Saturday, November 14, 2009

november 14 2009 abante tonite

Senatoriable, namamalimos ng interbyu
(Rey Marfil)

(mgakurimaw.blogspot.com)

Sa hangaring maiangat ang popularidad bilang preparasyon sa pagtakbong senador sa 2010 national elections, nagmistulang ‘timawa’ sa harap ng mga mamamahayag ang isang ambisyosong senatoriable.

Ang rason, namalimos ng interbyu ang ambis yosong senatoriable at gumawa ng eksena para mapansin ng mga repor ters, kalakip ang hangaring makunan ng soundbite at mabigyan ng espasyo sa peryodiko.

Nasaksihan ng TONITE Spy kung paano ‘namalimos’ ng interbyu ang ambisyosong senatoriable, animo’y nagpu-forum shopping, katulad ng mga bayarang testigo na nag-iingay sa iba’t ibang coffee shop at media forum para mapansin ng publiko.

Ang ikinasuka ng mga kurimaw, harapan ang pang-aagaw-eksena ng ambisyosong senatoriable dahil inilalako ang kanyang sarili para mapansin ng mga reporter at naghihintay ng ‘cue’ para mapitikan ng mga photographer, as in drama ang lahat ng ikinikilos nito.

Maging miyembro ng Upper House, hindi nakaligtas sa drama ng ambisyosong senatoriable kung saan nasampolan ang mga senador sa inihandang script ng kumag, katulad ang pamamasyal sa opisina ng mga mambabatas.

Ang nakakatawa lamang, hindi umubra ang drama ng ambisyosong senatoriable sa harap ng ilang senador dahil walang photographer at cameraman ang kumagat sa kanyang script at hindi man lamang ‘napitikan’ ang pinupuntiryang photo opportunity (photo ops).

Hindi rin kinagat ng mga reporter ang pagpapaawa effect ng ambisyosong senatoriable dahil walang pumatol sa istor yang inilalako at hindi rin pinansin ang press confe rence na ninanais nito.

Dahil walang pumansin sa kanyang drama, muling gumawa ng eksena ang ambisyosong senatoriable kung saan tumambay sa pintuan ng Senate Media Center at lahat ng mediamen na pumapasok ay binabati para mainterbyu subalit tablado pa rin ito.

Clue: Nagkukunyaring may delicadeza ang ambisyosong senatoriable gayong pera-pera ang misyon sa gobyerno. Kung negosyante o nakakalbo, ito’y meron letrang “Y” sa kabuuan ng pangalan at apelyido, as in Yumaman ang pamilya sa corruption.


http://www.abante-tonite.com/issue/nov1409/hulaan_blues.htm

No comments: