Thursday, November 5, 2009

november 5 2009 abante tonite

Ang TV ads!
Rey Marfil


Dalawampu’t limang (25) araw bago ang November 30 deadline ng Comelec, nakatodo ang TV ads ng mga presidentiables kung kailan nagko-conduct ng survey ang Pulse Asia, maliban kay Erapsky. Kaya’t hindi maiwasang magtanong ng mga kurimaw kung seryoso ang daddy ni Jose, as in Senator Jose ‘Jinggoy’ Estrada Jr., sa presidential race, aba’y pagkatapos agawan ng venue si XP Manny Villar sa Tondo noong October 21, wala nang mala king gimik.

Kapag itinuloy ni Erapsky ang presidential bid, pinakawawa si Jobama Binay at sa malamang ‘mamumuti’ kapag na-disqualify ang ka-partner. Ang malinaw lang, kakainin ni Eraps ky ang alegasyong ‘spoi ler’ si Senator Ping Lacson noong 2004, katulad ng pa nangga sa naging expose. Sino ngayon ang ‘panggulo’ at nagwasak sa oposisyon kung walang ‘One Ticket’?

Kundi magbabago ang desisyon ni Erapsky, makatwiran ang pagkalas ni Kit Tatad noong 2004 dahil binuhay nga naman ni Erapsky ang ‘political dynasty’, maliban kung nakikipag-contest sa padamihan ng mga Arroyo sa government offices? Kundi nag-ingay si Tatad, sa mala mang ‘nagsisikuhan’ sa loob ng session hall ang mag-half brother - sina Jinggoy at JV Ejercito.

At ngayong 2010, apat (4) na Estrada ang nasa tiket ng Puwersa ng Masang Pilipino (PMP). Maliban kay Erapsky, No.1 sa senatorial ticket si Jinggoy habang si JV puntirya ang congressional seat at pagka-mayor si Guia Gomez, isa sa nakarelasyon ni Erapsky. Mabuti na lang, nag-retire si Dra. Loi sa Senate at walang intensyong mag-konsehala si Laarni Enriquez.

***
Napag-usapan ang TV ads, tanging sina Gibo Teo doro at Chiz Escudero ang merong matinong mensahe sa mga botante. Kahit ‘kiss of death’ ang basbas ni Mrs. Gloria Arroyo, malinaw ang mensaheng ‘talino at galing’ sa TV ads ni Gibo-isang patunay kung gaano kaseryosong kandidato ang pamangkin ni Danding Cojuangco kahit miyembro lamang ng Bagong Lakas-Kampi (BAKLA) ang ‘happy’.

Ang TV ads ni Chiz, kahit Grade 1 pupil, maiintindihan kung anong ibig paka­hulugan ng ‘Bagong Pagbabago’ sa pagdami ng mga ‘political prostitute’ at T RAPO (traditional poli tician). Mala-Coke sakto ang TV ads ni Keso dahil pinakamalaking problema ng gobyerno ang rehabilitasyon ng Luzon. Take note: P40 bilyon ang kakailanganin para maibalik ang sinirang imprastraktura nina Pepeng at Ondoy, ‘di pa kasali sina Ramil at Santi sa kuwenta ni Ralph Recto!

In fairness, maayos ang konsepto ng TV ads ni Manny Villar, as in Money, ang nakakalungkot lamang, ‘kina-kapital’, as in ginagamit ang mahihirap upang iangat ang popularidad gayong mahihirap ang tinamaan sa C-5 Road scandal, patunay ang ethics probe ng Committee of the Whole at land grabbing case na isinampa ng mga taga-Norzagaray.

Malinaw din sa privilege speech ni Senator Joker Arroyo sa Lower House kung paano naibenta at pinagkakitaan ni Manny ang Capitol Bank. Iyon nga lang, iba ngayon ang sitwasyon dahil magkatropa sina Joker at Villar. Kundi pa tumatakbong presidente, sa tingin n’yo mamumudmod ng bahay si Villar gayong simula nang maupong congressman hanggang masibak bilang Senate President, ewan lang kung meron nabigyan ng libreng bahay sa legislative house!

Ang nakakatawa sa lahat, hindi malaman ng mga ‘TV addict’ kung bagong ‘station ID’ ng ABS-CBN ang TV ads ni Noynoy Aquino. Kamuntikan pang natulog sa katanghaliang tapat ang kasambahay ni Butch Fernandez, aba’y inakalang ‘nagsa-sign off’ sa pagbu-broadcast ang Channel 2 dahil inakalang national anthem ang kanta ni Regine Velasquez.

Hindi lang iyan, animo’y meron aswang na tinutugis sa parang ang mga talent ni Boy Abunda. Ang gustong palabasin sa TV ads-si Noynoy ang ‘ilaw’ ng Pilipinas, gamit ang kasikatan ng namayapang parents. Ang tanong ng mga kurimaw: kailan tatayo si Noynoy bilang Noynoy Aquino, hindi bilang anak nina Cory at Ninoy? Kaya’t ngayon pa lang, mag-imbak ng maraming sulo sa silong, aba’y asahang araw-araw ang brownout kapag naupo si Noynoy at balik sa daylight saving time (DST) ang mga Pinoy, hindi ba’t ito ang expertise ng ina ni Tito Noy? (mgakurimaw.blogspot.com)

No comments: