Thursday, November 12, 2009

november 12 2009 abante tonite

Ipagpabukas na lang?
Rey Marfil

Ang rekomendasyon ni Dick Gordon, alinsunod sa broadband scandal committee report ng Blue Ribbon committee, paimbestigahan si Mrs. Gloria Macapagal-Arroyo sa Office of the Ombudsman habang pinakasuhan ng katiwalian o graft case sina Atty. Mike Arroyo, ex-Comelec chairman Ben Abalos, mag-amang Jose at Joey de Venecia, DOTC Sec. Larry Mendoza, Depu ty Executive Sec. Manuel Gaite, Asec. Elmer Soneja (DOTC), Asec. Lorenzo Formoso (DOTC), Jun Lozada, SSS president Romulo Neri (ex-NEDA chief) at DENR Sec. Joselito ‘Lito’ Atienza Jr.

Ang tanong lamang ng mga kurimaw: nasaan sina Leo San Miguel, Ruben Reyes at ex-General Quirino dela Torre - ang Fili pino group na nag-lobby sa broadband project, maging ang dumukot kay Brother Jun sa airport?

Kapag sinuri ang committee report na inilabas ni Dick, makatwiran lamang na isama sina Joey at Jun sa kakasuhan. Kung ‘nagkaayusan’ sa Wack-Wack Golf at nakuha ni Joey ang kontrata, ito’y hindi mag-iingay, katulad din ni Jun, hindi ba’t napilitan lamang tumestigo sa Upper House, patunay ang pag-Hong Kong at pagtanggap ng P500 libong baon kay Gaite para ipambili ng winter clothes.

Ibig sabihin, kundi nasukol si Jun, hindi ‘kakanta’ at napakahirap paniwalaang dinukot kung kusang-loob ang pagsama at pag-alis ng Pilipinas. Ang sabit lamang ni Dick, kung hindi pa nangalampag si Joey at hindi pinasyalan ang kanyang opisina nu’ng nakaraang Nobyembre 9, Lunes ng hapon, hindi napag-isipang ilabas ang committee report sa media. Kumpara kay Lozada, ‘di hamak na mas karapat-dapat maging state witness si Joey samantalang puro tago ang drama ni Lozada.

In fairness kay Wow Dick, matapang ang nilalaman ng 10-page NBN-ZTE executive summary. Ang ikina-bad trip lamang ng Senate media noong Martes ng gabi, kung kailan ‘uwian’, saka inilabas ni Dick ang committee report kaya’t mara ming reporter ang nagahol sa oras.

Take note: bago nagpa-presscon, napaka-busy ni Dick sa debate at interpellation, as in matinding daldalan ang sinagupa sa session hall. Kung hindi pa nalalapit ang pag-adjourn ng session, hindi napag-isipan ni Dick na magpa-presscon.

Ang nakakatawa, ‘napagpag’ si Joker Arroyo, ito’y hindi nakaporma sa Media Center kaya’t ipina-embargo ang dissenting o pinion. Ang resulta, umuwing malungkot si Norie Mercado, aba’y hindi naisa lang ang kanyang lolo!

Kung meron dissenting opinion si Joker, tatlong (3) miyembro ng Blue Ribbon committee ang pumalag kung bakit isinama ni Dick sa pinakakasuhan ng graft sina Joey at Jun. Ang statement ni minority leader Nene Pimentel, “Buti naman at inilabas na. Pero sina Joey at Lozada, dapat state witnesses.”

Nag-2nd demotion si Senator Ping Lacson: “As a member of the Blue Ribbon, I am against the inclusion of Jun Lozada and Joey de Venecia among those recommended for filing of graft charges.”

Ganito rin ang hirit ni Sena tor Chiz Escudero: “I don’t think Jun and Joey should be included. They both did a heroic act and we might be discouraging whistleblowers if they are included.”

Sa tatlo, ‘napaka-special’ ng statement ni Senador Benigno Simeon ‘Noynoy’ Aquino III, aba’y mala-Santino ang sagot, as in “babasahin muna ang committee report.” Ang tanong ng mga kurimaw: anong pinagkakaabalahan ni Noynoy bilang miyembro ng Blue Ribbon, maliban kung puro bulakbol at hindi pinag-aaralan ang mga ebidensya at dokumento?

Nakaraang Nobyembre 8, araw ng Linggo, ganito rin ang sagot ni Noynoy sa pagdami ng Class ‘78 o mistah ni Mrs. Arroyo sa mga sensitibong posisyon. Ang text message ni Noynoy, “Pa sensya na, ‘di ko pa nare-research.”

Kung ngayon pa lamang, mahilig ‘ipagpabukas’ ni Noynoy ang mga isyu, anong kapalaran ang naghihintay sa Pilipinas kung mananalong Pangulo, hindi naman puwedeng maghintay ang publiko sa kalalabasan ng research bago bigyan ng solusyon?

Tandaan: delubyo ang problemang kahaharapin ng papalit kay Mrs. Arroyo, ito’y napaka tagal nang problema na hindi kailangan pang i-research at pag-aralan ng sinumang pulitiko! (mgakurimaw.blogspot.com)


http://www.abante-tonite.com/issue/nov1209/opinions_spy.htm

No comments: