“‘Yung iba sa distribution ng committees. ‘Yung iba naman nagagalit dahil hindi masyadong mabilis ang takbo. Well you know those are things that happen in a situation where the parties are really nebulous. Wala talagang partido dito. It really is a conglomeration of personalities. Kung sinu-sino ang kasama. Kaya makikita mo ‘yung kakampi mo ngayon baka hindi mo na kakampi bukas,” -- ito ang laman ng interview kay Dick Gordon. Sa madaling salita, partehan ng komite ang malaking rason kung bakit pinagtangkaang sibakin si Senate President Manuel Villar Jr., lalo pa’t ‘Cayetano siblings’ ang napapaboran -- sina Pia at katukayo ni Joselito. Ang tanong, sinubukan bang manalamin ni Dick, aba’y tatlong komite ang idini-direct ngayong 14th Congress, maliban kung talagang naulyanin at nakalimutan ang chairmanship ng constitutional amendments, government corporation at tourism committee! Hindi lang iyan, tatlo ang oversight committee ni Dick -- ang Government Procurement Act, Overseas Voting Act of 2003 at Automated Election System plus membership sa Commission on Appointments (CA). Ni sa panaginip, ayokong isiping napakagahaman sa kapangyarihan ni Dick kaya’t gustong ‘dapaan’ ang lahat ng komite, katulad ng blue ribbon committee, eh 23 naman ang Senate members at maraming beterano sa Solid 8! In fairness kay Dick, ito’y hindi nag-iisa dahil tatlo rin ang chairmanship ni Kuya Edong Angara -- ang itinuturong mastermind sa kudeta, maliban kung epekto ng ‘20% discount’ ang pagkaka-amnesia sa agriculture, banks at science committee plus Oversight on Agricultural and Fisheries Modernization. Take note: P24.1 milyon ang annual budget ng agricultural oversight ni Kuya Edong. Sa mga nagtatanong kay Mam Pia na may hawak sa tatlong komite -- ang environment, women’s at ethics, alam n’yo bang P2.48 milyon ang annual budget ng Oversight Committee on Clean Air Act at P2.5 milyon ang Oversight Committee on Philippine Clean Water Act, eh ano pa kaya si Alan Cayetano, alangang ‘barya-barya’ lang ang annual budget gayong pinaka-powerful sa lahat ang blue ribbon, hindi pa kasama ang education, maliban kung itatanggi ni Pidro ang humigit-kumulang P20 milyong pondo ng blue ribbon. At hindi rin siguro mami-mental black out si Lola Miriam Santiago para makalimutan ang powerful energy committee at foreign relation na itinitimon, maging ang dalawa pang pinakamakapangyarihang oversight committee -- ang Congressional Power Commission at Legislative Oversight on Visiting Forces Agreement (VFA). Take note: P25 milyon ang taunang pondo ng Powercom plus P7 milyon sa VFA oversight. Sa tingin n’yo, papayag si Lola Miriam magka-kudeta ngayon pang gumagaling ang sakit kapag nakakapag-abroad, kasama si Gloria? Kahit itanong n’yo pa kay presidential adviser on special concern Narciso Santiago! (www.mgakurimaw.blogspot.com) |
No comments:
Post a Comment