Monday, July 14, 2008

hulaan blues july 14 2008 issue abante tonite

SENADOR, NAPIKON SA PAGIGING BULAKBOL!


Sa halip magsilbing leksyon ang pagiging isa sa nakapagtala ng pinakamaraming absent nakaraang 1st regular session, labis ikinapikon ng isang miyembro ng Upper House ang pagkakabansag bilang absenero at bulakbol sa pagdalo ng sesyon.


Kung patay-malisya lamang ang ilang kasamahang nabansagang absenero dahil kasalanan naman ang pag-absent sa sesyon, hindi matanggap ng isang senador ang pagkaka-semplang sa attendance record ng Upper House matapos mapabilang sa mga bulakbol, patunay ang paghahanap ng katwiran upang idepensa ang sarili nito.


Isang araw makaraang lumabas sa peryodiko at mai-report sa radyo ang attendance sheet nakaraang 1st regular session, katumbas ang 88-session days, nasaksihan ng Tonite Spy kung paano umusok ang ilong at tainga ng senador sa tindi ng pagkapikon at galit sa mga reporter.


Ang matinding revelation sa lahat, kaagad naghanap ng mapagbibintangan ang senador, sa pamamagitan ng pagtatanong sa mga kaibigang mediamen kung sino ang ponente sa paglabas ng tally sheet, kasabay ang pagdududang itinitimo ng isang presidentiable ito.


Isa sa pinagbibintangan ng senador bilang mastermind sa paglabas ng attendance sheet, walang iba kundi ang isa sa posibleng makakalabang presidentiable sa 2010 national election, as in abot-Aurora province ang insecurity ng mambabatas lalo pa't sangkaterba ang pera ng huli kumpara dito.


Lingid sa kaalaman ng senador, isang lehitimong dokumento ang nakuhang attendance sheet at rekord ng Senate reporters tungkol sa absences ng mga mambabatas kung saan aksidenteng isa ang kumag sa pinakamaraming liban o pagbubulakbol sa sesyon.


Sa hangaring makabawi sa kahihiyang inabot bilang isa sa bulakbol, kaagad naglabas ng propaganda ang mambabatas sa pamamagitan ng press statement at ipinagmamalaki ang magandang nai-ambag sa Upper House nito.


Hindi pa nakuntento sa press statement, nagpakalat din ng text brigade ang kampo ng senador upang palabnawin ang naglabasang balita tungkol pagiging bulakbol sa sesyon, as in muling napakinabangan ng kanyang PR manager ang mga pinakyaw na SIM card sa Greenhills San Juan.


Clue: Saksakan ng plastik ang senador at matindi ang obsession nitong makarating ng palasyo kung kaya't nilunok ang lahat ng pride sa pulitika at naging iyakin ang drama. Kung kelot o bebot ang senador, kayo ang humusga sa 2010 polls lalo pa't mahilig sa matandang karelasyon. (www.mgakurimaw.blogspot.com)

No comments: