Friday, July 18, 2008

kartada 5 abante issue july 18 2008

SENADOR, NALIGAW SA MAPA NG ROMBLON

Kung may isang daldalerong senador ang nagkaligaw-ligaw sa Romblon province sa isinagawang relief operation, mas malupit ang ginawa ng isang kasamahang mambabatas dahil na-row four sa mapa ng lalawigan.

Sa halip matuwa si Mang Teban dahil ipinakita ng matandang senador ang sobrang concern sa sinapit ng mga taga-Sibuyan Island matapos lumubog ang barkong MV Princess of the Star, ito’y nabalutan ng pagkadismaya sa mambabatas.

Ang rason, kasing-linaw ng tubig-dagat sa Cresta de Gallo na pinaglubugan ng MV Princess of the Star ang pagiging ‘row four’ sa geography ng matandang senador, animoy absent nang pag-aralan sa Araling Panlipunan ang mapa ng Pilipinas.

Sa hangaring makapagpa-pogi sa publiko, sa pamamagitan ng pagsakay sa isyu, isang press conference ang ipinatawag ng matandang senador upang ipagmalaki ang nalalaman sa nautical issues, bitbit ang malaking mapa ng Pilipinas.

Sa puntong ito, nag-demonstrate ang matandang senador kung saan dumaan ang barkong MV Princess of the Star, maging ang mata ng bagyong Frank subalit sa kasagsagan ng press conference nagkaligaw-ligaw ang mambabatas at kamuntikan pang lumabas sa mapa ng Pilipinas ang explanation, as in umabot hanggang China Sea ito.

Hindi maiwasang pagtawanan ang matandang senador dahil nagkunyaring ‘super-henyo’ sa mapa ng Romblon gayong hindi man lamang nasayaran ng tubig-dagat sa lalawigan ang kanyang talampakan, as in hindi pa nakarating dito.

PIntahan nyo: Malapit nang mag-retiro sa pulitika at nakapahilig sumakay sa isyu ng matandang senador kahit paulit-ulit na sumi-semplang ang mga diskarte at nakukuryente sa mga impormasyon dahil sa sobrang alarmist nito. Ito’y napakatapang sa giyera subalit takot sa kanyang misis kung saan meron letrang ‘N’ sa kabubuan ng apelyido.

No comments: