Monday, July 21, 2008

hulaan blues july 21 2008 issue abante tonite

Presidentiable ‘napasukan’ ng dating adik
(Last Part)
(Rey Marfil)

Hindi nagtatapos ang kuwento sa pagkakapasok ng dating adik sa kampo ng presidentiable matapos madiskubreng kaagad itong pinagbakasyon at hindi man lamang nainitan ang puwet bilang chief of staff ng Communication Group (Com-Group).
Sa report na nakalap ng Tonite Spy, isang araw makaraang magpakilala ang dating Undersecretary (Usec) bilang kapalit ng dating chief of staff ng presidentiable, nagmistulang usok ng marijuana na paboritong singhutin ng opisyal ang pagkawala sa eksena nito.
Ang rason, pumalag ang karamihan sa mga kaibigan ng presidentiable sa pangunguna ng mga mediamen na kilalang sanggang-dikit ng mambabatas kung saan ibuking ang masamang imahe ni ex-Usec.
Bago pa man sinibak si ex-Undersecretary, ito’y naunang binitbit sa Cubao area ng dating gabinete ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo na tumatayong adviser ng presidentiable para ipakilala sa mga kasamahan sa opisina nito.
Napag-alaman sa isang ‘get together’ na ipinatawag ng dating gabinete ni Mrs. Arroyo para ipakilala ang bagong recruit nitong chief of staff sa Com-Group kung saan masayang nagkainan at nagkakuwentuhan ang lahat.
Isang araw makaraang lumabas sa blind item ang bagong posisyon ni ex-Undersecretary, sangkaterbang tawag ang natanggap ng presidentiable, maging mga kapamilya at karelasyon kung saan pinandidirihan ang pagkapasok ng dating opisyal sa kanyang kampo.
Dahil likas sa presidentiable ang masunurin sa ina at kapatid, as in ‘super mamas boy’, kaagad inalis si ex-Undersecretary bilang chief of staff ng Com-Group, kasabay ang pangambang maapektuhan ang kanyang political career at magiging pabigat sa ginagawa nitong pagpapabango ng imahe sa media ang pagkakaroon ng dating adik na tauhan.
Clue: Meron letrang A. N. sa apelyido ang dating gabinete ni Mrs. Arroyo na nagbitbit kay ex-Undersecretary sa kampo ng presidentiable habang anak ng namayapang senador ang nag-resign nitong chief of staff na isa rin dating Undersecretary. Ito’y binansagang ‘Boy Adik’ habang letrang ‘M’ ang presidentiable, as in malapit nang lumagapak ang popularity rating kahit maraming pera ang magulang.(www.mgakurimaw.blogspot.com)

No comments: