?

Lingid sa kaalaman ng publiko, magkatunggali ang grupo nina Mang Jun at Lolo Ed sa Palasyo. Sa hina ng presi dential bid ni Gibo, magha hanap ng alternatibong kandidato ang misis ni Jose Pidal dahil mareresbakan kapag naupo si Noynoy. Kundi nagkakamali ang mga kurimaw, ilang bataan ni First Gentleman Mike Arroyo ang tumutulong kay Villar. Kaya’t huwag ipagtaka kung si Manny Pacquiao ang pambato sa Sarangani ng Nacionalista, ito’y bahagi ng secret alliance!

***
Sadyang ‘libangan’ ng isang alipores ni Mrs. Arroyo ang bumili ng expensive watch, aba’y pagkatapos mamakyaw ng Rolex at Hublot noong Nobyembre 8 (Linggo) sa isang jewelry shop, kasama ang dalawang ka patid, nagbalik si ‘Commissioner Rolex’, halos isang linggo lamang ang pagitan, ito’y muling namakyaw ng relos.

Take note: iisa ang diskarte ng opisyal -- ito’y naka-short pants at T-shirt lamang para magmukhang simple at hindi mayabang kapag nakasalubong ng mga kaibigan o kakilala. Ang hindi alam ng publiko, milyones kung magwaldas ng pera ang kumag. Kung nasa kabukiran si ‘Commissioner’, ito’y ‘manununo’ dahil napakahilig magturo, animo’y bumibili lamang ng mani kapag nagturo ng relo!

Ang pinaka-latest discovery ng Spy, bumalik sa jewelry shop si ‘Commissioner’ ng nakaraang Nobyembre 18. Ibig sabihin, maliban sa biniling Rolex at Hublot noong Nobyembre 8, meron pang ibang relong inorder ang kumag.

Nakaraang linggo, dumating ang tatlong piraso ng Patek Philippe at hindi biro ang presyo -- ito’y hindi bababa sa tig-P2 milyon ang bawat isa. Kaya’t tumatagin ting na P6 milyon ang computation ng mga kurimaw kung tatlong relos ang pinick-up ni ‘Commissioner’ sa jewelry shop. At dahil ‘nasunog’ ang unang pagpunta sa jewelry shop, nagpa-gabi ang opisyal para hindi mapansin ng mga kakilala.

Nawindang ang mga staff ng jewelry shop dahil bihirang makabenta ng isang Patek Philippe sa isang araw dahil sa sobrang mahal pero kung magturo si ‘Commissioner’, animo’y namamalengke lang at bumibili ng hiladong isda!

Ang isa pang ikinadismaya ng mga kurimaw, nagawa pang ikampanya ni ‘Commissioner’ si Gibo Teodoro nang unang pumunta (November 8) sa jewelry shop, aba’y sinong kamote ang boboto kay Gibo kung kurakot na katulad ni Commissio ner ang mauupo?

Ang initial report, tatakbo pang gobernador sa isang lalawigan si ‘Commissioner’ at hindi rin nakakapagtaka kung ‘nagpupuno ng garapon’ dahil nalalapit ang ‘June 30 eviction day’ ni Mrs. Arroyo, aba’y siguradong ‘gutom’ kapag natalo ang manok ng Palasyo.

Anyway, hindi nakaka gulat ang pamamak yaw ng relo ni ‘Commissioner’ dahil mismong kalsada papunta sa pag-aaring sabu ngan, ito’y ipinasemento ng kumag, gamit ang government funds. (mgakurimaw.blogspot.com)


http://www.abante-tonite.com/issue/nov2409/opinions_spy.htm

No comments: