Monday, July 28, 2008

hulaan blues july 26 2008 issue abante tonitehttp://www.blogger.com/img/gl.align.full.gif

Lady solon mahilig mag-flirt sa matatandang boys
(Rey Marfil)

Kung anong hina sa mga sinasalihang debate at diskusyon sa floor, ito’y kabaliktaran sa sobrang galing ng isang mestisahing lady solon kapag pagpi-flirting ang pag-uusapan sa hanay ng mga matatandang boys.

Hindi maiwasang masuka ng TONITE Spy, sampu ng naglipanang kurimaw sa session hall, kasunod ang pagkakadiskubreng mahilig mag-flirt o paboritong landiin ng lady solon ang mga matatandang kelot, as in ‘forgettable’ ang edad ng mga ito.

Bagama’t maituturing nang malaya ang lady solon at may karapatang lumigaya sa buhay dahil matagal nang hiwalay sa kanyang abogadong mister, hindi pa rin maiwasang magtaas ng kilay ng mga miron lalo pa’t umaastang tinedyer ito.

Ang matinding re­velation sa lahat, mas kursunada ng lady solon na landiin ang mga matatandang kelot, katulad ng mga mayayamang negosyante at ilan pang amoy-lupang mambabatas na nagkakainteres sa alindog nito.

Isa lamang sa eksenang ikinagulat ng mga miron ang pagpi-flirt ng lady solon sa Australian trip, kasama ang mga mayayamang negosyante kung saan halos ikiskis ang kanyang katawan kapag nakikipag-usap.

Maliban dito, dala pa rin ng lady solon ang nakaugaliang makipagbulungan sa mga lala­king nakakatabi ng upuan, katulad ng paboritong gawin sa loob ng session kung kaya’t madalas itong pinagpipiyestahan ng mga kapwa solon.


Clue: Wala pang napapatunayan ang lady solon simula nang maluklok sa puwesto, maliban lamang sa pakikipagbeso-beso sa floor, pagdalo sa mga ribbon-cutting at pagsali sa sports event. Ito’y meron letrang ‘P’, as in paborito ang sumali sa sports event. Kung senadora o congresswoman, kayo ang humusga.

(www.mgakurimaw.blogspot.com).

No comments: