Bagama’t nabaklas nang lahat ng billboard at poster sa kalsada, hanggang ngayon, hindi pa rin isinusuko ng mga kurimaw sa Upper House ang senaryong inakala ng kaibigang matalik ni Edong Angara--si Senadora Loren Legarda na ‘Toyota-Lucida’ ang i-eendorsong produkto sa masa, iyon pala’y pekeng pampaputi ng balat. Kahit itanong n’yo pa kay Korina Sanchez na kasama ni Senador Mar Roxas na nagbakasyon sa Japan. Anyway, ang biruan ng mga reporter bago ang lunch gathering sa Senate Lounge kahapon, eh kung i-aanunsyo ni Mr. Palengke ang pagpapakasal kay Ate Koring? Iyan ang hindi kayang gawing gimik ni Mam Loren sa 2010, ito’y hindi pa annulled sa kanyang mister, ‘di ba Kuya Edong?
Ang nakakatawa lamang kay Loren Sinta, pinatagal ang isyu at hinayaang lumaki ang eskandalo sa pekeng whitening pills bago inatras ang endorsement gayong paulit-ulit pinanindigan ng Bureau of Food and Drugs (BFAD) ang findings laban sa Lucida-DS, maliban kung pinanghihinayangan ng amo ni Willy Fernandez ang naglalakihang billboard sa Epifanio Delos Santos Avenue. Sabagay, sayang din iyong dalawang (2) buwang exposure sa kalye, kahit paano merong siguradong napaniwalang botante sa kanyang alindog. Iyon lang, paano paniniwalaan ng publiko ang ex-wife ni murder suspect at ex-Batangas Gov. Tony Leviste kung inaakusahang peke ang produktong iniendorso, maliban kung sanay makipag-plastikan sa publiko at palalabasing genuine ito?
***
Sa sobrang lawak ng Cavite at lumolobong populasyon, napapanahon lamang ang karagdagang kinatawan sa Lower House. Sa tala ng National Statistics Office (NSO) noong Agosto 1, 2007, pumalo sa 2,856,765 ang populasyon ng Cavite, kasunod lamang ang 2.83 milyon ng Bulacan at pangatlo ang 2.65 milyon ng Pangasinan. Mula sa tatlong (3) congressional district, gagawing pitong (7) distrito ang lalawigan, alinsunod sa Senate Bill No. 2428 ni opposition Senator Panfilo ‘Ping’ Lacson. Iyon nga lang, iniintriga rin ang interes ng mga incumbent local officials sa magiging partehan ng nasasakupan o munisipalidad.
Ang proposal ni Lacson, magiging 1st district ang Cavite City, Kawit, Noveleta at Rosario habang 2nd district ang Bacoor--ito’y dating kasama sa 1st district. Ni sa panaginip ayokong isiping ipinamimigay at gustong takbuhan ni Cong. Jun Abaya ang Bacoor dahil balwarte ng kalaban at nakaporma ang pamilya Revilla sa distrito, eh napakatapang pa naman ni General Emilio Aquinaldo, hindi kaya magalit sa kanyang apo? Maging ang pagsolo ng Imus bilang 3rd district, napakalinaw ang planong pagtakbo ni Gov. Ayong Maliksi bilang congressman sa 2010 lalo pa’t last termer at walang mapupuntahan, eh paano siya babalik ng Kapitolyo kung tambay ng tatlong (3) taon. Take note: anak ni Gov. Ayong ang alkalde sa Imus--si Mayor Manny Maliksi na bagong upo lamang noong 2007 polls.
Hindi lang iyan, iwas-kalaban din ang pagsolo ng DasmariƱas bilang 4th district at paglilipat sa 5th district ng Carmona, General Mariano Alvarez (GMA), kasama ang Silang. Take note: DasmariƱas lang nanalo si Cong. Barzaga laban kay ex-Cong. Gilbert Remulla, mas makakabuti nga namang ipamigay ang balwarte ng kalaban, katulad din ng mangyayari sa Amadeo, ito’y isinama sa Trece Martires City, General Trias, at Tanza bilang 6th district, hindi ba’t taga-Amadeo ang kalaban ni Cong. Boying Remulla? In fairness kay Idol Boying, ito’y walang inaatrasang laban pero mas tahimik ang kanyang buhay sa 7th district, kinabibilangan ng Tagaytay City, Alfonso, General Aguinaldo, Indang, Magallanes, Maragondon, Mendez, Naic, at Ternate. Everybody happy ‘di ba?
(www.mgakurimaw.blogspot.com)
No comments:
Post a Comment