Wednesday, July 9, 2008

hulaan blues july 9 issue abante tonite

PORK BARREL, NAMIMI-MISS NG EX-SENATOR!

Taliwas sa deklarasyong magbabalik-Senado para kumpletuhin ang mga naiwang legacy at ipagpatuloy ang advocacy bilang solon, walang ibang motibo ang isang dating senado kundi tapusin ang nakabinbing kontruksyon ng bahay nito.

Sa report nakalap ng Tonite Spy, ikinunsidera ng dating senador ang pagbabalik sa posisyon dahil sobrang namimi-miss ang humigit-kumulang P200 milyong pork barrel kada taon taliwas sa naunang deklarasyong magre-retiro at magbabantay na lamang ng kanyang mga apo ito.

Ang rason, hindi namimi-miss ng matandang ex-senator ang trabaho sa Upper House, katulad ng madalas nitong bukambibig sa mga kaibigan at dating ka-trabaho kundi ang komisyon sa multi-bilyon pisong pork barrel tinatanggap kada taon, patunay ang pagpapatayo ng sariling bahay sa mga anak nito.

Sa panahon ng panunungkulan bilang deputado sa loob ng labing-dalawang (12) taon, wala naman napatunayan ang matandang ex-senator, katulad sa paglikha ng matitinong batas kund nagpapa-cute lamang sa camera subalit naipatayo ng bahay ang mga anak sa Ayala Alabang.

Maliban sa pagpapa-cute sa camera, katulad ang mga walang katapusang pagpapa-kenkoy sa mga interbyu, wala din naambunan ng pork barrel ang matandang ex-senator dahil ipinagbabawal ang manghingi ng medical at financial assistance sa office nito.

Nang mabakante sa puwesto at maranasang mahiwap ang tambay sa kanto, napagtanto ng matandang ex-senator kung gaano ka-importante ang pork barrel sa kanyang pamilya lalo pa’t walang ibang bread and butter ang kumag kung kaya’t ikinunsidera ang pagbabalik sa katungkulan.

Sa hangaring mabigyang katwiran ang pagbabalik sa Upper House, kinasangkapan ng matandang ex-senator ang nakabinbing proyekto sa kaniyang lalawigan na kailangang tapusin, partikular ang ospital na ipinagpatayo ng mokong gayong komisyon sa pork barrel ang tunay na motibo nito.

Clue: Kung anong kenkoy sa publiko at pag-astang napakabait sa publiko, siyang bugnutin ng matandang ex-senator kaya’t bad-trip ang ilang memdiamen sa Upper House. Ito’y meron letrang ‘A at L’ sa kabubuan kanyang apelyido, as in Ang Lupit sa mga constituents. (www.mgakurimaw.blogspot.com)

No comments: