Wednesday, November 18, 2009

november 18 2009 abante tonite

Pulitiko, pinahiya sa panunuhol!
(Rey Marfil)

(mgakurimaw.blogspot.com)

Sadyang walang kadala-dala ang isang pulitikong nasasangkot sa malaking eskandalo matapos harapang hiyain ng sariling kasamahan sa pag-alok ng malaking halaga, kapalit ang pag-absuwelto sa sinabitang eskandalo.

Sa impormasyong nakalap ng TONITE Spy, personal na dinalaw ng ambisyosong pulitiko ang kasamahan sa trabaho para hi ngin ang suporta sa pagbasura sa kasong kinasasangkutan nito, animo’y namimili lamang sa Divisoria Mall, katulad ng ‘buy one, take one T-shirt’.

Kasabay ang pagdalaw sa kasamahang opisyal, muling pinatunayan ng ambisyosong pulitiko ang pag-astang banker matapos mag-alok ng multi-milyon pisong halaga, kapalit ang hinihinging pabor.

Ang nakakatawa lamang, hindi sukat akalain ng ambisyosong pulitiko na ‘tatablahin’ ng kasamahang opisyal ang hinihingi niyang pabor kung saan harapang pinahiya sa mga alalay nito, maging sa iba pang nakasaksi sa secret talks.

Namula ang buong mukha ng ambisyosong pulitiko nang harapang marinig sa bibig ng kasamahang opisyal ang pagtabla sa hinihingi niyang pabor, hindi pa kabilang ang mga patutsadang harapin at sagutin ang kinasasangkutang eskandalo kaya’t mabilis nagpaalam ito.

Ang hindi makalimutan ng mga kurimaw na present sa ‘secret talks’, walang iba kundi ang eksenang bagsak ang balikat at lulugu-lugo ang ambisyosong pulitiko habang nag lalakad palabas ng ‘special room’ sa bagong tahanan ng kasamahan sa trabaho.

Sa kabuuan, hindi naman ikinagulat ng kasamahang opisyal ang ginawang aksyon ng ambisyosong pulitiko, partikular ang harapang pagbili sa kanyang suporta para malibre sa eskandalo dahil multi-bilyon ang ginagastos ng kumag para linisin ang pangalan nito.

Clue: Pera-pera ang polisiya ng ambisyosong pulitiko sa lahat ng pagkakataon, kabilang ang pagbili ng mga kaibigan, kasamahan sa trabaho, kakampi sa organisasyon at papuri sa sarili nito. Kung senador o kongresista, ito’y meron letrang “Y” sa kabuuan ng pangalan at apelyido, as in Yumaman sa pangangamkam.

No comments: