NAPULITIKA NA, NAKALIGTAAN PA!
Sa paglubog ng MV Princess of the Star, walang ibang pinag-uusapan kundi ang retrieval operation gayong mas malaking problema ang kinakaharap ng mga taga-Sibuyan Romblon. Ngayong kumpirmadong naglalaman ng 10 toneladang pestisidyo ang barko, mas lalong inilublob sa kumunoy ng may-ari ng Sulpicio Lines ang pamumuhay ng mga taga-Romblon, aba'y saan mangingisda kung kontaminado ng nakakalasong kemikal? Take note: 75% ng residente sa Sibuyan Romblon ang umaasa sa pangingisda, as in livelihood ang mangawil at sumisid sa karagatan upang mapakain ang pamilya. Sa nangyayaring pagtuturuan, sa malamang masisi pa ang mga taga-Romblon kung bakit nagkaroon ng bahura sa Cresta de Gallo!
Subukan nyong ikutin ang tatlong (3) major island ng Romblon province, kinabibilangan ng Sibuyan, Tablas at Romblon, eh baka tumulo ang inyong luha kapag nakita nyo ang sinapit nang aking mga kababayan sa labing-pitong (17) munisipalidad. Ibig sabihin, kasing-lupit sa sinapit ng mga taga-Iloilo ang natikman mga taga-Romblon. Masuwerte lamang, ito'y maagang nabigyan ng babala kaya't naka-alis sa baybayin bago pa man nanalasa si Lolo Frank subalit lingid sa kaalaman ng nakakarami halos tatlong (3) libong pamilya ang nawalan ng tahanan o winalis ang kanilang bahay ng mala-bundok na alon.
Ang masakit, walang pakialam ang Sulpicio Lines sa hinaing ng mga taga-Romblon, katulad din ng pagtalikod sa responsibilidad sa mga biktima ng paglubog sa nagdaang 21-taon. Kung may kapangyarihan lamang ang local government units (LGU's), ito'y matagal hinarang sa karagatan ng Romblon lalo pa't puro delubyo at trahedya ang ibinibigay sa publiko.Keysa paulit-ulit ang katangahan sa operasyon, bakit hindi 'ipa-baradero' ng misis ni Jose Pidal ang lahat ng pag-aaring barko ng Sulpicio Lines. Kundi magawa ni Mrs. Arroyo na rendahan lalo pa't kaibigan ang may-ari ng Sulpicio, mas makakabuting iboykot at huwag sumakay sa kanilang barko sa 2018, aba'y kada 10-taon, ito'y nasasangkot sa paglubog.
@@@
Ang isa pang nakakalungkot, hinahaluan ng pulitika ang trahedya, katulad nangyari kay Romblon Cong. Leandro 'Budoy' Madrona, aba'y ini-report ng isang a certain Beng Solis, umano'y reporter ng Radyo Natin (RN)-Romblon ang paglamyerda ng kongresista sa Macau, kasama ang tatlong (3) mayor ng Sibuyan habang binabayo ni Lolo Frank ang lalawigan gayong mas nauna pa yatang nakarating sa pinaglubugan ng MV Princess of the Star si Budoy keysa kay Solis nasa Looc Romblon lang. Mabuti lamang, hindi napagkalamang multo ni Solis sina Budoy at San Fernando Mayor Nanette Tansingco nang ma-interbyu nang live sa Sibuyan Island.
Kundi nagkakamali ang Spy, miyembro ng Sanguniang Bayan (SB) sa Looc Romblon si Solis at nagmamay-ari ng Radyo Natin-Romblon. Alam nyo naman, maraming 'mangyan' sa probinsiya kaya't nanalong konsehala. Ang katotohanan, deklaradong kaalyado ni ex- Cong. Eduardo 'Lolong' Firmalo si Solis. Ni sa panaginip, ayokong isiping hindi matanggap ang pagkatalo ng kanyang amo kaya't idinadaan sa pang-intriga ang pagre-report sa Maynila. Mabuti lang, patas ang dzRH radio ni Mareng Milky Rigonan kaya't kaagad naituwid ni Budoy ang maling akusasyon sa kanya.
Ang reklamo ng mga kurimaw, sa halip unahin ang kapakanan ng mga taga-Romblon lalo pa't napakalaki ng damage sa lalawigan, as in halos burahin sa mapa ang ilang komunidad, katulad ng Brgy. Sablayan, Romblon, Romblon- ito'y hinahaluan ng pulitika. Bakit hindi mag-trabaho si Solis keysa gumawa ng dispalinghadong script sa media. Anyway, pinaka-latest na pag-atake ni Solis, ayon kay Budoy, ito'y inakusahang nasa Amerika at nanood ng laban ni Manny Paquiao sa Mandalay Bay, Las Vegas gayong kasama nang kongresista si Vice President Noli De Castro noong Linggo para i-ocular ang probinsiya. Talagang ang dumi ng pulitika, kahit itanong nyo pa kay birthday boy Little Mike Defensor nagdiwang ng kaarawan kahapon!
2 comments:
kurimaw, nasa macau naman talaga si buday panahon ng bagyong frank. palibhasa tsutsu ka ng baklang solon!
oo haoshao yang si marfil, kababayan ko 'yan pero taeng-baka 'yan dun. hindi naman pinapansin yan sa romblon. taga-bukid yan.
Post a Comment