Friday, November 13, 2009

2 solon, may bawal na relasyon

Katulad ng kasabihang ‘walang lihim ang hindi nabubunyag’, mas lalo pang nagkamukha ang pagkakaroon ng relasyon ng dalawang miyembro ng Kongreso matapos gamiting depensa sa isinampang reklamo laban dito.


Bagama’t lantad sa media ang pagkakaroon ng relasyon ng dalawang solon, ikinagulat ni Mang Teban na abot sa kaalaman ng ilang ordinaryong sibilyan ang bawal na relasyon.


Sa isang iniimbestiga­hang kaso, lalo pang nabunyag ang relasyon ng dalawa matapos ipangalandakan sa affidavit ng isang complainant ang pagiging lovers ng mga ito, sa katauhan ng isang matandang mambabatas at primadonang lady solon.


Hindi lamang ‘pokpok’ ang katagang ginamit ng isang complainant para ilarawan ang pagkatao ng primadonang lady solon bagkus ‘sex partner’ ang pagkaka-describe sa bawal na relasyon ng dalawa.


Pintahan n’yo na: Saksakan ng plastic ang primadonang lady solon habang senior citizen ang matandang solon. Kung senador o kongresista, kayo na ang puminta.


http://www.abante.com.ph/issue/nov1309/kartada5.htm

No comments: