Tuesday, July 29, 2008

spy on the job july 30 2008 issue abante tonite

Deal or no Deal
Rey Marfil


Dalawang linggo bago ang pagbubukas ng 2nd regular session, umugong ang kudeta laban kay Senate President Manny Villar Jr., as in planong sibakin ang mister ni Mam Cynthia. Ang itinuturong mastermind, walang iba kundi ang kaibigang matalik ni Loren Sinta--si Kuya Edong Angara. Ang tanong ng mga kurimaw: may numero ba? Kung wala, aba'y sayang ang mga tawag sa cellphone, pakikipag-meeting at pagpupuyat ng ex-boss nina Atty. Frank Abalos at Atty. Demaree Raval. Talagang magastos maupong Senate President, siguradong 'mamimitas ng mansanas' si Villar upang pakalmahin ang umaalmang members!
Kapag nangyari ang 'worst case scenario' laban kay Villar, ito'y nag-ugat sa pamamayagpag ng 'Cayetano siblings' sa Upper House. Hanggang ngayon, hindi matanggap ng sariling kasamahan sa majority bloc ang partehan. Mantakin n'yo, nakopo ng katukayo ni Joselito Cayetano at ex-wife ni Atty. Ariben Sebastian ang powerful committee. Take note: hawak ni Alan Peter ang blue ribbon at committee on education gayong palamuti lamang sa iba't ibang komite sa Lower House habang tatlo kay Pia--ang committee on environment, women's at ethics plus dalawang (2) Oversight--ang Clear Water Act at Chain Saw Act, tapos tig-isang komite lang mga kasamahan, hindi nga naman patas, 'di ba?
Ikumpara ang komite ni Mam Pia sa ibang kasamahan sa administration bloc, 'di hamak na napaboran ng todo ang magkapatid, maging sa Commission on Appointments (CA). Kalokohan kung itatanggi nina Wow Dick Gordon at Mr. Noted Francis Pangilinan ang iringan sa partehan, maging si Joker Arroyo na makailang-beses nagpahiwatig ng pagka-inis sa katukayo ni Joselito. Nevermind si Migz Zubiri
kung 'tira-tirang komite' ang nakuha, katulad ng committee on cooperative at housing--ito'y inihabol lang naman sa Upper House at namemeligro pang mapalayas sa upuan. 'Di ba Atty. Koko Pimentel?
***
Napag-usapan ang kudeta, hanggang sa bisperas ng 8th State of the Nation Address (SONA) ni Mrs. Arroyo, buhay ang planong pagsibak kay Villar--ito'y konektado sa 2010 presidential election lalo pa't si Loren Sinta ang 'hinihimas' na kandidato ni Kuya Edong. Kundi nagkakamali ang Spy, isang meeting ang ipinatawag ng Liberal Party (LP) sa Quezon City noong Hulyo 27, Linggo ng gabi. Ang report: apat (4) ang dumalo sa secret meeting gayong tatlo (3) lamang ang LP members sa Upper House--sina Noynoy Aquino, Pong Biazon at boypren ni Ate Korina, as in hindi kasama sa bilang si Mr. Noted lalo pa't kaya naman nitong manalo basta't meron Sharon Cuneta kada kampanya.
Hindi lang malinaw kung ginawa ni Mar Roxas sa restaurant o bahay ng isa sa miyembro ng Liberal ang 'secret meeting' noong Linggo ng gabi. Ang nakakagulat, lumutang ang pangalan ni Loren Sinta bilang pang-apat sa present. Hindi natin babanggitin ang pangalan, isang administration senator ang nakausap ng Spy noong Hulyo 26, Sabado ng umaga at kinumpirmang dalawang (2) pirma lamang ang kailangan upang mapatalsik si Villar. Kalokohan kung walang sabwatan sa pagitan nina 'XP' Frank Drilon at Kuya Edong lalo pa't malalim ang pinagsamahan ng dalawa. Take note: si Big Brother Frank ang chairman emeritus ng Liberal at nagpapatakbo ngayon sa ACCRA Law office na pagmamay-ari ni Lolo Edong.
Ang malaking katanungan lamang, paano magtatagumpay ang kudeta laban kay Villar kung si Angara ang naka-pronta, maliban kung si Nene Pimentel ang ipapalit kay Villar? Sa tingin n'yo, papayagan ni Senator Ping Lacson, maging si Doña Consuelo Madrigal-Valade, alyas Jamby kung kamay ni Mrs. Arroyo ang kumukumpas? Abangan kung mauuwi sa katotohanan ang ambisyon ng grupo nina Kuya Edong at Loren Sinta. Anyway, si Gordon o Joker ang ipinu-push ng Malacañang. 'Ika nga ni Kris Aquino 'Deal or No Deal?'
(www.mgakurimaw.blogspot.com)

No comments: