Friday, November 6, 2009

november 6 2009 abante

Presidentiable, ugaling Juan Tamad

Kapag pinalad manalo, mas masahol pa sa mga naupong Pangulo ang isang ambisyosong presidentiable dahil maagang ipinakita ang ugaling-Juan Tamad, hindi pa man nagsisimula ang presidential campaign.


Hindi maiwasang masuka ni Mang Teban matapos madiskubre ang pagiging “Juan Tamad” ng isang ambisyosong presidentiable, patunay ang kawalang interes sumunod sa mga ipinapayo ng mga adviser nito.


Pinakamalala sa lahat, tanghali kung gumising ang ambisyosong presidentiable, animo’y nakadikit ang likod sa banig dahil nakakain ng lahat ng pa­nanghalian, hindi pa rin ito bumaba­ngon sa kama.


Sa nagdaang ilang buwan, lalo pang lumutang ang pagiging ‘special child’ ng ambisyosong presidentiable dahil palaging atrasado sa mga political gathering at madalas absent o hindi dumadalo sa mga pagtitipon dahil tanghali kung gumising at gustong isinusubo lamang ng mga tauhan ang mga dapat gawin ngayong eleksyon.


Pintahan n’yo na: Takot humarap sa mga debate ang ambisyosong presidentiable at walang inatupag kundi magpadala ng substitute, katulad din ng ginagawang pagsangkapan sa ilang kapamilya para ikampanya ito.

Kung gabinete o senador, itanong sa mga parents nito.

3 comments:

Anonymous said...

kilala ko yan ... yan wala ng iba..di ko pansin na takot siya debate kasi di ko maramdaman na kasali pala siya sa mga debateng palabas..

anyway, noon pa naman namin alam na juan tamad yan, kailangan pa siyang gisingin ng nanay niyang namayapa lalo na't may debate na sa sesyon at siya at kayakap pa ang unang amoy panis na laway...bakit kamo, sus naman siya ang presidentiable na mukhang laging tulo laway...sayang nga lamang ang extra special na katangian na bigay sa kanya ng magulang niya, na lagi na nga siyang nakanganga wala namang lumalabas na salita sa bibig niya...kaya ayaw umattend sa mga debate ...hahahaha

Ka Temyong Asar

yanmaneee said...

balenciaga
jimmy choo
off white clothing
adidas nmd r1
nike foamposite
balenciaga sneakers
off white jordan 1
kyrie 6
air max 270
adidas tubular

Unknown said...

this websitelearn this here now Homepageover at this website More about the authorclick this link now