Monday, March 30, 2009

march 30 2009 abante tonite

Solon nagpaka-tuta para kay misis­
(Rey Marfil)

Ang pagiging ‘dagain’ ng dibdib ang malaking rason kung bakit inaabuso ng isang bagitong miyembro ng Kongreso ang kapangyarihan at makinarya ng gobyerno, kasunod ang pagkakadiskubreng isang ‘heavyweight’ sa 2010 national elections ang makakabangga ng misis nito.

Sa report na nakalap ng TONITE Spy, mas lalo pang pinagtibay ng bagitong solon ang pagsipsip sa isang mayamang pulitiko kahit nagmumukhang katawa-tawa sa mata ng publiko para lamang maipanalo ang kanyang esposa sa 2010 elections, gamit ang makinarya ng huli.

Bagama’t magkapareho lamang ng trabaho, as in magka-level ng katungkulan sa gobyerno, nagsisilbing ‘spokesman’ at ka-double ng mayamang pulitiko ang bagitong solon dahil walang ibang matatakbuhan sa 2010 elections ang pamilya nito.

Napakaraming salapi ng mayamang pulitiko kung kaya’t halos himurin ng bagitong solon ang tumbong ng kasamahang mambabatas basta’t masiguro lamang na mabibigyan ng malaking pondo ang kanyang esposa lalo pa’t multi-bilyon ang naisubi at nanakaw ni Go­vernment official na maaa­ring gamitin sa 2010.

Dahil ‘all-out war’ ang Arroyo administration sa kabilang bakod, para kay Government official, nagla­lakihan ang mga ‘daga’ sa dibdib ng bagitong solon at halos umakyat ang dalawang balls sa kanyang lalamunan tuwing nababanggit ang mala-super power resources o makinarya ng makakalaban ng kanyang misis.

Katulad ng madalas usap-usapan sa kanto, inaasahang mauuwi sa ‘pera-pera’ ang labanan sa mayoralty race lalo pa’t sandamukal ang naipon at nakulimbat ni Government official kung kaya’t lahat ng paraan upang mapabango ang imahe ng kanyang misis, ito’y ginagawa ng bagitong solon kahit naaabuso ang government resources.

Clue: Iisa ang hugis at kulay nina Government official, mayamang pulitiko, at bagitong solon dahil parehong balimbin­g at hun­yango. Mabuti pa nga ang alagang si Moymoy, ito’y naturuan ni Voltaire Sa­galongos na mag-lay down kahit matagal nawalay sa amo kumpara sa bagitong solon na kinagat sa leeg ang lahat ng taong nagpa­kain at nagbigay ng masisilungan sa panahong bina­bagyo. Kung sino ang solon, ipagtanong kina Aling Matet at Lotlot. (www.mgakurimaw.blogspot.com)

3 comments:

mgakurimaw said...

sino sa tingin nyo eto? sige nga maghulaan kayo. ang makakahula, mananalo ng round trip via orange jeep mula pasay papuntang gsis building... hehehe

Anonymous said...

si pedro.ang itik man at si angie

mgakurimaw said...

bata mo ko mr. anonymous....