Sa halip mabawasan ang masamang impresyon ng media sa isang ambisyosang lady solon, lalo pang tumingkad ang pagka-bad trip dahil alipin at bayaran ang turing ng mambabatas sa mga mamamahayag. Paulit-ulit naisusulat ang kakaibang karakter ng ambisyosang lady solon subalit hindi pa rin ito nagbabago ng diskarte at mas lalo pang lumalala ang masamang pag-uugali ngayong naghahangad ng mas mataas na posisyon sa gobyerno. Nasaksihan ng TONITE Spy kung gaano ka-bad trip ang mga mediamen matapos ituring na alipin ng ambisyosang lady solon, animo’y bayaran at utusan na pwedeng pagmumurahin, batuhin ng kinumos na dyaryo at tagabitbit ng pasador sa loob ng comfort room kapag hindi nasunod ang request, katulad ng nakaugaliang gawin kapag nagagalit. Bagama’t meron lehitimong media relation officer (MRO) o tauhang nagsisilbing ‘road manager’ sa loob at labas ng opisina nito, walang ‘kapinu-pino’ kung magsalita ang ambisyosang lady solon dahil dinidiktahan ang mga reporter kung anong dapat gawin. Ang nakakasuka sa lahat, harapan pang inuutusan ng ambisyosang lady solon ang mga mediamen kung anong istorya ang dapat isulat tungkol sa press conference kung saan daig pa ang isang deskman o news editor kung alilain ang mga reporter. Hindi lang iyan, pinakikialaman din ng ambisyosang lady solon ang pag-anggulo ng balita. Ang pinakamalupit sa lahat, tumatawag sa management o big boss ng mga media organization ang ambisyosang lady solon kapag hindi nagustuhan ang balita at kung anu-anong kasinungalingan ang isinusumbong. Clue: Saksakan ng plastic ang ambisyosang lady solon at saksakan din ng balimbing, patunay ang pag-iwan sa mga kaibigan, kapalit ang multi-milyon pisong pondo. Kung kongresista o senadora, ito’y meron letrang “A” sa kabuuan ng pangalan at apelyido, as in Ang hilig sa matandang karelasyon. http://www.abante-tonite.com/issue/nov2809/hulaan.htm
|
4 comments:
parang kilala ko ang lady solon na ito sa kolum n'yo. dati rin siyang sikat na media practitioner na saksakan ng balimbing.
umiyak noong panahon ng erap impeachment dahil hindi mabubuksan ang sobre na magdidiin daw sa ex-prexy.
nitong huli, dahil malakas pa rin si erap, aba kumampi kay erap.
pinaimbestigahan si manny villar sa isyu ng c5 road, pero tingnan naman ninyo kung nasaan siya ngayon... runningmate ni sikap at tiyaga!
kahit tumakbong barangay chairman 'yan, hindi ko iboboto.
pansariling interes ang nasa kukote ng plastic na 'yan... hindi ang kagalingan ng bayan.
mabuhay kayo!
alex areta
mbt shoes
air max 90
air max 95
yeezy boost 350
adidas flux
yeezy
nike react flyknit
jordan retro
coach outlet
adidas gazelle sale
j7t99i6f37 v8f72d4h57 p5o85i8n36 i7z14f4u94 i2r31h3h84 q3p06h9v63
n0c58j7j02 k6r91o7w27 m4r77n5d83 a9r53r8q03 j0v53z9q31 x2f65q6x91
Post a Comment