Wednesday, July 30, 2008

hulaan blues july 30 2008 issue abante tonite

Usec naglalaway sa PIO chief
(Rey Marfil)

Katulad ng kasabihang ‘kalabaw lang ang tumatanda’, sagad-sagaran pa rin ang pagkahilig sa sariwang laman ng isang kampon ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo, patunay ang paglalaway sa sariling Public Information Office (PIO) chief nito.
Sa report na nakalap ng TONITE Spy, tulo-laway si Undersecretary (Usec) sa alindog ng inarkilang PIO chief, animo’y palaging tumitira ng mga nakukum­piskang kontrabando ng kanilang ahensya kung kaya’t matinding pagla-lobby sa bagong boss upang makaligtas sa inaabangang re­organisasyon o paglilinis ng board.
Ang nakakatawa lamang, nanga­ngamoy-lupa si Usec at kasalukuyang tinatamasa ang ‘20% discount’ na ipinagkakaloob ng gobyerno habang amoy-beybi ang pinupuntiryang PIO chief, as in 25 years old ang bebot.
Bagama’t hindi mala-modelo ang 5’4 height o pang-beauty queen ang kagandahan ni PIO chief, hindi maipagkakaila ng mga kurimaw sa ahensya ang katotohanang batambata at amoy-sariwang bulaklak ang bebot.
Maliban dito, maganda ang mukha at balingkinitan ang katawan ng PIO chief at lalo pang nakadagdag sa resume ang pagiging graduate ng University of the Phi-lippines (UP) para pagkainteresan ni Undersecretary.
Bago pa man nagkaroon ng bagong boss ang board, nadiskubreng matindi ang tama ni Usec sa inarkilang PIO chief, patunay ang pagiging ‘espesyal’ sa opisyal tuwing tanghalian, maging sa coffee break at iba pang patay na oras.
Maging sa tambayan ng mga empleyado, kalat ang paglalaway ni Undersecretary sa morenang PIO chief at walang pakialam ang opisyal sa mga tsismis, katulad ang alegasyong mag-lolo ang arrive ng dalawa kapag pinatulan ito.
Nang matunugan ni Undersecretary ang rigodon, ikinatakot ng opisyal ang pagkawala sa kanyang paningin ni PIO chief, as in ninerbiyos itong ‘mabulaga’ ng bagong hepe kaya’t daig pa ang lehitimong lolo kung i-lobby ang pananatili sa puwesto ng bebot.
Clue: Graduate ng UP noong 2005 ang PIO chief at merong letrang ‘C’ sa name, as in Come baby habang never-heard si Undersecretary (Usec), maliban sa pagiging retiradong police general kung kaya’t napaka-tulis sa tsiks. Ito’y merong initial ‘G’, as in Gigil si sir at posibleng ma-Eat Bulaga ni Tito Sen sa kanyang diskarte. (www.mgakurimaw.blogspot.com)!

No comments: