Saturday, November 7, 2009

november 7 2009 abante tonite

Senatoriable, “kinagat” ng senador
(Rey Marfil)

Matinding demolition job ang nararanasan ngayon ng isang mestisuhing senatoriable kung saan mismong mga dating katropa ang sumasakmal sa leeg nito matapos magdesisyon ang una na maglipat ng ibang bakuran.

Sa report na nakalap ng TONITE Spy, pinagsisihan ngayon ng mestisuhing senatoriable ang “magpaalila” sa dating partido, partikular sa poder ng ambisyosong presidentiable dahil kung anu-anong demolition job ang kanyang natikman mula nang kumalas sa partido.

Ang pinakamasakit sa panig ng mestisuhing senatoriable, walang ibang mastermind at “kumagat sa kanyang leeg” nang kumalas siya sa partido kundi ang isang senador na itinuring nitong kapatid at kaibigan.

Sa mahabang panahong pananatili bilang miyembro ng partido, walang matandaan ang mestisuhing senatoriable na natulungan ng ambisyosong presidentiable bagkus ginagawa pang shock absorber kapag naaakusahang katropa ng administrasyon ang huli.

Dahil nauuso ngayon ang “political realignment” lalo pa’t nalalapit ang 2010 national elections, nagdesisyon ang mestisuhing senatoriable na kumalas sa partido at piniling sumama sa kaibigang presidentiable, alinsunod sa pakiusap ng magulang at kaibigan nito.

Taliwas sa inaasahan ng mestisuhing senatoriable, isang demolition job o black propaganda ang inilunsad ng dating katropa sa partido, sa pangu nguna ng isang senador.

Kinasangkapan ng senador ang isang tauhan para wasakin ang imahe ng mestisuhing senatoriable sa media kung saan gumawa ng kasinungalingang script para makaganti sa dating kasamahan.

Kung anu-anong paninira ang ipinakalat ng senador, sa pamamagitan ng kanyang tauhan na tumayong operator, patunay ang pagbili ng mga espasyo sa mga maliliit na tabloid.

Clue: Malapad ang pangangatawan ng mestisu hing senatoriable habang puro takbo ang ginagawa ng presidentiable samantalang may ugaling-aso ang senador kaya’t hindi nakakagulat ang pagsagpang sa kaibigan nito. Meron letrang “A” sa kabuuan ng pangalan at apelyido ang senador, as in “Ang Halimaw sa Banga” kaya’t napagkalamang kapatid ni Lotlot. (mgakurimaw.blogspot.com)


http://www.abante-tonite.com/issue/nov0709/hulaan_blues.htm

No comments: