Sa sobrang pagiging desperado ng isang primadonang pulitiko na masungkit ang inaambisyong posisyon sa gobyerno, ito’y nasampolan ng mag-amang local officials sa dinaluhang pagtitipon.
Bagama’t nagpigil ang mag-amang local officials, nasaksihan ng TONITE Spy kung paano pinahiya at harapang nilayasan ang primadonang pulitiko sa isang pagtitipon matapos gumawa ng eksena ang huli at mag-inarte sa harap ng mga bisita ito.
Dahil foundation day, maraming pulitiko ang inimbitahan ng mag-amang local officials, kabilang ang mga nagbabalak tumakbo sa 2010 national elections.
Sa naturang pagtitipon, namumukod-tangi ang primadonang pulitiko sa hanay ng mga bisita at guest speaker ang gumawa ng eksena, patunay ang pag-inarte at pag-astang super-sikat sa lalawigan, at kaya nitong impluwensyahan ang mga kausap.
Bago nagsimula ang selebrasyon at palabas sa dinaluhang foundation day, tinabihan ng primadonang pulitiko ang mag-amang local officials na kilalang ‘political kingpin’ sa lalawigan, sabay pagbubuhat ng kanyang credentials.
Ang malupit sa lahat at labis ikinagulat ng mag-amang local officials, ito’y harapang diniktahan ng primadonang pulitiko kung sino ang susuportahan sa 2010 national elections, as in pinagsabihang huwag susuporta ng ibang kandidato, maliban sa sarili nito.
Mas lalo pang nagpanting ang tenga ng mag-amang local officials nang humirit ang primadonang pulitiko ng litanyang hindi dapat binibigyan ng pansin ang ibang kandidato lalo pa’t siya lamang ang itinuturing na ‘reyna’ ng lalawigan.
Sa pagkapikon ng mag-amang local officials dahil harapang dinidiktahan at nagpi-feeling super-close sa mga residente ang kausap, hindi nagdalawang-isip na tumayo ng upuan at nilayasan ang primadonang pulitiko, as in naiwang nakanganga at tulala sa isang tabi ang kumag.
Clue: May letrang “A” ang mag-amang local officials, as in Agaw-eksena tuwing eleksyon dahil sentro ng vote buying at vote padding ang kanilang lalawigan at paboritong ‘pag-aparisyunan’ ni Garci noong 2004 elections, habang saksakan ng plastic ang primadonang pulitiko. Kung presidentiable o vice presidentiable, ito’y meron ding letrang “A” sa pangalan at apelyido, as in Ang hilig sa matandang karelasyon. (mgakurimaw.blogspot.com)
http://www.abante-tonite.com/issue/nov1109/hulaan_blues.htm
No comments:
Post a Comment