Wednesday, November 4, 2009

november 4 2009 abante tonite

Lady solon pa-star effect sa meeting
(Rey Marfil)

Hindi pa man tumatagal sa organisasyon bilang lehitimong miyembro, astang-reyna ngayon ang isang primadonang lady solon kaya’t abot-langit ang pagka-bad trip ng mga katropa sa sobrang ‘plastic’ at pagpapa-star effect sa meeting.

Bago pa man pumasok sa organisasyon ang primadonang lady solon, ito’y isinusuka ng mga ‘elders’ sa partido subalit walang choice kundi tanggapin lalo pa’t isa sa ‘financier’ ang nagbitbit dito.

Ngayong nagkakagulo ang organisasyon, lalo pang lumutang ang masamang pag-uugali ng primadonang lady solon, isang patunay ang ‘pagreyna-reynahan’ at pag-astang ‘wonder wo man’ sa loob ng partido.

Ilang araw ang nakakaraan, muling nasaksihan ng TONITE Spy kung paano ‘nag-feeling reyna’ ang primadonang lady solon sa loob ng organisasyon matapos ‘umepal’, as in umastang lider ga yong ‘saling-pusa’ lamang ang role nito.

Ang nakakatawa sa lahat, hindi man lamang nakapaghintay ang primadonang lady solon na papurihan ng mga kasamahan sa organisasyon dahil mismong kumag ang ‘nagbuhat ng sariling bangko’, katulad ang paglalarawang ‘napakahusay’ nito.

Maging mediamen, hindi nakaligtas sa ‘kaplastikan’ at pag-feeling reyna ng primadonang lady solon matapos isa-isang lapitan ang mga nag-uumpukang reporter upang ipagmalaki ang pagturing ng mga kasamahan bilang bagong lider.

Halos maglupasay sa katatawa ang mga kurimaw sa mga binitawang deklarasyon ng primadonang lady solon, animo’y gusto pang maging modelo ng Coca-Cola Bottlers dahil “First time” ang pagiging presiding officer, katulad sa TV advertisement.

Sa kabuuan, hindi maiwasang maawa ng ilang reporter sa pag-astang reyna ng primadonang lady solon dahil ‘pakunsuwelo de bobo’ lamang ang kapangyarihang ipinagkaloob ng mga kasamahan sa organisasyon, patunay ang mga libak na natitikman kapag nakatalikod ito.

Clue: Wala nang tatalo pa sa primadonang lady solon kung pagiging ‘plastic’ ang competition dahil pang-Guinness Book of Record ang pagpapaistariray sa bawat event. Kung senadora o congresswoman, ito’y meron letrang “R at A” sa kabuuan ng given name, as in Rumaraket sa ibang poder at ang mahilig sa matandang lalaki. (mgakurimaw.blogspot.com)

No comments: